Chapter 1

263 7 4
                                    


"Wala pa rin akong research topic."

"Same, friend." 


Nakatambay kami ngayon sa shed habang nagsusulat sa notebook ng mga naiisip naming titles for our thesis. Simula pa noon sa course namin, individual ang thesis. Maswerte na lang ako na may mga kaibigan akong nakakasama sa ganitong panahon dahil sobrang stress na talaga kapag last year na sa college. Hindi lang naman kasi ito ang inaatupag namin, meron din naman kaming mga ibang subjects na dapat pagtuunan ng pansin.


"Huy, Rinrin. Nakatulala ka na diyan. Okay ka pa ba?" Hindi ko halos nagalaw yung pagkain na binili ko sa cafeteria dahil hindi pa rin ako makapagdecide sa kung ano bang gagawin ko for my thesis.

"May report pa kasi ako bukas, hindi ko na alam kung anong uunahin ko." Wala pa akong nasisimulan sa paggawa ng Powerpoint presentation, ni hindi ko pa nga nababasa yung part ko. Although hindi naman major subject 'to, kailangan ko pa ring galingan, panghatak din 'to ng grades.

"Sawa na ako dito. Gusto ko ng grumaduate." Biglang sabi ni Mei habang nakatingala sa puno na nasa itaas ng shed na kinauupuan namin. Sa aming tatlo, siya ang pinakamatalino. Kahit hindi siya mag-aral matataas pa rin ang mga nakukuha niyang scores. 

"Nako Mei kahit naman hindi ka na mag-aral hindi ka pa rin babagsak, pero korek ka diyan. Gusto ko na lang magtrabaho para may sarili na akong pera." Si Adi naman ang pinakabata sa amin. Siya rin ang nagsisilbing "clown" sa grupo namin dahil naiiba ang sense of humor niya.

"Nako, sinasabi niyo lang iyan kasi hindi niyo pa nararanasan magwork. Ang hirap din kaya kapag nagtatrabaho na. Mas nakakapagod." Sagot ko naman kahit na wala pa naman akong experience. Ayan lang kasi palaging sinasabi ng kapatid ko sa akin sa tuwing naririnig niya akong sinasabi kong sawa na akong mag-aral. Once daw na grumaduate na ako, mamimiss ko rin yung pag-aaral.

"Hala mga lokaret, one pm na. Baka nasa taas na si Ma'am. Alam niyo naman 'yun, palaging maaga sa klase." Tinulungan ko sa pagbubuhat ng mga gamit si Mei. Dali-dali kaming naglakad papunta sa kabilang building nang may biglang tumawag sa akin.


"Irin Bautista. Dito ka rin pala nag-aaral?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin. Tumigil din sa paglalakad sina Mei at Adi at tinignan ako na para bang tinatanong kung sino ba yung lalaki sa harapan ko. Inaalala kong mabuti kung saan ko siya nakita at nakilala pero wala talaga. Hindi siya familiar sa akin. At bakit alam niya pati apelyido ko?

"Grabe naman, Irin. Hindi mo na ako kilala?" Hinawakan ako nina Mei at Adi sa magkabilang balikat at alam ko kung anong ibig nilang sabihin sa akin.

"Sorry, kailangan ko ng umalis. Malalate na kasi kami eh." Tumalikod na ako at parehong nakatingin sa akin sina Mei at Adi. Umiling lang ako at pareho silang nadismaya dahil alam kong gusto nilang marinig ang kwento. Ang weird lang kasi matandain ako sa mukha pero hindi ko talaga siya maalala. 


Pagkatapos ng huli naming klase, pumunta muna kami ng cr para mag-ayos. Sakto namang kami lang ang nandoon dahil konting estudyante lang naman ang nagkaklase sa building na 'to. 


"Rinrin, tapatan mo nga kami. Sino yung lalaking yun kanina?"

"Kapag ba sinabi ko sa inyong hindi ko siya kilala, maniniwala kayo?"

"Siyempre..."

"Hay buti nama-"

"...hindi." 

Napa-facepalm na lang ako habang silang dalawa ay nag-apiran at nagtawanan. 

"Seryoso kasi, hindi ko talaga siya kilala."

"Ikaw pa talaga ang makakalimot? Eh kahit isang beses mo lang nakita yung tao maalala mo na yung mukha eh." 

"Exactly. Kaya sabihin mo na sa amin kung sino 'yon. Tayo-tayo lang naman Rin." sabat din ni Mei. Minsan talaga ang hirap kausapin ng dalawang 'to. Porket may mga trust issues eh.

"Ang kukulit niyo, sabi ng hindi ko alam." Nang makita nila akong seryoso, naniwala na sila sa akin at nagchange topic na agad kami dahil nahalata yata nilang mapipikon na ako kapag pinilit pa nilang alamin.


"Chat chat na lang ha? Basta sabihan niyo agad ako kapag may naisip na kayong topics."

"Okay. Bye! Ingat ka Rinrin." Nagpaalam na kami sa isa't-isa at naghiwalay sa kanya-kanyang daan pauwi. Pareho silang sa North nakatira. Sabay lang silang tumatawid pero magkaiba na sila ng sinasakyang jeep. Ako naman ay sa South nakatira kaya tuloy-tuloy lang akong naglakad para makasakay ng bus sa terminal. Napansin kong may sumusunod sa akin, kaya binilisan ko pa ang lakad ko. Akala ko matatakasan ko na siya pero naramdaman kong nahawakan niya ang bag ko.


"Ikinakahiya mo ba ako Irin?" May halong pagkadismaya at lungkot ang boses niya.


"Huwag tayo dito mag-usap, Zach." 






Someone Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon