Chapter I

2 1 0
                                        

(A/N:sorry sa wrong typo and grammar)






Darwin's POV

"Thank goodness at pagkatapos ng year na 'to graduate na tayo" sabi ko. Kasalukuyan kasi kami dito sa canteen, ngayon ang first day of classes at hinihintay  na lang namin ang next subject.

"Oh juice muna kayo libre ko ito kaya ubusin niyo. Kim strawberry, Amy orange, Darwin mango, Daniel apple, and pineapple for my Michael my loves" sabi ni Vanessa at umupo sa tabi ni Michael kanya-kanya naman kami ng pasalamat sa kanya.

"Ang thoughtful naman ng loves ko kiss nga ako" akmang hahalikan ni Michael is Vanessa ng umawat si Daniel.

"Nilalanggam na dito sa sobrang tamissss. Hayy naku kahit saan may langgam" nagtawanan kami sa sinabi niya.

"Inggit ka lang pre kasi may girlfriend akong katulad ni Vanessa" sabi ni Michael.

"Ano ba loves nakakahiya naman ehy" sabi ni Vanessa "Loves hinding hindi ako mahihiya na pagsigawan na ikaw ang girlfriend ko" pag mamalaki niya pa. Napailing na lang kami ni Daniel sa mga sinasabi niya.

"Nakakainggit naman kayong dalawa napaka sweet niyo, ako kaya? kailan ako mag kakaroon ng boyfriend?" sabi ni Kim.

"Alam mo Kim mabagal lang talaga kumilos ang taong nag kakagusto sayo eh. Sa sobrang bagal ng kilos baka maunahan na siya ng iba" sabi ni Michael.

"Tapusin na muna natin kasi ang pag-aaral natin tapos makahanap ng magandang trabaho" singit ni Amy. Napailing na lang kami sa sinabi niya.

Minsan kasi kj siya. Puro aral ng aral pero hindi nawawala sa bonding time ng mga tropa. Si Vanessa at Michael naman ay mag iisang taon na. Alam namin na may gusto sila sa isa't-isa at nagkaaminan sila nung nag laro kami ng truth or dare.

Napatingin ako kay Kim na masayang nakikipag kuwentuhan kila Vanessa. Aaminin ko na may pagtingin ako sa kanya matagal na. Sino naman ang hindi? Maganda, mabait at charming pa. Kaya lang si Daniel ang tinutukoy ni Michael. Kasi umamin samin si Daniel na may gusto siya kay Kim. Nagpapatulong siya samin para mas lalong mapalapit sa kanya.

Napabugtong hininga ako sa isiping yun. Si Daniel kasi ang matalik kong kababata parang kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. At ayaw kong masira ang samahan na yon dahil lang sa iisang babae ang gusto namin.

Alam ni Michael na may gusto rin ako kay Kim nahalata niya yon. Kasi nahuhuli niya daw akong nakatingin kay Kim ng palihim. Katulad na katulad ng ginagawa niya kay Vanessa noon. Natigil lang kami nang mag bell na kaya bumalik na kami sa room.

Pagbalik namin sa room ay sakto naman ang pag dating ng adviser namin kaya agad din naman kaming nag simula. Maya maya pa ay tahimik kaming nakikinig sa adviser namin ng biglang tumunog ang speaker "All teachers and SSG officers, please go to the gymnasium ASAP. I repeat all teachers and SSG officers, please go to the gymnasium ASAP" sabi ng emcee.

"Ok class, pinapatawag ang mga teachers doon and SSG officers. Kung sino ang mga SSG officers dito sumama na sakin. I think it's an urgent matter so class please be quite and don't go outside." sabi ni Sir Clark "Any SSG here?" tanong niya pa.

Agad ko namang tinaas ang kamay ko. "Ikaw lang ba ang SSG Officer dito Mr. Cruz?" tanong ulit ni Sir Clark "Yes Sir" sabi ko at agad na sinenyasan ako na umalis na kami. Tinignan ko ang mga barkada ko at sinenyasan kong aalis na ko.

Pag kapunta na pagkapunta namin sa gymnasium ay lahat sila nag kakagulo. Bakas sa mga mukha nila ang pagkalito kung bakit lahat ng guro ay nandito pati na ang SSG officers. "Anong nagyari?" tanong ni Sir Clark sa ibang teachers pero tulad ni Sir hindi rin nila alam ang sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wolf in a sheep cloth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon