Chapter One

1 1 0
                                    

Malaflash akong tumakbo papunta sa gate ng SA dahil in 5 minutes ay mag uumpisa na ang first subject namin.

Ayoko pa namang malate dahil terror ang panot na prof namin doon na ipinaglihi sa ampalaya dahil araw araw na bitter. Wala kasing lovelife kaya pati kaming estudyante niya, gustong idamay sa kabitteran niya.

Kelly Clarkson Banaag ang maladyosang pangalan ko. Pero syempre, joke lang ang Clarkson. Kelly lang ang pangalan ko. Kelly Banaag.

Ang dyosang babaeng takas sa mental at napadpad dito sa Sovereign Academy para tulungan magka love life ang panot naming teacher. 17 years old, batang bata pa kaya nakakaya kong habul habulin si Calden Zeke Villanueva.

"MISS BANAAG! YOUR LATE AGAIN!"

At may your soul rest in peace Kelly.

"Sorry po sir. Natanghali ng gising" palusot ko at sana, kumagat na naman.

Lumang palusot pero yun naman ang totoo. Hindi ako nakatulog ng maaga kagabi kakaisip kay Calden Oppa My Loves ko.

Minsan nga gusto ko ng itanong kung napapagod na ba ito dahil araw araw nalang itong tumatakbo sa isip ko.

Cheesy ano? Pero aminin man o sa hindi, ang sweet sweet sweet sweet ng sinabi ko.

Hay sa kasweetan kong ito nagtataka talaga ako kung bakit hindi pa ako sinasagot ng lalabs ko.

"AGAIN WITH YOUR EXCUSES! KAHAPON YAN RIN ANG PALUSOT MO. NOONG ISANG ARAW YAN RIN!" bulyaw nito sakin. Napakamot naman ako ng ulo at napatingin sa loob ng classroom.

"Ayaw niyo ng palusot ko sir. Edi sila nalang sir ang tinanghali ng gising. Kaya ako na late dahil tinanghali sila ng gising" nababagot kong saad at nakarinig naman ako ng mga hagikhik sa kwarto.

Wait mukhang baligtad ata ang sinabi ko.

Nakita ko naman ang pag-usok ng mga tenga ni sir.

Oppss galit na ang dragon.

Okay another palusot.

Take three!

"Ayaw niyo parin sir? Oh eto nalang. Hindi naman kasi ako late masyado lang kayong maagang pumasok. Boom panes!" Sigaw ko at nakarinig naman ako ng mga tawa mula sa mga early birds kong kaklase.

"Silence! At ikaw Kelly, tigil tigilan mo ako sa mga kwela mong yan. Kung magpapalusot ka lang naman, siguraduhin mong kapanipaniwala"

Oh see, siya rin nagturo sakin ng tips para makapasok na ako sa lecheng subject na ito.

"Eh totoo naman kasi sir. Tinanghali ako ng gising. Hindi ako agad nakatulog ng maaga kagabi dahil pinanood ko ang full episode ng Hotel Del Luna. Tapos mga 11:00 nagbukas ako ng fb ko. Nakita ko ang post ni Calden na nakatopless ito sir. Shete yung abs niya! Kaya yun hindi ako nakatulog kakalaway- I mean kakaisip. Mga 2:00 na ako nakatulog at mga 7:35 na-"

"Enough Kelly! Ta-"

"Yan! Kaya hindi kayo nagkaka lovelife dahil mahilig kayong mamutol ng sasabihin ng iba. Hindi kayo marunong makinig! I swear to all the ampalayas living in the whole wide world na hinding hindi na talaga kayo mag kakalovelife. Sana magka totoo cross my heart mamatay ka man- este si Batman!" Pamumutol ko at nag cross arms pa.

Natigilan naman si Sir at mukhang natememe dahil sa makapagdamdamin kong speech.

Oh ano sir? Speechless ka ano?

Hihihi ganda ko talaga. Hindi lang yun. Matalino pa! Oh san ka pa? Kay Kelly na.

"MISS BANAAG!" Napapitlag ako dahil sa lakas ng sigaw ni sir pans sa apelyido.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saranghae OppaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon