kabanata - 1

11 2 1
                                    

" Ineng ito na ang bayad ko sa utang nung isang araw "
pumihit ako paharap para makita ko kung sino ang nagsalita, si nay belen pala

" wag na po nay belen tulong ko nalang po sa inyo yun "
sabi ko tsaka ko sya ningitian bago tinignan si len len sa tabi nya, umaga ngayon kaya nakakalabas mga babae thought diko paalam anong dahilan kasi di naman ako ganun ka chismosa at nakikichika sa kanila. kung bakit?, napabaling ang tingin ko kay nay belen nung magsalita sya.

" naku ikaw na bata ka, may pera pa naman ako dito kunin mo nalang "
sabi nya at pilit binibigay saken yung pera. Na inutang nya nung isang araw nung walang wala na sila, dahil sa sugarol ang asawa nya at idagdag pa. sya lang nagtatrabaho sa kanila bilang mananahi sa tahian ni Nanay bibang. napabuntong hininga nalang ako, alam ko naman wala na silang pera pag binigay nya ang sweldo nya saken na sakto lang na 500. mapilit paren, napabuntong hininga ulit ako at tinanggap.

" Nay belen wag na kayo mapilit, alam ko naman pag tinanggap ko toh wala na kayong pera dyan " sabi ko at tinignan ko sya ulit

Napatingin sya saken ng maluha-luha.

" ikaw na bata ka o oh, nakakahiya na kasi sayo palage nalang ako umuutang " sabi nya saken habang tumutulo na ang luha nya

Napatawa ako sa sinabi nya bago ko sya yakapin para patahanin baka pag sabihan pa ako dito na inaaway ko sya.

" alam mo Nanay belen kahit palage kayo umutang saken wala saken yun. marami kayang pera toh " sabi ko na may pagmamalaki, napatawa sya saken dahil dun but truth be told marami talaga akong pera marami kasing ipon naka widraw naku bago pumunta dito tsaka tipid ako sa pagkain

Napangiwi ako dahil sa naisip. di pala ako matipid sa pagkain kung ano kasi maisipan ko. bibilhin ko, at kung ano makita ko. bibilhin ko din, kung ano-ano na masarap na pagkain.

ganun ako katakaw...

But i have a work through online at kailangan ko pa pumunta sa main point dito sa lugar kasi malayo nato sa pinaka city nila at dun ko pa kukunin sweldo ko buwan².

" So don't cry na Nay belen ah? Mawawala kagandahan naten yan pag umiyak ka tsaka kunin mo na po para sa b-day n len² sa makalawa " sabi ko sabay ngiti sa kanya para gumaan naman pakiramdam nya, sabi kasi nila nakakahawa daw ngiti ko at tawa

tinignan ko ulit sya kahit ganyan ang buhay nya nakakangiti at nakikipagbiruan paren.

" O sya, pupunta pa ako ila bibang para mag trabaho pwede ko ba ihabilin sayo si len²? " sabi nyà habang nag pupunas ng luha sa mata tsaka nya tinignan si len² na nakapit sa palda nya mahiyain

" Oho Nay belen pwedeng pwede naman ho, wala naman kasi akong gagawin ngayon " sabi ko sabay ngiti sa kanya tinignan muna nya si len² bago lapitan.

" len-len dini ka muna kay ate lucky mo ah, mag tra-trabaho lang si Nanang dun ila nanang bibang mo. Màgpakabàit ka dito a, wag maging pasaway at wag ka muna umuwi sà bahay ah alam mo naman si tatang mo dun baka ano gawin sayo saka...."

Pumasok nalang ako sa kusina para kumuha ng ice cream alam kung mahilig sila ng ganito, masarap kasi. Mahilig ang mga bata dito halos lahat dito sa baryo tsaka di kona hinintay matapos si Nay belen mag habilin kay len len. Naiiyak naman kasi ako sa sitwasyon nya, palage nalang ganun. mahilig talaga magsugal kahit anong gawin ganun talaga si mang kardeng. Hinayaan nalang namen, babalik at babalik kasi sya dun pagkatapos nang ilang araw after mong pag sabihan. Makulit talaga, buti nalang isa nalang problema n Nay belen. Si len², apat kasi dapat sila dyan kaso yung dalawang nyang anak may mga asawa na. nasa ibang baryo nakatira. Minsan naman dun sila kapag nag aaway sila mag-asawa. Hayss mahirap ba talaga mag asawa?

His WorldWhere stories live. Discover now