Evangelyn's POV
" Uy, Uy, pwde ba sabay tayo mag-lunch? " sabi ni Darren habang inaayos yung buhok niya.
" Sige na? May kasama ka ba? " dugtong niya.
" Oo may kasama siya! Kaming dalawa ni Juan Karlosss! " singit naman ni Honey Girl. Atsuu yabang no? Kala mo naman sila lang bagay ni Juan Karlos niya? Eh kami rin naman ni Darren Lyndon ko eh bagay.
" Sure! Why not? " sabi ko.
" Oh tara na! " singit naman ni Juan Karlos ni Honey Girl.
" Teka-teka diba magkakilala na kayo? " sabay namin na tanong ni Honey Girl. As in.
" Yes! Were just Best Friend na nga eh. " saad naman ni Juan Karlos.
" Oh bat hindi kayo magka sabay mag-lunch? " Tanong ko.
" Uy! Ano ba?! Wag mo ng tanungin! " sabi sakin ni Honey Girl sabay tapik sa Tiyan ko.
" Tara na nga! " saad naman ni Darren.
Habang nag-lalakad kami walang tao na hindi ka pag-titinginan at hndi ka pag-bubulungan. Ang hirap pala talaga kapag ganito no? Kapag may kasama kang isang sikat! Nga-nga nalang sila samin..
-------------
Habang kumakain kami, nakita ko na walang inumin si Darren atsaka si Juan Karlos kaya binilhan ko sila. Aba pag-balik ko halos matapakan na yung kaibigan ko,aba-aba nagawa pa nilang mag-papicture habang kumakain yung dalawang boys! Mga walang hiya to ha!
Buti nalang agad na dumating yung mga Guard. Naku kung hindi pa sila dumating kanina pa may rayot dito!
" Honey, Ok ka lang ba?? " tanong naman ni Juan Karlos niya habang hinawakan yung mukha niya.
" Ha? Honey?! Oo, Medyo masakit nga eh, mga walang hiya talaga yung mga babaeng yun. " sabi naman ni Honey sabay higa sa balikat ni Juan Karlos. Naku Honey para paraan para paraan. Tskk.
" San ka ba kasi nag punta? Bat ang tagal-tagal mo? "Dagdag pa niya.
" Malamang bumili ng Tubig para sa dalawa! " sigaw ko sa kanya.
" Chill ka lang! " Singit ni Juan Karlos.
At umupo na ko pagkatapos magsalita nung dalawa. Teka bakit hindi ko naririnig na nag-sasalita si Darren? Na o-O.P?? Baka hindi naman? Sadyang hindi lang talaga siya sanay kapag hindi niya pa masyadong kilala. Hindi rin siguro?? Kasi siya pa nga mismo yung nagtanong kung pwde kami sabay mag-lunch diba?? Hay nako wag ko na nga lang isipin..
------------
After namin mag-lunch umakyat na kami pero hindi kami dumaan sa pinagkakaguluhan ng mga babae.
Papasok na kami sa isang secret na daanan ng biglang may tumatawag sakin hindi ko alam kung sino? Sana hindi naman Bad Spirit! Kinakabahan ako! yung Heart beat ko ang bilis,buti nalang bigla akong hinila ni Darren.
" Ayyyyy! An-" Sigaw ko,hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil tinakpan niya yung bibig ko. Ano! Tinakpan niya? Nakakaloka naman to!
" Shhhhhhh!! " agad niya naman sinabi.
" Bat mo naman ako biglang hinila? Nagulat kaya ako. Hindi mo ba alam na may tumawag sakin? Kinakabahan ako! Hindi ko alam gagawin ko. Darren! "Sabi ko habang nanginginig at natataranta.
" Shhhh! Relax ka lang! "Sabi sakin ni Darren habang nilagay niya yung ulo ko sa balikat niya.
" Wait? Asan na yung dalawa? "Tanong ko.
" Nandoon na sa Room iniwan tayo! " Sagot niya naman.
" Ha? Tara na nga! "Hinawakan ko yung kamay niya at hinawakan niya din. Atsuuu bagay na kami!?
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sayo (Darren Espanto Fanfic)
Fanfic" In Love na ako, In love sayo Sana'y malaman mo Ang Damdamin ko Tinamaan ako, Tinamaan sayo Sana'y sabihin mo Sayo ay may pag-asa ako. " Yang kantang yan ang laging kinakanta ng mga kababaihan simula ng lumabas na ang Album na kanilang hinahangaan...