Prologue

16 1 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events, places, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NOTE: THIS STORY IS TAG-LISH AND IS STILL ONGOING.

HOPE YOU ENJOY READING:))

~~•~~
First day of work kaya nakakapagod din. Uwian na-mana kaya dumeretso na ako sa Starbucks. Pagkababa ko ng sasakyan tinanggal ko na ang vest ko kaya naiwan akong naka-sleeveless top and jeans. Pagkapasok ko ay naamoy ko kaagad ang aroma ng kape.



"Hi Good evening! Can I order one Caramel Macchiato, Grande? Thank you!" Ngiting Sabi ko. Umupo muna ako sa gilid para antayin ang order ko. Maya-maya lang ay may pumasok na mag-jowa sa Starbs (hmp! kailangan ba talagang mag-landian sa harap ng mga single. God bless na lang sa inyo)  Isa akong malaking bitter kaya don't judge me, lahat naman siguro nakikingiti na lang sa relasyon ng iba.



I was busy checking my phone when one of the staff called me to pick my order. Hindi ako tumitingin kaya may nabunggo ako. Shit! "Sorry, I'm really sorry. Kinuha ko ang towel na dala ko tapos pinunas sa babae. Nang mag-angat ako ng tingin ay gusto ko nalang kainin ng langit ang lupa.



I felt the world stops as I look at the man in front of me. The man that I left alone six years ago. Ang lalaking minahal ko ng pitong taon. Nabasag ang pag-iisip ko ng magsalita ang babae. "Do you know each other, love?" Tanong ng babae. Love. Naaalala ko ayon pa ang tawag ko sa kaniya. "No. I don't know her." Sabi niya at tumalikod na lang sila para im-order. Pagak akong tumawa at pumunta sa sasakyan ko.


'I don't know her.' His voice keeps echoing in my mind. Hindi ko mapigilang lumuha sa nangyari kanina. I'm still healing after that six years pain, but, hindi ko inaakalang masisira lang ulit ang dahan dahan kong pag-galing. I'm single, i've tried dating other man, pero siya lang talaga. Kung kinakailangan kong ipaliwanag ang pag-alis ko sa kaniya, gagawin ko. Kahit ang mag-antay.


But I think I lost him already. Hindi niya na ako mahal. Hindi na siya babalik sa akin.


Hindi ko namalayang naka-uwi na ako. Pinark ko ang kotse ko at pumasok na sa bahay. "Loves, I'm home!" Tawag ko sa kanila. Tatawag pa lang ako ng nakita ko sila nasa hagdanan. Nakangiti.


"Mommy!" Sabay nilang tawag sa akin at tumakbo papalapit. "Hi, My loves! How are you? Did the two of you eat dinner already?" Tanong ko sa kambal ko. Yes. They are Kai's kids, and he doesn't have an idea about the twins. "Yes, po Mommy we eat na po already. Tita Astrid cooked for us. She is a good cook po, but you're the best cook Mommy!" Saad ni Adelaide.


Adelaide and Alistair are fraternal twins. Adelaide Kirsten and Alistair Kaiden. My babies. Hindi na ako magtatakang anak sila ni Kaiser, dahil kamukhang-kamukha nila ang ama nila. Lalo na si Alistair. "Mommy you don't have work tomorrow po ba?" Tanong ni Alistair. "Mommy don't have a work tomorrow, kaya naman we will go to the play area! Yehey!" Nag-ingay na ang dalawa at ang dami na kaagad na sinu-suggest na puntahan. Mukhang tinuruan nanaman ng magaling kong pinsan ang dalawa.


Speaking of the little whore. Sinama ko ang kambal pa-akyat at nakita ko doon si Astrid naka-upo at nanonood. Hinagis ko sa kaniya ang heels ko dahil seryoso siya sa pinapanood niyang nagsasabunutan. "Ano ba para- Oy! Nakauwi ka na, buti naman! Sana naman hindi ka aware sa ginawang ka-demonyohan nitong dalawa. Last ko nang pagbabantay dito, si Skylar naman!" Ungot niya at nagsusumbong ang tingin. Napailing nalang ako dahil sanay na sanay na ako sa dalawa. Lalo na't ang ugali nila ay hati, mana sa nanay at mana sa tatay.


Dinala ko ang kambal sa silid nila para punasan. Aminin ko man noong una, hirap na hirap akong magpaligo dahil dalawa sila. Hindi ko alam kung sino ang una at sino ang ihuhuli ko. Eventually, nasanay na lang ako. Binihisan ko na sila at pinahiga sa kama nila. Every night, ritual na nilang magkambal na pipili ng book at ibibigay sa akin para basahin ko. Mabilis naka-tulog ang dalawa, baka pagod. Hinalikan ko sila sa pisngi at lumabas na ng silid.



Nginitian ko si Astrid dahil siya lang lagi ang free sa mga kaibigan ko. "Salamat ha. Lagi kang nandiyan para sa amin ng mga bata." Niyakap ko si Astrid. "Ano ka ba. Sa huli tayong dalawa lang din ang magdadamayan. Eh, parang mga anak ko na din yang mga anak mo. Nga pala, usap-usapan sa Group Chat yung ex mo. Alam mo na naka-uwi na siya?" Natahimik ako.


"Nakita ko siya kanina, Astrid. Sadyang nang-gagago lang ang tadhana. Kung sa kailan masaya na siya tsaka siya magpapakita. Para akong dino-dogshow ng destiny." Naluha nanaman ako ng isiping ikakasal na siya. Huminga ako ng malalim at iniisip kung anong gagawin ko. Hindi ko na kailangang magtago, dahil alam ko nanamang dodogshowin ako ng lintik na pag-ibig na 'yan. Kahit ilang beses pa akong mag-tago at itago ang mga anak niya, maliit ang mundo, magkikita at magkikita pa rin kami.


"I don't need to hide, Strid. I won't hide, I just have to face what I have started. Aminin ko man o hindi, sana 'di ko nalang siya iniwan noon. Nagkamali ako. Lagi namang mali ang desisyon ko sa buhay. Kailan pa ba ako naging tama sa mata ng iba. Siya lang ang nakakakita nang mga tama ko sa buhay, pinakawalan ko pa." Buntong hininga ko. Niyakap ako ulit ni Astrid at nagpaalam na siyang umuwi, may nag-aantay din pala sa kaniya.


Pumasok na ako sa kuwarto ko at umupo sa kama. Tinignan ko ang box sa gilid. 'Should I write letters again? Hmm. Wag na lang, hanggang tago lang naman ang kaya kong gawin, hindi ko nabibigay sa kaniya' Pero nga dahil tanga ako sa pag-big nagsulat pa rin ako ng letter.


Dear, Kai.

I missed you so much. Alam kong hindi mo naman to mababasa, pero ito pa rin ako, pinipilit na magpaka-tanga sa'yo. I know my wrong decisions in life, at kasama na doon ang pag-iwan ko sa'yo. I hate myself for hurting and leaving you. I don't want that to happen, but, I know someday destiny and the whole world will find a way to separate us. Your dreams or me. Naalala ko pinapili kita noon. But, at the end of the day, I did let you choose your dreams. I want you to fly without me. We're already drowning but I let you save yourself to get in the boat, while me, I let myself sink in the pain and the deep. I love you much that I even search the whole world just to find you, nasa America ka lang pala. I won't forget the memories that we started and ended. I'll always love you, My Captain. You'll always have a special place in my heart.

Loving you until infinity,
Victoria Isobel


The Love that WaitsWhere stories live. Discover now