Chapter 1

5 0 0
                                    

Aki POV

Kriiiiinnnnnnggggggh¡¡!!!!!!

Obviously recess na. Makatunog naman tong bell nitong school parang wala ng bukas.

Ako nga pala si Akiko Yumi Villareal 17yrs of age, Senior High at kakatransfer lang. Akalain nyo natanggap pa ako dito kahit kalagitnaan na ng school days. Sabagay September pa lang naman. Walang kaso.

Recess na pala sa school na ito. Masyado akong tinanghali. Buset na baklang yun! Di n  nga ako ginising iniwan pa ako. Ang lagay mag isa ako nag lalakad sa hallway. Hinahanap ang aking mahiwagang classroom.

Habang naghahanap may ikkwento pla ako. Satin satin lang ha. Lolo ko pala may ari ng school na ito kaya nakapasok pa dn ako kahit kalagitnaan na ng taon. Secret lang yun ha. #^_^

Halos malibot ko na buong school pati yata sa elementary department napuntahan ko na. Takte! Narinig ko na namang tumunog yung bell ng school ibig sabihin tapos naang recess, kelangan kong bilisan.

"Bwisit naman na first day to! Humanda ka saking bakla ka! Iihawin kita mamaya sa bahay.!"

XII-C...

XII-B...

XII-A

"gotcha!" Sa wakas nakita din kita.

Hahawakan ko na sana yung pinto ng biglang...

BLAG!!

FUCK!!-ako

Ahy sorry miss, nasaktan ka ba? - lalaking naka salamin.(di naman mukhang nerd, cute nga ehh. ERASE!)

"Sa tingin mo?"- malamig kong sabi. Umandar na naman ang pagkamalamig/ suplada ko.

"Ahh. Ehh.. pasyensya na. Transfery ka ba? Ngayonlang kita na kita eh. Jhong nga pala.- sabay abot nang kamay nya sakin.

"Tss" - sagot kona lang. Badtrip ako ehh. Ang sakit kaya ng noo ko. Magkabukol lang to bubogbuginko talaga yun.

Pumasok na ako at iniwan sya sa may pinto. Buti na lang wala pang prof.

Naglakad na lang ako papuntanglikuran, wala akong paki sa mga matang naka tingin sakin tusukin ko pa sila eh.

(A:Warfreak.. lagot ka sa lolo mo pag nalaman nya yan. Hahaha.

Me: SHATAP author!

A: chill.. first day na first day HB?

Me: tss!)

Nakahanap na din ako ng upuan sa bandang likod katabi ng naka yukong lalaki.

Puyat ba ito? Wateber.. umupo na lang ako.

Mayamaya. May matandang pumasok.. ooppss prof ko pala.

"Goodmorning class" -sir tanda.

"Goodmorning sir" - mybeloved classmates.

"Tss"- ako

"Oh andito kana pala ms. Villareal. Come here infront to introduce yourself."- sir

Habang papalapit ako sa harap nagsusunuran naman yung mga mata ng mga kaklase ko.

May napapataas ng kilay, may napapangiti, may sumusipol(mga manyak!)

"Class! Quite!" Sigaw ni tanda.

"Go ahead ms. Villareal. You may start." Nakangiting sambit ni tanda.

"Akiko yumi villareal. 16." Maikli kong pag papakilala.

Halos lahat parang nag hihintay pa ng idudugtong ko kaya dinugtungan ko na lng.

"Can i sit down?" Tanong ko sa prof naming naghihintay diN ng idudugtong ko.

"Yes you may. Ms. Villareal." Nataranta naman nyang sabi. Akala ko may itatanong pa eh.

Bumalik na ako sa upuan ko at napansin kong gising na pala yung natutulog sa tabi ko. Nakatingin lang sya sakin na para bang ako ang dahilan kung bakit sya nagising.

Nagsimula na ang klase. At take note History ang subject! ang pinaka boring sa lahat!

Natapos ang subject na to at sumunod na ang isa pang subject. kada palit ng prof ay sya namang pakilala ko sa mga guro namin. Nakakainis paulit ulit na lang.

KRRRIIIIIIINNNNGGGGGG.. 

ayan bell na ulit may 1hr break na kami. Mahahanap ko na yung baklitang yun.

Nagsi labasan na ang kaklase ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko saka idinial ang number ni patricia.

"Hello besty..." wow. Masayang bati sakin ng bakla sa kabilang linya.

"Asan ka." Malamig kong tanong.

"Halaaa.. mainit ang ulo?" - patricia

"Sasagot ka ng maayos o babalatan kita pag uwi natin? Pagbabanta ko.

" haha ito naman. HB masyado. Sorry na. Di kita nahintay kanina. May lakad kasi ko." Pagpapaliwanag nya.

"What!! Lakad? You mean, di ka pumasok?!" Iratable kong tanong.

"Hehe besty, birthday kasi.." di ko na sya pinatapos at i-end ko na yung call.

"Buset na bakla yun. Mamaya ka lang pag uwi.. grr!!"

"Chill, sayang yung ganda mo kung di ka ngumingiti. "- ung lalaking katabi ko.

So di pa pala to lumalabas.

Tinignan ko lang sya ng masama sabay tayo.

Naglakad na ako papuntang canteen,

Wow ahh. Blockbuster. Nasabi ko na lang sa isip ko. Pumila na ako at bumili ng pagkain ko. Pagkatapos nag hanap na nang mauupuan. At pagminamalas ka nga naman. Piangbubulungan na nga ako wala pa akong maupuan.

"Aki!"- wait the who? Pag lingon ko si jhong yung nakabunggo ko.

"Dito kana maupo. Wala ng bakante."sigaw nya ulet.

Di ba to nahihiya.magsisigaw. lumapit na lang ako kasi nakakahiya na. Pinagtitinginan na kami.

Nilapag ko na yung pagkain ko sa lamesa at kumain. Habang kumakain.

"Sumabay ka na lang palage samin tuwing break para di ka lage nag iisa." Pangbasag katahimikan ni jhong. At may kasama pa pala kami sa table. Si seatmate.

"No thanks. " sagot ko.

Jhong POV

Hi im Jhon Richard Mendez. Jhong nga pala tawag sakin dito.Ang nag iisang gwapo, matalino, habulin ng mga chicks. Hahaha. Yan muna ang info ko. Saka na yung iba.

Nasa canteen kami ni Jacob habang naghihintay pa sa ibang tropa ng makita ko si Aki, yung bago naming kaklase na parang naghahanap ng mauupuan.

"Aki!- sigaw ko.

lumingon naman sya ng walang ka emo emosyon. Kakaiba talaga sya.

" Dito kana maupo. Wala ng bakante." Sigaw ko ulit.

Nagsalubong ang kilay nya pero lumapit naman sya. Pwew. Kala ko di lalapit. Hehe

Nilapag na nya ang pagkain nya sabay kain. Wala man lang hi o hello.

"Sumabay ka na lang palage samin tuwing break para di ka lage nag iisa." Pangbasag ko ng katahimikan.

"No thanks. " sagot naman nya na di man lang lumingon.

"Pag may kailangan o tanong ka hanapin mo lang ako. Nasa tabi tabi lang ako." Pag uumpisa ko ulet.

"Ok."  Un lang? Un lang ang sagot nya? Mukhang mahiyain din sya.

Pagkatapos kumain, tumayo na sya at umalis.

Pero makailang hakbang lumingon ulit sya.

"Salamat." Walang emosyon nya na sabi. Sabay lakad ulet.

San kaya pupunt yun may 40mins pang break. Di man lang nakipgkwentuhan.

Paglingon ko sa katabi ko. NAwala na din si Jacob? Pak! San naman yun? Haizt, bahala nga sila..

I Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon