Nagising si Yhanna sa pag-aakalang nananaginip lang siya na nakasuot siya ng isang maganda at eleganteng red gown sa isang magarbong pagsasalo.
Hinimas niya ulo niya dahil medyo nahilo siya sa bigla niyang pagtayo, umupo muna siya sa kama niya at napansin niya ang isang red gown na nakasampay sa paanan ng kama niya. Kinuha niya ito na may halong pagtataka.
Imbes na mag isip pa siya ng kung ano, hinanap niya na lang ang tatay niya, ngunit hindi niya ito nakita.
"Panaginip lang yun Yhanna, wag kang mag isip na totoo." bulong niya sa sarili niya at nagpasyang mag ayos na lang sa bahay nila, wala din kase siyang pasok ngayon kaya mas pinili niya na lang ang lumagi sa bahay ngayong araw.
Maghapon lang siyang nasa bahay, ayaw niya kasing makita si Doña Carlotta sa mansyon ng mga Alegre, hindi niya lubos maisip na sa kabila ng pagiging mabait ni Don Fernando may asawa siyang matapobre.
Ang tatay niya ay isang matagal ng driver ng pamilya Alegre, bata pa lang siya ay naninilbihan na ito sa pamilyang tinaguriang isa sa pinakamayamang pamilya.
Dahil sa tatay niya kaya nakakapag aral siya, hindi niya naman masisi ang tatay niya kung ayaw nito magbitaw sa pagtatrabaho sa mga Alegre hanggang di siya nakakapagtapos sa kolehiyo.
Hindi niya inaasahan na darating ang isang araw na malalaman niya ang lihim na pagtingin sakanya ng isa sa dalwang anak na lalake ng mga Alegre.
BINABASA MO ANG
Princess Yhanna
RandomHindi lahat ng prinsesa mayaman. Hindi din lahat ng prinsesa nababase sa estado ng buhay, siguro para sainyo Oo tinitingnan niyo lang sa estado ng buhay ng isang tao, mahilig kayong humusga sa tao na kahit kailan hindi niyo pinili na makilala, bakit...