"What was the meaning of this?" Kalmado na tanong ko, pero sa kaloob looban ay umaalab na ang galit.
"I don't know." Patay malisya kuno na sagot niya. "Baby! Nag picture lang kami dahil she requested it hindi ko naman alam na ganiyan ang magiging caption niya."
"Ewan ko kong maniniwala Pa ako sayo axel. Ilang besses mo na akong niloko, ilang besses mong tinanggi na may namamagita sainyong dalawa at lahat yon napaniwala mo ako. Pero this time ewan ko nalang." Sabi ko at naupo sa may sofa dito sa bahay namen.
Mula kasi ng makita ko yong post ni Kim ay hindi ko siya pinansin ng ilang araw. Ngayon lang kami nag kausap dahil pinuntahan niya ako dito saameng bahay. Dahil hindi niya nadaw matiis na ganon ang trato ko sa kaniya. Yong sa picture okay lang saakin pero yong caption ay ibang usapan nayon. Hindi ako tanga o bobo para hindi malaman ang kahulugan non.
'Kong malaya kalang talaga'.. Ang linaw ng ibig sabihin ng mga katagang yan. Na kong Malaya lang si Axel ay papapatulan niya pero dahil may nag mamay-ari sa kaniya ay nagtitimpi siya. Hindi ko nalang talaga alam kong anong magagawa ko sa oras na malaman kong may namamagitan sa kanilang dalawa. Baka kahit kaibigan ko siya ay masasaktan ko siya..
"So sinasabi mong niloloko kita?"
"Bakit hindi ba?"
"Hindi. Baby! Hindi ko magagawang lokohin ka. Mahal na mahal kita at kong lolokohin kita ay para ko naring pinapatay ang sarili ko." And he huged me but I push him away. Nakatingin lang siya saakin ng deretso ng dahil sa ginawa ko, ako naman ito at nakatulala sa may painting dito sa may living room.
"Huwag mo akong yakapin sa ngayon dahil galit ako sayo." Mahinahon na sabi ko.
"Ng dahil lang doon galit kana?" He ask.
"Oo.. Kong ikaw mababaw na dahilan u saakin napakalaking dahilan non para mag ka ganito ako. Axel, ngayon nga na iniisip ko palang na may relasyon kayong dalawa ay nasasaktan na ako paano Pa kaya kong naging totoo na." Puno ng sakit na sabi ko. Gustong kumawala yong mga luha ko pero pinipigilan ko ang mga ito.
"Baby." Tanging nasabi niya. Parang nanlumo ako bigla dahil doon. Malambing yong bosses niya pero hindi ko alam kong bakit mas nasaktan ako.
Natahimik kami saglit bago ulit siya nag salita. "Okay. Alam kong sarado Pa ang isipan mo ngayon kaya kahit anong explanation ko ay hindi mo didinggen. Babalik nalang ako pag okay na, but baby I'm telling toy the truth. Kaibigan ko lang si Kim." Malumanay pero halata ang pagka inis sa bosses niya.
"Mas mabuti Pa nga... May meeting Pa akong pupuntahan. Kaya kong wala kanang sasabihin you better leave. You're just wasting my time." Mataray na sabi ko. Imbes na hintayin kong siya ang umalis ay inunahan ko na siya.
Deretso ang tungo ko papunta sa kwarto ko. Pag kasara ko ng pintuan kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha na iniingatan ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya, gusto kong nakikita niya akong malakas ayaw kong nag mumukha akong mahina sa kaniya. Ayaw kong isipin niyang siya ang kahinaan ko. Kong tama man ang nasa isipan ko ay hindi ko alam kong bakit nagawa niya ito saakin. Naging mabuti ako sa kaniya pero bakit? Bakit yong lalaking mahal ko Pa..
Umiyak ako ng umiyak dito sa may baniyo ng kwarto ko. Hinayaan kong umagos yong mga luha ko. Dahil sa paraang ito, alam kong maiibsan ang sakit na iniinda ko. Paulit-ulit kong tinatanong kong bakit nasasaktan ako ng ganito eh nagmahal lang naman ako..... pagkatapos kong umiyak ay naligo na ako, nagbihis at inayos ang sarili na para bang walang nangyari.
Kailangan kong umakta na para bang hindi umiyak upang sa ganon ay hindi mahalata ng ibang tao na may iniinda akong problema. Mas gusto ko kasing sinasarili ang problema ko kaysa sa sinasabi ito sa ibang tao.
