CHAPTER 2

7 5 0
                                    


Second year high school, Month of August. Buwan ng wika. And filipino club at Music club ang busy sa buwan nato at isa ako sa mga officer ng Music Club. Treasurer ako eh. Kaya medyo nahihirapan ako officer din kasi ako sa Filipino club, treasurer din.

"Uy Elle dipa kayo uuwi?"napatigil ako ng lumapit si Kuya Jacob sa akin. Pagabi na kasi. Pinigilan ko ang pagka taranta ko, nakakahiya.

"Ah mamaya pa kuya, tatapusin muna namin ang pag decor para dina kami mahirapan mag organize bukas"sabi ko, shit naman ang gwapo ng crush ko, ang bango pa.

"asan president niyo?"tanong niya habang hinahanap si Ate Guen.

"hindi niya kayo dapat pinapabayaan dito tsaka ikaw lang yung nag dedecor asan yung iba?" hala concern po siya!Tinulongan niya akong mag cut ng mga letters.

"Apat nalang po kami bumili si Jade at Timothy ng pang hapunan tapos si Gissele nag cr"pag-e-explain ko sakanya. Tumango lang siya habang natatawa.

"bakit po?" may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Hindi talaga humihiwalay si Timothy sayo" sabi niya, kaya napairap ako.

"Nako ayaw talaga akong tigilan kuya, sinuumbong ko na nga kay Tita yan"inis kong sabi, eh pag si Timothy ang Topic umiinit bigla ang ulo ko.

"Bakit ayaw mo sakanya, balita ko nililigawan kadaw niya?" nanlaki ang mga mata ko bakit updated siya sa akin? Omygod.

" eh bata papo ako tapos ayoko sakanya kuya no ang landi landi" asar na asar akong ginugupit ang mga letters.

"ang cute mo"napatigil ako at tinignan siya, wait..

"ha?" tama ba yung narinig ko? Nakatingin lang din siya sa akin at natawa.

"ang cute mo kako. Tipong inis na inis ka kay Tim, pero malay mo, siya pala ang end game mo"nag kibit balikat pa siya. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.

"Ew kuya uminomka nga ng kape para kabahan kanaman sa pinagsasabi mo" umarte akong nang didiri kay sa sinabi niya habang siya tawa ng tawa, napangiti nalang din ako. Nakaka-asar naman yung taawa at ngiti niya, nakakahuog.

Kinabukasan ang simula ng first event, kung saan may Contest ng Tula, Flipino Songs, at sabayang pagbigkas. Lahat naman kami ay naka suot ng Pilinyana at nakabarong tagalog naman ang mga lalaki.

"Uy Goodluck"bati ni Kuya Jacob.

"Goodluck din" ngumiti lang siya at umalis na. Ngiting makalaglag panty.

"Ayiiee baka manalo ka niyan ha relax lang"asar ni Jenny sa akin habang inaayosan niya ako. Ang talented talaga ng bestfriend ko. Ginawa niyang fishtail braid yung buhok ko.

"Wow, ang ganda ni Elle" exaggerated na puri ni Timothy may patakip takip pa siya sa bibig at nanlaki ang mga mata. Inirapan ko siya.

"OA" yun lang.

"Tara na"tawag niya sa akin. Hindi naman kami contestant pero kami nila Tim at mga senior namin na under ng Filipinoclub at music club yung kinuhang mag gi-guitara. Hindi naman talaga masamang kasmaa si Tim, good influence siya kasi matalino at walang bisyo kaso, ang landi kaya naiinis ako pag nilalandi na niya ako.

The last contestant ay si Kuya Jacob. Siya yung nag gi-guitar-a at may mic sa harap niya.

"Ang kanta pong ito ay maliban sa kasali ako sa paligsahang ito ay para rin po ito sa babaeng gusto ko"Nanlaki ang mga mata namin at ang iba ay naghihiyawan, nasa baba kasi kami ng stage at at kaming mga committee ay nasa malapit sa stage. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimula na siyang mag guitara.

The Walk (Fuentes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon