Chapter 3

20 0 0
                                    

Friends

"Magkakilala na kayo?" Ani Ian. Nagulat siguro sila sa pagbati sa akin ni Pyro.

"Yes, siya yung clumsy girl na kinukwento ko sa inyo." Aniya. Teka nga! Ako Clumsy?!

"Excuse me? Its an accident kaya." Sabi ko sakanya. Pero bakit iba ang dating sakin. Feeling ko ang pacute ko ng sinabi ko iyon.

"Hahaha. Okay okay. Continue na natin yung audition, james tawagin mo na yung next." Ani Pyro.

"Dude, si LeiLanie na daw ang next. Mag aaudition daw siya." Ani James. Kanina gusto ko pero bakit nag iba ngayon? Kinabahan ako bigla.

"Ha? A-ah eh. Hehe. H-hindi na lang pala." Sabi ko sakanila. Umiiling iling pa ako ng sinabi ko iyon.

"What?! Anong hindi na lang?! Loko ka ah! Nakipag away ako sa labas para dito no!" Ani Phoebe. Nausok na ata ang ilong at tenga niya sa inis.

"Oo nga LeiLanie, mag audition ka na. Wala namang mawawala. Just choose diyan sa song list namin." Nanahimik muna ako ng ilang sandali bago nag buntong hininga.

"Haaay, oo na sige na." Sabi ko sakanila bago namili ng gusto kong kantahin.

"Matagal pa ba yan?" Ani Andrew. Nagmamadali ba siya?!

"Hoy epal ka talaga! Maghintay ka namimili pa bestfriend ko!" Sigaw naman sakanya ni Phoebe.

"Palagi mo naman akong pinag hihintay! Nakakasawa lang." Ani Andrew. Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. Si Phoebe naman nakatingin lang sakanya at hindi makapaniwala na sinabi yun ni Andrew.

"Ahh!! Ano game eto na may napili na ako! Hehe. Eto oh, eto." Sabi ko habang tinuturo ng kantang My Heart ng Paramore.

"Okay good. Guys come on." Pagtatawag naman ni James sakanilang lahat.

Napag alaman ko rin na si Ian ng kanilang Pianist, si Andrew ay Drummer samantalang bassist sila James at Pyro.

Ang kantang napili ko ay My Heart ng Paramore. Isa ito sa mga kanta nilang paborito ko. Ang mellow niya lang kasi, ang sarap pakinggan unlike sa ibang kanta nila na rock kung rock. And isa pa, ang ganda ng mensahe ng kanta.

Pagtapos kong kumanta ay pumalakpak si Phoebe. Kasama na rin ang miyembro ng banda maliban kay Andrew. Okay, suplado siya. Fine.

"You are great Leilanie!" Pagbati sa akin ni Ian.

"Wow! Mukhang kailangan na natin icut off ang audition ah." Ani Pyro. Omg, Am I that good at singing?

"Oo nga icut niyo na at si Beshie na ang gawin niyong vocalist!" Tuwang tuwang sabi naman ni Phoebe.

"Isn't it unfair to those people out there?" Ani Andrew. Well, may point nga naman siya.

"Hmm. Oo nga no, ipagpatuloy pa natin ang audition para naman may pagpilian pa tayong iba. Hahaha." Ani James.

Hindi mahirap maging kaclose ang banda. Masiyahin sila at palabiro maliban nga lang kay Andrew na laging poker face. Hindi muna sila ngpapapasok ng iba dahil pagod daw sila kaya nagkukwentuhan muna kami.

"Hey clumsy." Ani Pyro.

"I'm not. Kulit mo sabi ng aksidente lang na nabanga kita diba?" Naiinis kong sambit sakanya.

"Hahaha. Oo na, pikon ka naman eh." Aniya. Tinititigan niya ako habang nakangiti. Dahil naconcious ako ay napanguso ako at kumunot ang noo.

"Bakit?" Tanong ko sakanya. Hindi agad siya sumagot bagkus tinititigan niya pa rin ako.

Tumawa siya ng mahina bago nag iwas ng tingin.

"Ang ganda mo pala." Aniya. Bago tumingin ulit sakin, umiling at ngumiti muli.

One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon