MYIEN BERMILLION POV
Mula nung taong DCCLXVII(767)ng sinakop ng isang kilalang guild ang guild namin sa isla ng Tenro kami lang ni Zera ang nakaligtas noong panahon na yun
Lahat ay namatay ganun na rin ang mga nanakop sa isla namin at hindi lang iyon ganun na rin ang mga puno at hayop ay namatay na talaga namang kataka taka
Pitong taon pa lamang ako ng mga panahon na yon kung kaya't marami pa akong bagay na hindi pa nalalaman ngunit sa tulong ng libro ay nauunawaan ko ang ilang bagay
Sa kasalukuyang taon DCCLXXVII(777) kaya naman pareho na kaming teenager ni Zera
Sampung taon ang nakalipas at ang mga punong namatay sa pusod ng isla ay nagsimula nang tumubo ng panibago
Ilang taon ang lumipas at sa silid-aklatan lamang kami nanirahan ni Zera marami na akong nabasang libro patungkol sa pakikidigma,kwentong pambata,at tungkol sa halamang gamot pati narin ang tungkol sa panahon at lalo na tungkol sa mahika
"Mavis! Kanina pa ako umiimik dito,bakit nakatitig ka sa librong yan? Ano bang meron dyan?" Paninita sakin ni Zera
"Ito yung librong hindi ko pa nababasa tungkol sa pakikidigma" wika ko
Habang nakaupo ako at binabasa yung libro ay naka pamewang naman si Zesa sa tabi ko habang nakatayo
"Nabasa mo na lahat ng libro patungkol sa pakikidigma, hindi ka ba nagsasawa?"
"Hindi naman, kahit ilang beses ko silang basahin marami parin akong nalalaman dun"
"Nakakabilib ka talaga.....Hala hindi dapat ako mabilib ngayon sayo marami pa tayong gagawin kaya tumayo kana dy-"
Napatigil ako sa pagbabasa nung hindi natapos ni Zera yung sasabihin niya at tinignan ito, nakatingin siya sa may pinto at parang natatakot siya
"May paparating...ihhh"
Tumakbo ito sa likod ng isang sleeve at duon nagtago habang ako ay nanatiling nakatayo sa tabi ng mesa
"Hoy Mavis! Baka kung anong gawin niya magtago ka" pabulong na sigaw ni Zera
Ngumiti ako sa kanya sabay sabing..
"Wag ka mag alala,magiging ayos lang ang lahat"
Sa lakas ng yabag nito ay masasabing pababa na siya sa hagdan patungo dito
Isang lalaki ang pumasok silid aklatan isa siyang matangkad na lalaki na kulay dilaw ang buhok,maputi siya at naka brown leather na jacket,plain black round t-shirt at pantalon
"Anong ginagawa mo sa isla namin?" Walang takot na tanong ko
"Woaaahhhh!" Hiyaw nito kaya naman mas tinitigan ko ito "kagulat ka naman" dagdag nito
"Bakit ka nandito?anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit
"Hala may nakatira pa pala dito, mahirap to... isa akong esperto at magsasagawa sana ako ng pagsasaliksik dito tungkol sa mga halaman"
"Sinungaling, ano ba ang kailangan mo dito"
"Sinabi kona diba? Magsasaliksik ako dito"
"Kung totoong isa kang esperto dapat napaghandaan mo ang makamandag na halamang nagngangalang Yabringka"
"Yabringka?" Komento ni Zera
"Naku miss mukhang di mo pa alam? May panlunas na sa yabringka sa syudad. Ngayon sino ka ba talaga?"
"Ang galing mo talaga Mavis!" Bulong ni Zera
