CHAPTER 4

38 16 2
                                    

SHANAIH'S POV

Nang makauwi na ako sa bahay ay natanaw ko si mama sa may kusina na nagluluto.Nilapitan ko siya at kinalabit ang kanyang balikat.

“Ay jusko po!Ano ka ba Shanaih palagi ka na lang nanggugulat! bwesit ka talagang bata ka!”napaatras ako dahil sa sigaw ni mama sa akin.

“Sorry po ma,may gusto lang po akong sabihin sa inyo.”at saka yumuko.

“Ano na naman ‘yon?”at humarap sa akin sabay namewang.

“Gusto ko pong sumali sa TALENT CONTEST 2015 AUDITION sana po‘y payagan niyo ako.”mahinahon kung sabi.

“Anong audition?Walang mag au-audition!At sa tingin mo ba Shanaih matatanggap ka sa auditiong iyan ha?!Nagsasayang ka lang diyan ng oras mo!Mabuti sana kung katulad ka ng ate mo.Mag-aral ka na lang ng .mabuti mas mabuti pa ‘yon hindi kung ano-ano inaatupag mo.”tinalikuran na ako nito at nagpatuloy sa kanyang pagluluto.

“Ma,”at hinalikan ni papa si mama sa kanyang pisngi.

“Ano itong narinig kung audition?”tanong ni papa sa amin.

“Ito!”at tinuro ako ni mama.

“Itong napakagaling mong anak,mag au-audition daw siya sa talent contest ay ewan ko ba kung ano ‘yon.Sabi ko sa kanya nag a-aksaya lang siya ng oras doon dahil hindi naman siya mapipili ng mga judges doon tulad ng dati dahil sa itsura niya.Siya lang din naman ang mapapahiya.”sabi ni mama kay papa.

“Pero gusto kung mag-audition sa contest na iyon!”pagpupumilit ko pa.

“Hindi ka mag au-audition!
Ang ate mo na lang ang ipa-audition mo doon at sigurado pang mapipili siya.”pinipigilan kung tumulo ang aking mga luha dahil sa mga sinasabi nila, napakasakit isipin na mismong pamilya mo pa ang humahadlang sa mga bagay na mga gusto mo.

Magulang ko sila,kaya dapat suportahan nila ako sa mga gusto ko.Pero hindi eh,sila pa ‘yong nangungunang mas pababain pa lalo ang sarili ko.Palagi na lang nilang pinapaboran si ate,puro siya!Ako naisip ba nila ako?sa tingin ko ay hindi,dahil ba ganito ako?

“Hi Ma,Pa!”wika ni ate at napatingin kaming lahat sa kanya na kakadating lang.

“Oh nandito na pala ang ate mo,Jaisele halika nga dito.”wika ni papa’t lumapit naman si ate sa amin at nag crossed arms.

“Bakit po?”tanong nito sa amin.

“Ikaw na lang ang mag audition sa sasalihang contest nitong kapatid mo.Dahil alam naman nating wala rin namang patutunguhan ang kanyang pagsali doon.”sabi ni mama at tiningnan si ate.

“Ako?!”at tinuro pa niya ang kanyang sarili.

“Bakit ako?Tsaka marami akong gagawin ngayong buwan at sa susunod pa.Pero sige,kailan ba ‘yan para mapaghandaan ko na.”nakangising wika ni ate na ikinainis ko nang kaunti.

“Kailan ba ‘yon Shanaih para mapaghandaan na ng ate mo.”
wika ni papa.

“No!Ako ang mag au-audition doon!Kahit paulit ulit pa akong hindi mapili sa mga sasalihan kung mga contest hindi parin ako titigil.”

“Bakit ba si ate na lang lagi ang inyong napapansin?Na siya yung magaling sa lahat tapos ako,ako yung lagi niyong pinapamukhang loser sa aming dalawa!Bakit dahil ba ganito ako?Lahat na lang ng gusto ko pinipigilan niyo ako.Sinasabihan niyo akong tigilan ko na ang mga kalokohan ko!Ang alin po?Ang pag pinta, pagsusulat, pagsayaw,pagkanta at pagtugtog ko ng mga instrumento? Kalokohan po ba ‘yon ma,pa?”dugtong ko pa at pinunasan ang mga likidong nag-uunahan sa  pagutulo sa aking mata.

“Itutuloy ko po ang audition kung ito,sa ayaw at sa gusto ninyo.Buong buhay ko lagi na lang pinapamukha sa akin na wala akong ibang kayang gawin kundi puro kain lang.Pero kung ipapakita ko naman iyan kayo!nanghuhusga kayo kaagad!”

“Tumigil ka na Shanaih,wala kang respeto sa nakakatanda sa ‘yo at natuto ka ng sumagot sa amin.”seryosong wika ni papa.

“Bago niyo pong sabihin na wala akong respeto siguraduhin niyo munang ni re-respeto niyo din po ‘yong pagkatao ko!Bakit may problema po ba sa pagiging mataba?”at pinunasan ko ang hindi na mapigil na pag agos ng aking luha.

“Shanaih para naman ito sa ikabubuti mo,gusto ka lang naming protektahan.”wika ni mama at napangisi ako.

“Protektahan sa alin ma?Sa mga may balak na husgahan ako?Tsk,ang totoo nga niyan eh kayo pang pamilya ko ang unang nanghuhusga sa akin eh.Natatandaan niyo pa ba ang mga sinabi niyo ng nakaraang buwan?sa tingin ko hindi na.”

“Sabi ni papa,itapon ko na lang ang mga painting ko at ‘wag ko nang e display dito sa bahay kasi ang pangit ng gawa ko mas maganda pa ang gawa ni ate.Tapos sabi naman niyo naman po ma, tigilan ko na ang pagkanta dahil ang pangit ng boses ko at wala naman akong talento tulad ni ate.”at tiningnan silang lahat ng seryoso.

“Tapos sabi naman ng magaling kung ate tigilan ko na ang pagsayaw dahil mukha akong tangang balyena kung tingnan.”dugtong ko pa at napangiti.

“Sa tingin niyo hindi iyon panghuhusga? Kahit simpleng joke nyo nga lang eh nakakasakit na kayo.Edi kayo na ang talented!”

“Alam niyo ba dahil sa mga sinasabi niyo nawawalan ako ng
tiwala sa aking sarili.Dahil sa tingin ko ay hindi ko kaya.At tsaka nakakasawa na din eh,sa school dito sa bahay at kung saan man ako mapunta lagi akong hinuhusgahan at pinagtata
-wanan.Nakakasawa na po,kung kayo ang nasa posisyon ko ano kaya ang mararamdaman niyo?”inayos ko ang pagkakasuot ng aking bag at yumuko.

“Akyat na po muna ako sa taas,sorry po sa mga nasabi ko.”
at naglakad na ako papalayo sa kanila.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kung inilapag ang bag ko sa aking kama at nagbihis.Sa pagkakataong ito ngayon ko lang nailabas lahat ng saloobin ko,lahat ng bigat na nararamdaman ko na matagal ko ng dinadala dito sa puso ko.

Napaupo ako sa kama at iniabot ang aking gitara.Ilalabas ko muna ang mga hinanakit na nararamdaman ko ngayon.

Sinimulan ko ng patugtugin ang hawak kung instrumento ngayon at huminga muna ako ng malalim bago magsimulang kumanta.

[Now playing DON'T STOP BELIEVING by JOURNEY]

Intro:
   
Just a small town girl, living in a lonely world
She took the midnight train going anywhere
Just a city boy, born and raised in south Detroit
He took the midnight train going anywhere

A singer in a smoky room, a smell of wine and cheap perfume
For a smile they can share the night, it goes on and on and on and on

Chorus:

Strangers waiting up and down the boulevard
Their shadows searching in the night
Streetlight, people,living just to find emotion
Hiding, somewhere in the night

Working hard to get my fill, everybody wants a thrill
Paying anything to roll the dice, just one more time
Some will win, some will lose, some were born to sing the blues
Oh,the movie never ends; it goes on and on and on and on

Chorus:

Strangers waiting up and down the boulevard
Their shadows searching
Streetlight, people,living just to find emotion
Hiding, somewhere in the night

Outro Chorus:

Don't stop believin’ hold on to the feeling
Streetlight people
Don't stop believin’ hold on to the feeling
Streetlight people
Don't stop believin’ hold on to the feeling
Streetlight people

Nang matapos na ako sa pagkanta ay medyo gumaan na ang aking pakiramdam.
Kinakanta ko ito o pinapatugtog kapaag malungkot ako o nawawalan ng pag-asa na magpatuloy katulad ngayon.Ibinalik ko na sa lalagyan ang gitara ko at umidlip na muna.

Pero hindi ko pa rin mapigilang tumulo ang mga luha ko.Itutuloy ko ang audition kahit na hadlangan pa ako ng buong mundo.Ipapakita ko sa kanilang lahat na nagkamali sila sa kanilang mga sinasabi.Balang araw mare-realize nila na may mali din sila at hindi sila laging tama.Mare-realize nilang nagkamali sila sa panghuhusga sa  akin.Simula bukas magbabago na ang kilala niyong mataba, pangit, mahina tulad ng sabi niyo na si Shanaih Estrada.

Hidden Gems[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon