CHAPTER 3

7 5 2
                                    


"Laverde!"

"Po!"napatayo ako dahil sa sigaw ng prof namin.

"Labas!" nananaliksik na ang mga mata niya habang nakapa meywang. Napakamot ako sa ulo ko at kinuha ang bag ko at lumabas. Last subject ko naman to eh. Pangalawang beses narin akong napapalabas sa klase dahil nakaka-idlip ako.

Major subject ko pa naman yun, langya. Inis kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Jenny, walang klase yun ngayon mamaya pa yung last subject nila.

"Yes? Mrs. Velarde speaking" napairap ako nang sagutin niya ang telepono.

"Huy Jenney Marasigan wag kang mangarap na papakasalan ka ni Thomas Velarde, wag ka nga baka magaya ka sa akin" I was just joking, ganito na kami lage.

"Huy babaeng hindi maka move-on. Mainggit ka dahil inaya niya ako ng date!" nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"gagang malandi ka, gumana yung gayuma?"natatawa kong tanong.

"gayuma gaga ka,, gayumahin mo yung Jacob mo baka sakaling iwan si Ate Guen at puntahan ka"napairap naman ako. Panira talaga.

"bakit kaba kasi tumawag?" aba gagang to ah

"Huy pinalabas nanaman ako ni maam Malifecent dahil nakatulog nanaman ako" Inaantok ako eh. Tsaka puyat ako sa trabaho.

"Hala pinuyat ka ng Customer kagabi?" nanlaki ang mga mata ko gaga bato? Baka iba isipin ng mga tao pag narinig nila si Jenny dun!

"Punyeta ka ah yang bibig mo. Pero oo puyat ako dahil sa trabaho, sige na nga wala kang kwentang kausap. Mabilaukan ka sana sa date niyo at ma discourage si Tom sayo"pinatayan ko na siya ng tawag bago pa siya maka ganti ng sasabihin sakin. Nakakatamad mag-aral, kung bakit ba kasi naabutan kami ng k-12 eh. Ganun din sila Kuya Jacob, first batch ng Senior High School.

Speaking of Jacob. Sobrang nga-nga ako a week after first day dahil doon ko nalaman na ang may Ari ng East University ay sila Kuya Jacob. Ang alam ko lang naman dati ay mayaman lang siya. Di ko naman alam na itong Malaking university nato ay pagmamay-ari nila. Galante diba? Sana all.

And fortunately, dito siya nag-aaral, yes Engineering. 3rd year college. Ako naman, Elementary Education. Unfortunately sila padin ni Ate Guen, fortunately hindi siya dito nag-aaral. Nalaman ko din na business partners pala yung mga magulang nila, edi wow sila na itinadhana.

Magkatapat lang pala yung building namin pero matatapos nalang ang taon hindi kami nagkakasalubong.

"hay nako--"

"Elle?" napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong sila Kuya Calvin. Napasinghap ako sa gulat ganun din sila.

"Hey Elle kumusta!" niayakap ako ni Kuya James.

"U-uy Kuya..James"nag-iba na ang itsura nila, sobrang manly na tapos ang tatangkad pa.

"dito ka pala nag-aaral ha ano tapos naba yung klase mo?"Kuya Calvin. Hindi nila kasama si Kuya Jacob?

"oo pauwi na nga ako" medyo naiilang na ako sakanila, oo close kami dati pero dati yun.

"Nako, sabay ka muna samin jan lang naman kami sa may TJ , umiinom kanaman diba?" Si Kuya Calvin na kung dati ay moreno ngayon naging meztiso na. Just wow.

"Nako malakas uminom yan!"napalingon kami kay Timothy. Napairap ako.

"Oh wow, Tim right?"Kuya Calvin, wow lakas naman ng memorya nila naaalala pa si Tim.

"Sabay kami okay lang?"Wow ang kapal ng mukha Tim.

"Nako Engineering? 3 lang sapat na"umiling-iling pa sila kuya James. Lage kong naririnig yang line nayan kahit sa facebook memes ganun din. Mahirab ba talaga yung engineering?

The Walk (Fuentes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon