Chapter Three

0 0 0
                                    

Pagkatapos ng isang taon ay nakababa na rin ako ng plaza, sa wakas. Sinakbit ko sa likod iyong bag ko at naghanap ng tricycle, sakto at may nakaparada na pagkababa ko kaya hindi na ako nagsayang pa ng buwan sa paghahanap ng masasakyan papasok ng looban, papuntang campus.

"Manong, isang estudyante ho sa bente." Abot ko ng pamasahe kay Manong driver pagkababa ko mismo. Ibinigay naman agad sa akin nito ang aking sukli at dagliang naglakad papasok sa main gate ng campus.

Welcome to University of Albay! Iyan ang nakapangalan sa banner na nakalakip sa may gate entrance. I sighed. New school, new people, new environment.

Pagkapasok ko sa loob ay namangha ako sa linis at lawak ng buong campus. Even though it was a public school, it was nearly a private-like campus. Free tuition plus free incentives per semester for with honor students, less gastos na. Kumbaga kapag na beat mo iyong average na kailangan sa entrance exam for scholarship ay hindi mo na iisipin ang tuition mo per year, lalo na sa mga working students.

Actually, I was planning to apply for some descent part-time jobs kahit sa weekends lang, pandagdag allowance na rin. Dise-otso naman na ako at ayoko nang isipin pa ni Mama ang gagastusin ko sa para sa kolehiyo. We weren't a typical rich family, though. At nasa tamang edad naman na ako ngayon, medyo madali na para sa estudyanteng tulad ko ang paghahanap ng pagtatrabuhan, paniguradong kapag isinawalat ko ito kay Mama ay 'hindi puwede' agad ang isasagot niya sa akin. Wala akong problema pag dating kay Kuya, he was always go lang ng go sa buhay. Strikto siya pero kung kasiyahan ko ang nakataya ay hindi niya ako pipigilan.

Licensed Nurse si Mama pero mas prinayoriti nito ang pag-aalaga sa amin ni Kuya Nickie, hanggang ngayon. But she was planning to pursue it again this time, para sa kolehiyo ko, also the reason why I wanted to find a secret job. It's a hide and seek situation.

Umayos ako ng tayo habang nakapila ng isang metro, for social distancing, sa labas ng registrar office to have my class section. Nang makuha ito ay agad ko itong tinunton.

Third floor of Seventh Building, Block One- Cluster Three. Maraming late ngayong araw, marami-raming estudyante ang nagkakanda-ugaga rin sa paghahanap ng kanilang room, at iyong iba naman ay nagliliwaliw sa labas ng campus for some chesoment and chickment.

Pagkaapak ko sa unang palapag ng departamentong kinabibilangan ko ay saka ko lamang napansin na may barya pa pala ako sa aking kamay. Napangisi ako dito kapagkunwa ay kinuha ang pitaka ko sa likod ng aking bag para ilagay ito sa loob. Habang humahakbang paitaas ay bahagyang napaatras ako ng apak paibaba dahil sa kung sinong nilalang ang biglang bumangga sa aking balikat kaya nabitawan ko iyong bag ko. Mabuti at naipasok ko na agad sa loob iyong aking pitaka ngunit hindi ko pa naisasara iyong bag ko.

Hinarap ko kung sino iyon. Napairap ako ng makita ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng face shield at kasalukuyang pinupulot iyong tumilapong index card  na nasa pinaka unang baitang ng hagdan. Paniguradong siya iyong nakasagi sa balikat ko. Kalmado lamang ang mga galaw nito. He was wearing a civilian attire, red shirt and black pants partnered with white rubber shoes.

We are all using these face shield for self protection. Kakatapos pa lamang ng pandemya noong isang taon, at kahit ganoon ay kailangan pa rin itong gamitin for this new normal scenarios.

Nais ko mang tulungan iyong lalaki ngunit late na ako. Marami pang estudyante ang dumaan sa harapan ko at sakaniya. Hindi niya naman ata nakita ako nang mga panahong tumilapon iyong index cards niya? It wasn't my intention, hindi ko rin alam na mangyayari iyon dahil busy ako sa pagkalikot ng gamit ko. Siya iyong pababa kaya dapat tiningnan niya ng mabuti iyong dinaraanan niya.

Ugh. Tutulungan ko ba o hindi na? Late na ako oh.

Napakamot ako say aking sentido at nagdesisyunang hayaan na lang siya dahil limang hakbang nalang ay nasa harapan ko na iyong room ko at kailangan ko nang pumasok roon kahit second period na.

Nang makahanap ng upuan ay saka na ako nabunutan ng tinik. Mabuti at wala pang teacher sa unahan. What a relief.

"Psst."

Napalingon ako sa kung sinong sumitsit. Nasa pinakahulihan din siya naupo at isang upuan ang pagitan namin, wala akong katabi ngayon kaya nahinuha ko agad na ako iyong tinatawag niya.

"Late ka." She said obviously while pinpointing her  wrist watch.

Oo, alam ko, ilang gramo ng pawis ang naipon ko dahil sa salitang iyan.

Tumango ako at ibinaba iyong bag ko sa ilalim, sa may kaliwang gilid ng paa ng upuan. "May teacher kanina?" Tanong ko rito pagkatapos.

Kumunot ang noo nito sa naging tanong ko. And then, I realized, nasa Bicol ako. The language I used while ago was familiar but new to them. Malalaman agad nilang taga Manila ako.

Sinipat nito ang kaniyang relos at saka tumango sa akin. "Kaalis lang, may kukunin daw muna sa office niya." She answered and I nodded again. Ibig sabihin ay hindi pa second period, mapapansin ako nito. Nasa pinaka hulihan din ako naupo, the last two unoccupied chair in the last row.

I roamed my eyes around the four corners of the room. And then suddenly, my eyebrows furrowed when my classmates behaved and sit down rapidly with a trembling heart shaped in the other girls eyes, giggling.

I gulped and deepened it in a second when I saw that familiar damned face in the outside.

"Shit." Bulong ko sa aking sarili ng makilala ang rebulto ng isang lalaki na ngayon ay papasok sa aming pintuan. Classmate ko siya?

Forge In The ParadiseWhere stories live. Discover now