Chapter 2

16 2 0
                                    

Vance Lor's Pov

Nasa room ako ngayon. Mag dadalawang buwan nang dumaan simula ng pasokan sa senior high. Kasalukuyang STEM ang kinuha kong strand. Napakaingay ng mga kaklase ko,wala daw kasi kaming klase sa first subject dahil may meeting yung teacher namin sa College Department.

"Buddy, napagplanohan mo na ba kung anong club sasalihan mo?" Sabi ni Finn,kaibigan ko. Sa totoo lang ay bago ko palang siya nakilala,dahil bago pa sila sa school namin na pagmamay-ari ng pamilya ko pero hindi nila alam na anak ako ng may-ari lalo na di nila alam kong sino ang may-ari. Masyadong pribado ang pamilya namin.

"Sa susunod na, may isang buwan pa naman tayong mag-isip kong saan talaga tayo sasali". Sabi ko sa kanya. Narinig kong nag ingayan sa labas ng room namin. Yung school ng senior high department namin kasi parang naka square siya kaya makikita mo talaga sa tapat yung mga dumadaan. Kaya pala sila nagsisigawan dahil kay Raegan kaya lumabas na kami ni Finn sa room at lalong nagtilian na naman sila.

Kilala kaming tatlo dito sa school. Hindi lang dahil sa matalino na,gwapo pa. Huwag kayong umangal diyan. "Buddy, guess your day is ugly,parang ka namang binagsakan ng semento niyan" I tapped his shoulder. And enter the room.

Tatanongin ko na sana siya kung anong nangyari so I can help but my phone is ringing. Walang pangalan na nakalagay pero sinagot ko pa din baka isa yun sa mga tauhan namin. "Hello?" i said. Lumabas na ako sa silid para marinig ko ang kausap ko."Si Reign to. Papauwi na ako pero hindi ako didiretso sa bahay. Uuwi ako sa condo ko". Nagulat ako kaya napalakas yung boses ko buti nalang hindi nila masyadong narinig. "Reeeignnnn?? Himala buti tumawag ka,masyado mo ata kaming pinag-iintay. Patay ka kay kuya lalo na kay bunso". Totoo naman talaga,halos tatlong taon din akong walang komunikasyon sa kapatid ko kahit tinatawagan kami ng magulang namin noon sa sitwasyon niya,kung kamusta ang pag-aaral niya at paninirahan niya sa Italy.

Nagalit pa siya sa kabilang linya dahil daw sa sobrang ingay ko at sinabihan pa akong huwag ipaalam sa mga kapatid namin at magulang na nakauwi na siya. Pero siya na daw mismo magsasabi sa mga kapatid namin na nakauwi na siya pero malilintikan talaga kaming apat pag nalaman ng mga magulang namin to. Pero alam ko naman kung sinong inuwi niya hahaha kahit di ko nakikita yung ekspresyon niya ay sigurado akong kinikilig siya at kinakabahan.

ITZIYANA'S POV

Nagising ako ng hapon na. Gosh,I am so hungry. So I decided to take a bath first and go down to buy food. Bibili lang ako ng pagkain dahil ayaw ko namang kakain lang ng mag-isa sa resto. Habang pasakay ako ng elevator ay nabasa ko ang text ng kapatid kong si Lor. Gusto daw niyang makipagkita lalo na at uwian na nila kaya tinawagan ko siya.

"Reign, let's eat together. I'm hungry" sabi niya. "Okay,pero libre mo" sabi ko. "Ikaw dapat manglibre kakauwi mo lang eh" sabi naman niya. Aba'y pahirapan pa talaga kami nito. "Anak ng leche plan, nag-aya ka tapos magpapalibre ka sakin,tigilan mo nga ako. Kung sino ang mag-aaya siya ang magbabayad. Tapos ang usapan" sabi ko. Kailangan kong magtipid lalo na't wala sa akin yung black card ko lalo na sa mga kapatid ko. Ayaw ng mga magulang namin na gagastos kahit di naman kinakailangan talaga. Pero may tag-iisa kaming card na nilalagyan lang ng sapat ng mga magulang namin buwan-buwan."Va bene,ti trattero". Sabi niya na napipilitan pang ilibre ako hahahaha. Panalo ako palagi eh,ayaw ko sa lahat ang matalo.

Binabaan ko na siya at sakto namang bumukas ang elevator. Nag text siya sa akin,sa Robinson nalang daw kami kakain sa paborito niyang fast food ang KFC. Lumabas ako ng hotel at sumakay na ng taxi. 10 minuto lang ang tagal ay nakarating na ako. Sa di kalayuan, ay natanaw ko na si Lor,naka uniporme pa ito. Nang palapit na ako sa kanya ay bigla niya akong niyakap. "Namiss kita". Sabi niya sa likoran ko at kumalas na siya sa pagkakayakap. "Namiss din kita Lor". Sabi ko. Sobrang saya ko na makita ko siya pagkatapos ng tatlong taon.

Umorder na siya ng pagkain namin at habang pumipila pa siya ay may babae pang nagpapapansin sa kanya. Sigurado akong mga senior high students din ito ng SVC dahil sa uniporme na suot nila,ang paaralan na pag-aari ng mga magulang namin.

Nang matapos na siyang umorder ay nakita ko ang iilang mga reaksyon ng ng mga babae at hindi makapaniwala na may kasama siyang magandang babae sa balat ng lupa. Charot lang pero maganda ako hahaha. "Eat your food" sabi niya at tinangoan ko siya. "How are you? I am so happy you're here now. I missed you so much". Tinigil niya saglit ang pagkain niya at kumain ulit. Natutuwa ako kay Lor dahil mabait din ito. Tinitigan ko lang siya at talagang makikita ko sa mga mata ang tuwa niyang makasama ulit ako. "Yeah,kumain ka na". Sabi ko nalang. Nahihiya ako ng konti sa mga kapatid ko lalo na kay Reyden,ang bunso namin dahil noon pa man ay minsan lang ako bumibisita sa Tacloban dahil dun ako tumitira sa kapatid ng Mommy namin sa Maasin at nag-aral ng anim na taon doon.

May lumapit sa aming dalawang babae. Hindi ko sila kilala pero nakita ko ang pagkagulat ni Lor. "Uy Leisha,hehe". Tiningnan ko si Lor,mukhang kinakabahan. Natatawa ako sa cute niyang mukha. May crush siguro to sa babaeng Leisha ang pangalan. "Who's that girl with you?" Tinuruan ako. "And you,why are you with Vance?". Turo niya ulit sa akin. Tinig pa lang ay sarcastic na at maldita. Hindi halata sa mukha ah. I raised my left eyebrow and asked her too "Why and Who are you?". Natawa siya sa sinabi ko. At uminom ako ng tubig. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Tinanong ko lang din naman siya. "Girl, I will give you a friendly advice, stop being close to Vance. Siguradong mapapahiya ka at marami kang makakalaban." Halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko at napa ubo pa ako ng konti. "I don't care" sabi ko nalang. "Taeng 'yan nandito ako para kumain hindi para mabigyan ng walang kwentang advice mo. At tsaka huwag mo akong kausapin dahil hindi kita close. Tigilan mo ako". Sabi ko na naiirita na.

Ugh! Kairita.

"Ah hehehe Leisha, huwag mo muna siyang pansinin. Pagod pa 'yan lalo na't baka mabugahan ka ng apoy". Napakamot na lang sa ulo si Lor. "Lor,kumain ka na at umuwi na tayo" sabi ko sa kanya. "Lor? What? Did I hear you calling him Lor? Alam mo bang ayaw niyang tinatawag siya sa second name niyang Lor?! Lalo na sa dalawang kapatid niya?". nagugulat pang sabi niya. Anak ng leche plan,di pa rin pala umaalis to. Yung kasama niyang babae kawawa na,halos matuyoan na nh laway dahil walang imik. Lalo na ako,ayoko ding may tumatawag sa second name ko.
"Paano yan,binanggit mo ang Lor?" nangingisi ko pang sabi sa kanya. "Kung alam mo naman palang ayaw niya? Halika ka nga. Mabuti pa at umupo ka,gutom lang yan." aya ko sa kanya."What!!?" Galit niyang sabi. "What mo mukha mo". Sabi ko at nakikita ko sa mukha niya ang inis. At umalis na ito pero bago siya tuluyang lumabas ay inirapan pa ako.

"Tusukin ko mukha mo eh" sabi ko na natawa pa si Lor."Bilisan mong kumain diyan,sayang bayad mo" sabi ko. At natapos na kaming kumain at umuwi na.

May mga tao talagang bigla nalang mag rereact at magsabi ng kung ano-ano. Akala mo perpekto.

'Pag ikaw nakita ko yari ka talaga.

Sweet but PsychoWhere stories live. Discover now