Chapter 1

31 3 0
                                    

Nag confess ka na ba?


Na reject ka na ba? Halata naman eh tsk.


Umiyak ka ba?


Totoo talaga no? Pagmahal mo,gagawin mo ang lahat.


Pero paano kung napagod ka sa kakahabol sa kanya at alam mo sa sarili mong hindi ka mananalo? Pero hindi mo alam na mayroon ding taong naghihintay sayo sa dulo?

------------------------------------------------
ITZIYANA POV

"Hana,dul,set,net....ayusin niyo ang paghampas ano ba,hindi ba kayo kumain?" Ayan na naman yung nakakabinging boses ni coach. Kasalukuyan kami ngayong nag te-training ng taekwondo. Pero hindi sa magmayabang, black belter na ako. At ako ang pinakamagaling sa klase namin. Alam kong pagod na pagod na ang mga kasama ko dahil halos mga 4 oras na kaming paulit ulit sa pagsipa kahit mayroong break kami kahit 15 minutes man lang.

"Isang round na lang at pwede na kayong umuwi". Isa yan sa mga paborito kong marinig sa coach namin sapagkat maaga kaming makakauwi at makikita ko na naman ang aking love of my life. Sana maabutan ko pa tsk. At natapos nga ang aming training at nagpaalam na at nagpasalamat. Dali dali akong lumabas sa training room namin dahil may sasabihin ako kay Raegan. Pangalan pa lang gwapo na.

"Itzi". Narinig ko ang pangalan ko sa di kalayuan ay nakita ko ang aking kaibigan na si Suzaine. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil baka hindi ko na maabutan si Raegan,uwian pa naman nila ngayon. "Halika na,bilisan mo". Tumawid siya at nang makarating na ay bigla akong hinampas.

Hindi ko na nagawa siyang patulan,nagmamadali ako no. Patakbo akong lumabas ng campus at naramdaman ko naman na sumunod siya. Magkaiba kami ng paaralan ni Raegan mga ilang kanto lang ang layo ng paaralan namin sa isa't-isa.

"Uyy,bro si Itzi oh. Mukhang hinihintay ka" sabi ni Finn,barkada ni Raegan. Nakita kong tumingin si Raegan kay Finn na parang gustong pektusan tong si Finn. Kilala ko si Raegan,ayaw niyang tinutukso siya lalo na sa may maraming tao. Agad naman akong lumapit sa kinatatayuan niya. " Hi Raegan,sabay na tayong umuwi. O di kaya punta muna tayo sa snack house baka nagugutom ka na". Pa cute na sabi ko hehe. "Umuwi ka na lang zaine,sasabay na ako kay Raegan umuwi. Finn ikaw din hehe" sabi ko sa kanila. Syempre gusto kong ma solo tong love of my life ko,kinikilig na sabi sa isip ko.

Habang naglalakad kami ay nakahawak lang ako sa braso niya kahit pinipilit niyang tanggalin ito sa pagkakahawak pero bumabalik din ako sa pagkapit. "Ano ba! Pwede ba tigilan mo na nga yang kakasunod mo sa akin. Kung maka asta ka parang tayo na. Mahiya ka naman". Nagulat ako sa sinabi niya,hindi ko maintindihan yung iniusal niya sakin. Minsan kasi parati niya nalang ako sinisigawan,parang nandidiri siya sa akin. "Ano bang nagawa ko sa'yo ha? Kahapon okay lang tayo ah" halos takang tanong ko sa kanya. "Alam mo naman na gusto kita diba? Bakit di mo yon maramdaman,alam kong hindi mo ako gusto pero huwag mo naman sanang ipakita na ayaw mo talaga sa akin." Halos mangiyak kong sabi. Natahimik lang siya. Alam kong nagulat siya sa pagsigaw ko sa kanya,dahil yun ang unang beses na marining niya akong sinigawan siya. Alam niya ang ugali ko. Mabait ako,sweet,responsable,matalino at halos mayroon na ang lahat.Pero ang hindi ko matanggap ay yung pagtaboy niya sakin. Gusto ko lang naman siyang yayain kumain sa labas dahil may importante akong sasabihin sa kanya.

Sa susunod na linggo ay aalis na ako at mag-aaral sa Italy kasama ang aking mga magulang. Pero yung tatlong kapatid ko ay maiiwan dito sa Pilipinas dahil dito nila gustong mag-aral at yung bunsong kapatid ko naman ay dito na mag hi-highschool. "Sorry kung nasigawan kita,huwag kang mag-alala darating din yung panahon na hindi mo na mararanasan na may mangungulit sa iyo ng paulit-ulit at maghahabol sa'yo. Pero sisiguraduhin ko pagdating ng araw makukuha kita". Iyak kong sabi. "Pero tandaan mo,kahit anong mangyari.... gusto kita at hindi magbabago iyon kahit malayo na ako". Sigurado akong nakita ko ang pagkalito sa mukha niya kahit naluluha na ang mga mata ko. Alam kong tinatawag niya ang pangalan ko pero sigurado akong hindi na siya sumunod.

At iyon na ang huling pagkikita namin at sa loob ng tatlong taon ay wala na akong nalaman tungkol sa kanya.

End of Flashback

Pagkatapos ng tatlong taon ay makakatapak na muli ang aking mga paa kung saan ako lumaki at namuhay ng payapa. Kakalapag ng aming eroplanong sinasakyan at tinawagan ko ang aking kapatid na kasing edad ko lang din. "Hello" sabi niya sa kabilang linya. Sa boses pa lang ay alam ko nang grabe ang pinag-iba niya. Binatang-binata na ang kapatid ko. Matagal na akong walang komunikasyon sa kanila simula ng umalis ako. "Si Reign to. Papauwi na ako pero hindi ako didiretso sa bahay. Uuwi ako sa condo ko" Sabi ko. "Reeeignnnn?? Himala buti tumawag ka,masyado mo ata kaming pinag-iintay. Patay ka kay kuya lalo na kay bunso" Tsk. Hindi pa rin nagbabago ugali nito parang pinakain ng megaphone sa sobrang talas ng boses pero seryoso din yan minsan pag seryoso na ang usapan. "Tigilan mo nga yang kakasigaw mo,magkausap lang tayo sa telepono at alam kong malapit lang yang speaker sa bunganga mo". Sabi ko,naiinis ako. Nananakot pa. "Huwag mong ipaalam sa mga kapatid natin na nakauwi na ako dahil ako mismo makikipagkita sa kanila at hindi pa alam nila Daddy at Mommy na nakauwi na ako,ang alam lang nila ay sa susunod na tatlong buwan pa" sabi ko sa kanya. Simula nong nasa Italy na ako nag-aaral ay tumira lang ang mga magulang ko doon ng limang buwan para samahan ako hanggang masanay sa pasikot sikot doon. Italiana ang ina namin, Half-Korean at Half-Pinoy naman ang aming ama. "Bakit? Sigurado akong papagalitan ka niyan". Sabi ng kapatid kong si Vincent Lor. "Bahala na,basta gusto ko ng umuwi. May babalikan pa akong taong mahalaga sakin". Sabi ko at narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Perche?" tinanong ko siya ng bakit gamit ang wikang italian. "Lo saprai". Sabi niya at binabaan ako.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero hindi ko nalang iyon pinansin at pumara ng taxi at umuwi na. Sumakay lang ako ng Taxi at sinabi ang address na pupuntahan namin.

Nakauwi na ako at hahanapin kita. Maliit lang ang Tacloban kaya sisiguraduhin kong makikita kita. Pero may kaba din sa dibdib ko na baka may nililigawan na siya o may kasintahan na. Hindi din malabo na may magugustuhan siya lalo na't marami din namang magaganda pero di hamak maganda naman ako noh masyadong maraming lahi ang dumadaloy sa dugo ko. Sigurado akong maraming nagkakagusto sa kaniya,gwapo na nga matalino pa. Pero ayaw ko sa mga ibang babaeng sa mukha lang bumabase,pwe!.

Di ko na malayan na nakarating na pala ako sa hotel namin.Agad naman akong dumiretso sa kwarto at nilapag lahat ng gamit ko at humiga sa kama hanggang nakatulog ako.

Sweet but PsychoWhere stories live. Discover now