Yhanna 1

47 1 0
                                    

"Yhanna anak, alis na ko." rinig kong paalam ni tatay. "Nakahanda na almusal mo anak pati baon mo." dagdag pa ni tatay, pupunta na kase siya sa mansyon para kung sakaling may lakad sina señor at señora madali sila makakaalis alam ko naman kase na sobrang higpit ni Doña Carlotta hindi kagaya ni Don Fernando na mapakumbaba.

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader, alas singko palang. May pasok din kase ako ngayon dahil lunes na naman.

Nag ayos na ko, Third year college na rin ako pangalawang semester, isang taon na lang makakagraduate na ko sa kursong Business Administration major in Business Management, maitatayo ko rin ang gusto kong negosyo para kay tatay kapag nakapag ipon ako dahil pagkatapos ko magtatrabaho na ko at si tatay titigil na sa pagmamaneho kahit alam kong labag sa loob niya na wag magtrabaho.

Nag ayos na ko ng sarili at umalis na ng bahay, ang bahay namin na nasa likod ng mansyon ng mga Alegre, hindi rin ako pwedeng dumaan sa main gate kaya sa kabilang gate ako dumadaan baka kasi makita ako ni Doña Carlotta at baka mapalayas pa kami ng tatay ko.

Naglakad na ko palabas, nang nasa kalsada na ko may isang sasakyan na nakaparada, nilagpasan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad, maglalakad na lang ako hanggang sa guard house dahil nandun ang sakayan.

Napansin ko yung pulang kotse na sumusunod sakin pero hindi ko lang pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nararamdaman ko pa rin yung kotse kaya palingon lingon ako, bakit niya ba ako sinusundan?

Bumusina siya kaya medyo nagulat ako pero hindi ko lang pinahalata. Ano bang problema niya?

Bumusina pa siya ng bumusina kaya huminto ako at huminto naman yung sasakyan.

"Sakay na." alok niya, t-teka s-si señorito Jhiru? bakit niya ko pinapasakay. Nakatulala lang ako.

"Hoy Yhanna sumakay ka na!" sabi niya kaya natauhan ako, pinagbuksan niya pa ako, sa katabi ng driver's seat.

"A-ah, s-señorito w-wag n-a po." hindi ako makatingin ng deretso sakanya, ang gwapo niya kasi at dahil nadidistruct ako sa presensya niya.

"Sasakay ka o sisisantihin ko tatay mo." hala! Lord God please not now, gusto ko pang magtapos, marami pa akong pangarap sa buhay, isang taon na lang naman titiisin ko pati ng tatay ko.

"Yhanna!" ngayon sumigaw na siya. nataranta ako kaya sumakay na ko kahit labag sa loob ko.

"S-san po ba tayo........" hindi pa ko tapos magsalita nagsalita na siya.

"Ihahatid na kita sa school mo." tama ba ang narinig ko? ihahatid niya ko? teka teka aba teka lang! hindi naman kami close nito ah.

"Ho?! Seryoso ka?" gulat kong sabi, eh bakit ba kase ihahatid niya ko.

"Sasabihin ko ba kung hindi ako seryoso." sabi niya habang nakatuon lang ang tingin niya sa daan. "Mag seatbealt ka." dagdag pa niya, pero hindi ko nilagay, hininto niya at siya mismo naglagay. Naamoy ko ang mabango niyang hininga pati ang bango ng suot niya, dahil sa lapit ng mukha niya napabuntong-hininga ako.

"B-bakit niyo po ba ako ihahatid? kayang kaya ko naman po mag isa tsaka sanay naman po ako mag isa eh......" ayan pinutol niya na naman. Ito ba role ko? Yung laging putol ang sinasabi.

"Una sa lahat wag mo na akong Po-in, pangalawa, wag mo na akong tawaging señorito at pangatlo, ihahatid kita ngayon dahil pinagpaalam na kita sa tatay mo at tsaka may pupuntahan din ako. Ano okay na?" Sabi niya. Tss. Dinamay niya pa tatay ko. Bakit ba siya ganyan, minsan ang sungit niya, minsan naman ang bait bait. Ganito ba talaga ang mayayaman?

"Hoy Yhanna!" tinigil niya muna yung sasakyan. ano ba problema niya at sinisigawan niya pa ko. Hindi pa nagsisink-in sa utak ko mga nangyayare. Amo ko tapos ihahatid ako sa school ko? tapos ayaw niyang po-in ko siya tapos ayaw din ng señorito ang itawag sakanya? nahihibang na ba siya? o baka naman nakadrugs?

Princess YhannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon