Hingal na hingal ako kakatakbo para balikan si Rinrin. Nakalimutan ko kasing isauli yung hiniram kong libro sa kanya kanina dahil nagpaxerox ako. Kakailanganin niya pa naman 'to para sa report niya.
Pagkarating ko sa lugar kung saan kami nagpaalam kanina, nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita. Baka nakalayo na at nakasakay ng bus. Para sure na rin, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Napatigil ako bigla nang makita kong kausap niya yung lalaki na tumawag sa pangalan niya kanina. Hindi ako nagpahalata sa kanila kaya nagtago ako sa may puno.
"Huwag tayo mag-usap dito, Zach." Zach?! Alam niya pala yung name eh! Gigil ako nito ni ate girl eh bakit pa siya nagsinungaling sa amin? Nakita kong balak kunin ni guy yung bag ni Rinrin pero mabilis niya 'tong naiwasan at tinignan siya ng masama. Ngayon ko lang nakita si Rinrin na parang galit. Anong tinatago niya sa amin ni Adi?
THREE YEARS AGO
Lahat ng high school friends ko sa private university nag-enroll. Ako lang ang nahiwalay sa kanila kaya lahat ay bago para sa akin. First day of school, wala akong kasama. Wala akong kaalam-alam sa lahat. Bago pa magstart ang first subject, umakyat na ako sa room at pinili kong umupo sa may bandang likuran. Maingay na agad sa loob, parang magkakilala na silang lahat. Nagtatawanan pa yung iba, samantalang ako, walang katabi dahil nahihiya rin naman akong makipagusap sa kanila.
"Hi. May nakaupo ba dito?" Tanong niya ng nakangiti.
"Hello. Walang nakaupo diyan." Sagot ko rin ng nakangiti.
"Ako nga pala si Irin, ikaw anong name mo?"
"Meisha, pero tawagin mo na lang akong Mei."
"May kasabay ka na bang mag-lunch mamaya? Gusto mo samahan kita?" alok niya sa akin nang nakangiti pa rin. Hindi na ako nagdalawang-isip pang tumanggi. At simula nang araw na iyon, kami na palagi ang magkasama. Hanggang sa natapos ang unang taon namin sa college, hindi kami mapaghihiwalay na dalawa. Ako rin ang nagbigay sa kanya ng nickname na Rinrin.
Dumating si Adi nung second year kami. Galing siyang private school pero lumipat din dahil hindi na kaya ng pamilya niya bayaran ang tuition fee. Napansin namin na sobrang tahimik niya at palaging mag-isa tuwing kumakain. Kaya napagdesisyunan naming samahan siya hanggang sa nagkasundo kaming tatlo. Hindi ko rin inaasahan na may ilalabas palang kulit si Adi na sa tingin ko sa mga malalapit na kaibigan niya lang ipinapakita.
Mas naging malapit kami sa isa't-isa noong nag-third year kami. Ito yung panahong ilang beses kaming nagovernight dahil sa mga projects at papers na kailangan naming ipasa. Nakwento na namin ang lahat na nangyari sa buhay namin. Madalas naming pag-usapan noon ay mga high school memories, anong balak namin sa buhay pagkagraduate, past relationships, at siyempre hindi mawawala ang mga chika tungkol sa classmates at professors namin.
Hindi ko namalayan na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa libro ni Rinrin. Nakakadisappoint lang isipin na akala ko alam ko na ang lahat tungkol sa kanya dahil sa ilang taon ng pagkakaibigan namin. Mali pala ako. Nakayuko akong naglakad pabalik para umuwi na.
"Hindi kita ikinakahiya. Nabigla lang ako kasi hindi ko ineexpect na doon ka rin pala nagaaral." Hindi ko pa rin ginagalaw yung milktea at fries na inorder niya para sa akin. Wala rin naman akong gana kumain.
"Hindi ka na kasi nagparamdam ulit eh. Hindi ko rin naman inaasahan na doon ka rin pala nag-aaral. Kakatransfer ko lang ngayong taon." Ipinakilala si Zach sa akin ng pinsan ko noong birthday niya.
BINABASA MO ANG
Someone Like Him
RomansaThey call me strong and independent woman. Ever since that incident happened, I've learned to become comfortable being alone. My quiet life has been messed up after meeting him. It was annoyed at first sight. As time went by, I no longer want to be...