Chapter twenty eight

133 3 0
                                    

________

"Im sorry. Hindi ko na dapat inutusan si Kris para bantayan ka noon.." Sehun said. Nagtaka ako dahil sa sinasabi niya sa akin ngayon.

Nasa isang sulok lang kami ng campus kung saan tahimik at napaka-peaceful ng lugar.

"S-sorry, di ko naman kase alam na ma-iinlove siya sa'yo,Tina."

Ginagap ko ang kamay niya at nginitian ko pa. I salute him dahil humanap pa siya ng time para sabihin lang to sa akin.

"Sehun ano ka ba? H-hindi mo naman kasalanan ee."

Napatingin siya sa akin.

"P-pero kahit na. I feel so guilty. Pakiramdam ko kasi hindi mangyayari ito kung hindi ko-"

"I said It's Okay." putol ko.

Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin. Ilang linggo na din pala ang nakalilipas matapos yung diskusyon sa pagitan namin nina Kris at Chanyeol.

"Hindi ka dapat pumayag sa suggestion ni Kris." Bigla niyang sabi. Ngayon ay nakatalikod siya sa akin. Hindi ko tuloy makita ang reaction niya,ako naman ay napatayo sa bench na kinauupuan ko dahil sa narinig.

"Hindi ka dapat pumayag Tina. Alam naman nating lahat na mahal mo si Chanyeol hyung at ganun din siya sayo.."

I was speechless. Sa lahat ng naka-alam sa plano naming apat,si Sehun lang ang naglakas loob na tumutol. Mariin talaga ang pagtanggi nito nang i-reveal namin na gagawin naming foursome ang kasal.Oo, Sabay kaming ikakasal ni Chanyeol.. Ang saya di ba??

"S-sehun,Oky na hindi ba? Wala na. Naka-oo na ako. "

Nagbabadya ang mga luha ko sa mata. Kaya naman lalong nanuot ang mga luha ko sa gilid ng mata ko nang bigla siyang humarap at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Ganyan ka ba talaga Tina?" he chuckled "You're such a coward."

"Think. Dahil ikaw din ang magdudusa sa gagawin mo. Mag-isip ka habang may panahon ka pa.."

Naguluhan na naman ako sa takbo ng usapan namin.

"Life is so meaningful,Tina. Huwag mong sayangin lang dahil sa isang nonsense na desisyon.."

"sa totoo lang Sehun hindi ko na alam ang gagawin ko.." Para akong bata. Hindi ko makita ang direksyon ng buhay ko kasama si Kris.

Binigyan niya ako ng mapang-unawang tingin. Lumapit siya sa akin at mariing pinahid ang mga luha ko sa mga mata.

"Sige lang,Tina. Ilabas mo lang lahat.. Makikinig ako sa'yo .."

Bago ko pa man mapigilang mapaluha at mapahikbi ng malakas,isinubsob na niya ang aking mukha sa dibdib nya.

"I want to die Sehun. Ayaw ko ng mabuhay.."

_________

Author's POV:

"I want to die Sehun. Ayaw ko ng mabuhay.."

It seems that those words was still spoken by her. It's on his head all over again. Para ding dinudurog ang puso niya dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nasasaktan si Tina ngayon. He was so selfish.

Pinlano niya lahat. Mula sa pagpapanggap hanggang sa 'marriage' nila.

Her father, who happens to be his father's business partner,has a big loses in his company. Kinailangan nitong lapitan ang Papa niya upang mabayaran iyon. Hindi pa naman ganoon naghihirap ang mga Aldana pero gumawa siya ng paraan.

Chasing The Brat Princess (Chanyeol FF)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon