THE GHOST EPILOGUE

4 1 0
                                    

THE GHOST by Lk Writes
Dedicated to: Reine Paix (former Kwinn P Writes)
@lucky_patch

Epilogue
~~

Kinabukasan ay tinanong ko ang mga kapatid ko kung saan inilibing si Mariana, malamig ang pakikitungo ko sa kanila halos mapilitan pa nga sila kung sasagot ba o hindi malamang dahil malalagot sila sa mga magulang nila! Pero hindi nila naisip na kadugo din yun nila! Hindi na ako kumain, wala na akong gana! Tinawagan ko si Miya para samahan ako papunta sa sementeryo.

"Ano bang nangyari? May namatay ba?"

"Kapatid ko." sagot na talaga namang ikinagulat nya.

"Hala libing agad?"

"Matagal na syang namatay."

"Bakit?" wala akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang nangyari. Tsk! Hindi talaga ako titigilan nun!

"Mariana Paula De Jesus, eto ba yun bi?" tanong ni Miya habang naghahanap ng pangalan sa lapida.

"Oo sya nga."

"Infairness ang ganda ng pangalan nya bagay talaga kayo e parang kambal. Martha Pauleen and Mariana Paula De Jesus."

"Pero wala na sya." malungkot ko'ng sagot dahilan para matigilan sya. "Sabi ng mga kapatid ko dinala pa daw si Mariana sa hospital pero hindi na naagapan pa dahil maraming pasyente daw nun dahil may sumabog, hindi na sya ginamot ng mga doktor doon. Diniretso na sya sa morgue kung san tayo nagtatrabaho. Hindi ko alam kung bakit wala silang ginawa sa kapatid ko, hindi man lang nila iyon tinulungan. Gusto ko silang sigawan! Gusto ko silang pagalitan! Pati sarili ko gusto kong sisihin dahil sa nangyari sa kanya. Wala man lang ako nagawa para sa kapatid ko." mangiyak ngiyak ko'ng dagdag.

"Siguro yan ang pangunahing dahilan kung bakit tayo tinadhana sa hospital na yun." tanging sagot ng aking kaibigan habang ang mga kamay ay nasa aking likuran.

'Sorry Mariana kung wala akong nagawa para sayo. Maniwala ka sakin pinagsisihan ko'ng umalis pa ako.'

~~
THE END

lucky_patch 2020

A/N: Thank you bibi Lk Writes sa story. Ngayon ko lang naisipang ipub sa account ko. Anyways keep on writing bibi. Love lots. Muah.

Date Started: October 25, 2020
Date Ended: November 25, 2020

Black NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon