CHAPTER 7

36 16 0
                                    

Chapter 7

Madeleine's POV

"Why?" tanong ko dahil sa ginawa nyang paghawak sa braso. May sasabihin ba sya? Nag tthank you dahil sinauli ko na umbrella nya? Antagal naman! Kailangan ko pang habulin si Max!

"Where are you going?"

"Nakita ko kase si Max sa loob, pupuntahan ko." sabi ko at akmang tatalikod na nang magsalita na naman sya.

"Wag na"

"At bakit naman hindi?!" medyo napataas na ang boses ko sa kanya. Sino ba sya para pagsabihan akong wag puntahan ang boyfriend ko.

"He's cheating on you..."

Parang biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Nag jojoke ba sya or what? Hindi ako nakikipag biruan.

"What the hell?! Hindi naman tayo ganun ka close para biruin mo ako ng ganyan!"

"He's cheating on you can't you see? Manhid ka ba para hindi mo yun maramdaman?!" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Hindi ako makaimik.

"Look, Madeleine. I-Im just... Im just telling you the truth. I saw him yesterday kissing your-"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi nya at dumiretso papasok sa mall. At sinundan kung saan nagpunta sa Max kanina. Mukang sa sinehan.

Dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Leigh? Tama ba yung kutob ko na kaya ganun na ang pakikitungo saakin ni Max ay dahil meron syang iba?

Habang naglalakad ay hindi ko napigilan ang pamamasa ng aking mata dahil sa pag iyak. Wala pa man akong nakikitang ebidensya ay umiiyak na ako!

Parang hindi ko yata kakayanin kung sakali mang totoo iyong sinabi ni Leigh.

Lakad takbo na ang aking ginawa para marating agad ang sinehan. Wala akong pake kung pagtinginan man ako ng mga tao dahil sa pag iyak ko. Ang gusto ko lang malaman ay ang totoo.

Bumili muna ako ng ticket dahil hindi ako makakaasok kung wala.

Nang makapasok ako sa sinehan ay madilim na sa loob at nagsisimula na ang palabas. Kahit madilim ay agad na hinanap ng mata ko ang pamilyar na pigura na boyfriend kong si Max. Mukang imposible na mahanap ko sya sa ganitong kadilim.

Siguro ay mag hihintay pa akong matapos itong palabas bago ko sya makita. Umupo na muna ako sa may bandang likuran para madali ko syang makita mamaya pag lalabas na sya.

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa palabas at sadyang mapagbiro ang pagkakataon dahil ang nasa scene ay nag break yung mag jowa dahil nahuli nung babae yung boyfriend nya na nag checheat sa kanya. What the-?!

Matapos ang isang oras ay natapos rin ang palabas kaya nag simula nang bumukas ang ilaw ay nag sisipag labasan na ang nga tao. Tinalasan ko ang mga mata ko para makita ko agad si Max.

Nakita ko na!

Nasa pinaka bandang unahan nakaupo si Max at sya ang huling makakalabas, tamang tama. Hindi ko iniaalis ang tingin ko sa kanya.

Bakit parang hindi pa sya umaalis sa pagkakaupo nya? May hinihintay ba sya?

Iilan nalang ang tao sa loob ng biglang tumayo si Max at may sinalubong-

Si Ysia?!

Mukang galing syang cr at talagang hinihintay sya ni Max.

Lalapit na sana ako sa kanila nang nanlamig ang buo kong pagkatao sa nakita ko.

Maximus, why?

Max, he's kissing my bestfriend. And my bestfriend is kissing back my boyfriend!

Meet Me In Vigan (City Series #1)Where stories live. Discover now