Chapter 8Kinabukasan ay tahimik lamang akong pumasok, muntik pa nga akong malate dahil ginabi na ko sa pagtulog kahihintay, nagbabasakaling tatawagan nya ako at hihingi ng paumanhin
Pero nakatulog at nagising na ko lahat lahat ay walang tumawag na gabriel, ni ha ni ho ay wala syang naging paramdam saakin
Magandang umaga!!!, masayang pasok ni mitch pero hindi ko siya magawang batiin ng katulad ng kanyang sigla
Hello there, masaya syang umupo sa harap ko, pinilit kung ngumiti sa kanya pero sadya atang hindi ko magawa dahil ang ngiti ko ay nauwe sa ngiwi
Ano ba naman yan shone para kang binagsakan ng langit at lupa ahhh, anong nangyari? Napagod ka ba? Nagsobrahan sa sarap o ano magkwento ka nga,
Wala akong maikwekwento sayo, hindi siya umuwe kagabi, malungkot kung sagot
Ha? Hindi siya umuwe? Teka teka linawin mo nga, bakit hindi siya umuwe?
Nasa madrid siya ngayon, biglaan daw yung meeting nya doon kaya ayon ni hindi nga nakapagsabi ni ha ni ho wala, hindi man lang nya ko naalala na nag aalala sa kanya,
Ano ba naman yan, sorry hindi ko na sana tinanong, palpak pala yung plano ko,
Ayos lang, hindi ko rin naman gagawin yung plano mo, pagsisinungaling ko
Ohh yun naman pala ei bakit disappointed ka masyado?
Hindi nga kasi sya nagsabi, tapos di nya ko tinawagan o text man lang, sinusubukan ko naman syang kontakin pero hindi nya sinasagot
Malungkot kana nyan? Nang aasar nyang tanong,
Masama ko siyang tiningnan bago tumayo, pupunta na kong kusina, bawal ang isturbo
Oo na, oo na, ang hirap kapag inlove no hindi ka lang matext o matawagan nagtatampo na agad
Mabilis pa sa alaskwatro na nakabalik ako sa tabi nya
Anong sabi mo?
Walang ulitan sa bingi, sige na bumalik kana dun sà kaharian mo este sa kusina pala
Ewan ko sayo mitch!, padabog akong lumabas ng pinto ng kanyang opisina at dumeritso sa kusina,
Mas maganda na yung maging busy ako para naman hindi ko siya maalala,
Pinatay ko din ang phone ko para walang makatawag sakin, nagiging imature na ba ako?
Siguro nga ay oo pero kasi ano ba yung itext ka nya o kaya tawagan kahit sandali hindi ba, pwede naman yun
Ay naku shonella ang mabuti pa ay magluto kana lang keysa iniisip mo ang lalaking yun, malaki na siya kaya hindi mo na siya dapat na isipin pa,wala din namang mangyayari kung iisipin ko siya
Shone kakain na tayo, ayaw mo pa ba? Lagpas na sa lunch time ahh sabi sakin ni oli hindi ka pa daw nakain din kaya tara sabay na tayo
Wala kung gana, dito na lang ako sa kusina, magbabake ako ng cake for dessert,
Ay hala sya, hindi ka pwedeng magpagutom ano na lang ang sasabihin ni mommy kapag nalaman nya na ang pinaka magaling nyang chef ay ayaw kumain baka mamaya mapagalitan ako nun kapag nagkasakit ka
BINABASA MO ANG
Arrange Married To Him (complete)
Romancearrange married is not my dream, gusto kung makasal sa taong mahal ako at mahal ko pero how can i decline the last wish of my dying father? Anderson series 1 GABRIEL ANDERSON STORY R18 SPG Note: the cover photo is not mine, credit it to the owner #6...