CHAPTER 1
Etherity's POV
"Miss...."
"Hmmm..." naramdaman kong may yumuyugyug sa aking katawan.
"Miss!!!"
Napabalikwas ako dahil sa sigaw. Bumangon ako ng dahan dahan at unti unti kong naalala ang nangyari naglalakad ako papunta sa school subalit hindi pa ako nakakapasok sa gate ay nakaramdam ako na parang hinihila ang balikat ko pahiga at nahulog ako kung saan. Tumingin ako sa paligid hindi ito familliar saakin kaya tumingin ako sa aleng sumigaw."Sa aking palagay ay hindi ka tagarito tama ba ako?"seryosong sabi ng ale. Pinagmasdan ko siya hindi naman sya mukhang matanda at maayos ang pananamit nya ngunit nakakakilabot ang mga tingin nya.
"Ah... O-opo n-nasaan po ba ako??" nauutal kong sabi dahil nakatingin sya saakin ng seryoso.
"Mamaya kona sasabihin halika sumama ka saakin delikado lalo na't hindi ka taga rito." hindi ko alam ang pinupunto nya pero dahil sa sinabi nya ay sumunod ako sa kanya.Napatingin ako sa paligid habang kami ay naglalakad. Kapansin pansin ang katahimikan ng paligid ang mga nadadaanan naming bahay ay mahahalata mong matatagal na ito dahil sa disenyo nito.
Isang lumang bahay ang nasa aking harapan gawa sa bato ang mga pader nito at may mga ligaw na halaman ang nakadikit dito tila walang nakatira dito ng napakatagal na panahon. Binuksan nya ang gate at pumasok na kami dito habang naglalakad papasok nadaanan namin ang maliit na hardin may mga pulang rosas ngunit ito'y natutuyot na tila bihira itong diligan.
"Siya nga pala ako pala si Aling Estherica tawagin mo nalang ako sa aking palayaw na Aling Esther." pagpapakilala nito sa akin.
"Ako naman po si Etherity pero therity nalang po ang itawag nyo saakin." pinilit kong ngumiti para hindi ako magmukhang walang galang kahit nakakakilabot ang kanyang mga tingin."Halika tayo'y pumasok na at malapit na mag dapit-hapon." pumasok na kami loob ng bahay. Isa isa nyang binuksan ang mga lampara... Sandali! Bakit lang lampara ang gamit? Hay nako Therity malay mo nagtitipid lang si Aling Esther.
"Umupo ka muna jan sa sala at ako'y magtitimpla lang nang kape para saiyo" tumalikod ito at naglakad na sa aking palagay ang direksyon na iyon ay papuntang kusina. Tinignan ko ang paligid lahat ng mga dekorasyon ay mga antigo pero ang naka pukaw ng aking atensyon ay ang isang libro naluma na nakalagay sa isang aparador na may salamin kaya nakikita ang mga nakalagay sa loob nito."Therity ito na ang iyong kape hindi ko alam ang nais mong timpla kaya nilagyan ko nalang ito ng gatas" seryoso ang tono nang kanyang pagsasalita pero nakangiti nya itong inabot.
"Maraming salamat po sa totoo lang po ay ganitong timpla ang paborito ko" nakangiti kong tugon at sumimsim sa kape. Umupo si aling Esther kaharap ng aking ikinauupuan sumimsim muna sya sa kanyang kape bago ito nagsalita muli."Sya nga pala sasagutin kona ang iyong tanong habang ikaw ay nagkakape. Nandito ka sa bayan ng Shaman."
°°°°°°°°°°
So yun guys sana nagustuhan nyo ang Chapter 1 kahit maikli lang.Please Vote & Comment your reaction.
YOU ARE READING
Etherity :The Identity
FantasyIsang babae ang napunta sa isang misteryosong lugar kung saan malalaman nya ang kanyang kakayahan.