Poem # 5

5 0 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo
Ilang metrong layo pa ba ang gusto?
Para bang ang hirap manalo
Mula sa pandemiyang ito.

Iba't ibang kulay
Pula, puti at dilaw
Sa krisis na ito ay lumitaw
Pilit tayong pinaglalayo dahil sa mga pananaw.

Ilang buhay pa ba ang dapat mawala?
Mahirap, mayayaman , bata o matanda
Tila ang sakit ay walang kinikilala
Lumalaban sa digmaang walang pag-asa

Sundalo, pulis, nars at doktor
Ilan lamang sa mga pangunahing manggagawa
Binubuwis ang buhay
Sa ngalan ng propesyon at para sa bayan

Kailan ba maiintindihan ng mga nakatataas?
Hindi lang pagkilala ang kanilang kailangan
Ilang buhay pa ba ang kanilang isusuko?
Bago sila mabigyan ng sapat na tulong

Huwag lumabas ng bahay
Maghugas ng kamay
Sumunod na lamang sa pamahalaan
Kailan ba tayo magkakadisiplina? Tanong ng karamihan.

Mga walang disiplina ang sisi ng gobyerno
Sinisisi sa taumbayan ang kawalan ng aksyon
Pinipilit patahimikin ang mga lumalaban
Sino na ba ang ating matatakbuhan?

Gobyernong hindi alam ang prayoridad
Nililigaw ang mga tao sa isyung dapat tinututukan
Ah oo nga, ang tuta'y talagang tapat sa amo
Tinanggalan pa ng piring si Hustisya.

Hindi kasalanan ang lumaban
Hindi rin kasalanan ang sumunod
Kasalanan ang manatiling panatikong bulag
Pikit mata sa kamalian ng mga elitista.

Marahil sa isang banda tayo'y isa lang ng ipinaglalaban
Kaibigan pa rin kita kahit tayo'y magkaiba
Pero kaibigan, kailangan mong hanapin ang iyong moralidad.
Tanungin mo ang sarili mo ikaw pa ba ay makatao?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bunch Of PoemsWhere stories live. Discover now