RINGGG
RINGG
RINGG
RINGGG
RINGGG
RINGG
RINGG
RINGGG
RIINGG
Sigaw ng punyemas kong alarm clock yawa.
So, nagtataka siguro kayo kung sino ako meron naman sigurong nakalagay na Pov diyan noh? Kung wala, pagpasensiyahin niyo nalang ang author sadyang sinapian lang ng tamad na espirito.
So back to me ako si VERONIQUE SUNSET SURIGAO HERNANDEZ Haba noh? Mas mahaba pa sa relasyon niyo...siyempre joke lang pero seryoso na toh I'm 18 years old and an inspiring General Surgeon. Siguro pwedeng introduction na yun noh?
So back to my life na, Hanggang ngayon nakahiga parin ako at hindi ko parin ino-off yung yawang Alarm clock, kaya pinilit kong minulat ang mga mata ko at Antok na pinatay ang Punyemas na alarm clock. Handa na sana akong matulog ulit ng may Hayop este may taong pumasok sa kwarto ko.
"NIQUE, GISING NA!"
sigaw ng aking magandang Ate. please note the sarcasm.
Ay siya nga Pala ang ate ko na si CAYENNE VENEZIA SURIGAO HERNANDEZ. 20 years old na si ate, at nagtataka siguro kayo kung ano ang trabaho niya pero kung hindi kayo nagtataka skl. Isa siyang magaling na architect as in hindi ako nagbibiro isa siyang magaling na architect yun nga lang tamad naman, hays nagmana talaga ako sakaniya sa katamaran heheheh. So back to reality muna tayo,
Pilit kong pinikit ang mga mata ko para tantanan ako ng ate ko pero walang effect ang pagkukunwari ko ng Hatakin niya akong pinatayo sa higaan at siyempre Nahulog ang buong katawan ko sa malamig at matigas na sahig, ang malala pa ang ulo ko pa talaga ang nauna sa paghulog yawa.
"SORRY HEHEHE NOT SORRY,gising na kasi yan tuloy nahulog ka sa sahig"
Ngiting wika niya, minulat ko ang mga mata ko at tinignan ko siya ng masama.
"ako pa talaga ang may kasalanan ate? Wew naman" sarkastikong saad ko.
"Hay nako ewan ko sayo, tayo ka na diyan kasi its finally the day!" excited na sigaw niya.
it's finally the day? Pinagsasabi nanaman nito,
"anong it's finally the day ate?" inosenteng tanong ko, Tinaas niya ang isa niyang kilay na parang nagtataka siya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman ah. Kumunoot ang noo at Tinaasan ko nalang rin siya ng kilay, kung pataasan lang toh ng kilay hindi ako magpapatalo noh.
"Are sure you're not forgetting something?" Nagtatakang tanong nito. aba napa-english si ate. "Ano bang okasyon ngayon ate?"
"Talagang hindi mo alam kung ano ngayon, bilis tayo na diyan at tignan mo yung Kalendaryo baka sakaling mahimasmasan ang utak mo, Nasa kusina lang ako naghahanda ng pagkain" wika ni ate sabay layas ng kuwarto ko.
Ano bang okasyon at parang excited na excited si ate? Kahit masakit parin ang mukha ko dahil sa paghulog ko kanina pilit kong parin tinayo ang buon katawan ko at pumunta sa study table at hinanap ko ang selpon ko,.
Nang mahanap ko na ang selpon ko agad agad kong binuksan ito at tinignan ko ang Date ngayon April 1.April 1 ano- shit...
Nanigas ang buong katawan ko at parang Tumakas ang kaluluwa ko sa aking katawan. It's finally that day...yawa...
"Labasan na ng results para sa UPCAT passers"
shit...
Ito na yung araw na pinakahinihintay ko.
ito na yung limang taon kong pinaghirapan.
Kada segundo bumibilis ang tibok ng puso ko at nagsimula na akong mag-overthink.
Paano kung hindi ako makapasa?
Mawawasak na ba ang Future ko?
Madidisapoint ba si mama ta papa?
Naputol ang mga katanungan ko ng may naramdaman akong mga kamay na pumalibot sa mga beywang ko."Unique, alam kong nag-ooverthink ka ngayon. Kahit ano man ang magiging resulta lagi mong tatandaan na Susuportahan kita sa bawat hakbang ng buhay mo" bulong ni ate. Ang swerte ko talaga na meron akong ateng mapagmahal kahit minsan may saltik sa utak. Yawa sana nga hindi ako iwan ni ate. "Thank you ate" humarap ako kay ate at yinakap siya ng mahigpit "Pramis yan ate ah walang iwanan" parang batang wika ko. Mahinang natawa si ate. "pramis yan bunso, hindi kita iiwan kahit kailan" diniin niya pa yung salitang kahit kailan kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sakaniya at ganun din ginawa niya sa akin. ang swerte ko talaga sa ate ko <3.
Nandito kami ngayon sa kusina kumakain, well ako lang ata yung kumakain kasi dada ng dada si ate kahit may pagkain siya sa bunganga. Pagkatpos ng dramahan namin ni ate yen bumalik nanaman ang kasaltikan ni ate hays.
"Paano pala-"
*ngumuya*
"-makikita yung-"
*ngumuya*
Bago pa siya nagsalita inunahan ko na siya
"Ate kain ka muna baka mabulunan ka. Minsan ate napapaisip ako kung ikaw ba talaga ang nakakatanda o ikaw yung bunso" sabi ko.Ttinignan niya ako ng masama kaya nagpeace sign nalang ako hehehehe. Nang matapos ng Nguyain ni ate ang pagkain agad agad na siyang nagtanong, "So back to my question. Paano mo makikita yung result?" excited na tanong niya
"Through email daw ata ate" kinakabahan parin ako sa result kasi baka hindi ako makapasa yawa. "anong oras daw ulit isesend?" nagkibit balikat ako sa tanong ni ate, wala naman sila kasing sinabi kung anong oras basta magsesend nalang daw sila ng email p*isting yawa naman tong kaba ko.
"Unique Chill ka lang sigurado akong makakapasa ka dun. Hindi biro ang limang taon na paghahanda" wika ni ate. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko."Siya nga pala, tumawag sa akin si papa..."
nabulunan ako sa sinabi ni ate. Bwisit tapos na ang isang buwan na bakasyon ko kay ate. Nagpakawala ng hangin si ate at linaro laro niya ang Pagkain niya.
"Alam kong wrong timing ako pero mas mabuti na ng maimform na kita ng maaga *sigh* tumawag si papa na susundiin ka daw ni tita kara..."
Humigpit ang hawak ko sa kutsara ng banggitin ni ate ang pangalan na yun. Ang pangalan na yun ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdan ko sa tatay ko dahil sa lintik na babae na yan.
"Unique nakikinig ka ba?" tanong ni ate sabay pitik sa noo ko, aray lang ha ang sakit nun.
"Aray ate ang sakit ng mga pitik mo" reklamo ko sakaniya.
"Hay nako ewan ko sayo, lutang kananaman, So as I was saying Bukas nalang kita pinasundo kasi alam kong mag-aaway nanaman kayo ni papa"
Napangiti ako sa sinabi ni ate, alam niya talaga kung paano magbago ang mood ko pag si Papa ang piaguusapan "Thank you ate! Hehehe"
"hay nako, oh bilisan mo na diyan baka malate ka sa part-time job mo" pang-alala ni ate.
Luh shunga ko Malalate nanaman ako! Yawa. binilisan ko nalang kumain at mabilisan naligo Nagpaalam muna ako kay ate bago lumabas sa Condo niya. Nagpapartime job ako sa isang Café na nagngangalang MERDE CAFE medyo malapit ito sa Condo ni ate, siguro mga 5-8 minute walk lang ang layo sa Cafe. Mago-ONE-month palang ako sa Café at eksaktong PAYDAY ngayon hehehehe. tinignan ko yung relo ko at laking gulat ko na 9:00 am na! Takte naman mabubungangaan nanaman ako ni manager.
Binilisan ko ang paglakad ko sa cafe este tumakbo pala ako papunta sa café, Akala ko walang masyadong tao ngayon pero nung nakarating na ako sa Café hanggang labas ang pila. [T-T]
Yawa
Agad agad naman akong pumasok dahil 20 minutes na akong late, at bumungad sa akin ang Galit na mukha ni Manager, na-iimagine ko tuloy na may usok na lumalabas sa ilong niya hehhe Ay siya nga pala ang Manager ng Café si Manager Jay, Kaibigan ko siya pero pagdating sa trabaho ang seryoso nito yawa, Matipuno ang katawan niya, Maputi siya, Gwapo siya lahat lahat na nasakanya pero ayaw niya sa mga babae gusto niya sa mga lalake eh, sayang crush ko panamn sana toh. Pero Hindi ako against sa lqbtq ah suporter nga ako eh Spread love not hate.
"Ano?!tititigan mo nalang ba ako buong araw?! Bilisan mo kumilos ka na maraming customer ang naghihintay sa labas!"
Galit na tugon niya sa akin. grabe toh ah buti hindi siya sumigaw yawa,
"Ito na po boss gagalaw na" sabi ko sakanya.bilis bilis akong tumakbo sa Crew closet at nagpalit doon. Pagkatpos ay agad agad akong pumunta sa counter para kumuha ng order, Mahaba haba ang araw ngayon.
At diyan na nagsisimula ang aking araw.
Yawa~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
<3
HEHEHEH THANK YOU FOR READING!
BINABASA MO ANG
MEMORY LANE#1 (FORGOTTEN LOVE SERIES)
Novela JuvenilMEMORY LANE (FORGOTTEN LOVE SERIES) They were happy, contented, carefree, and very close to each other. Alexander and Sunset are Bestfriends, rivals, and neighbors for years but one big event changed their lives in a blink of an eye. They never met...