I AM A MURDERER EPILOGUE

13 2 0
                                    

I am a Murderer

Epilogue

~~

“Kung hindi na lang kaya kita patayin? Naisip ko na napadali ang parusa mo kapag pinatay agad kita. Gawin kaya nating mas kaexcite-excite?” saka nito nilaro sa mga kamay ang kutsilyong hawak na may bahid pa ng dugo.

"H-Ha? A-anong?"

"Nagbago na isip ko. Hindi sapat ang kamatayan mo bilang kaparusahan sa mga ginawa mo. Gusto araw-araw, sa bawat paggising at pagtulog mo, sa bawat paghinga mo ay maalala mo ang mga nangyaring ito. Gagawin ko rin kung ano ang ginawa ni Blaire. Hindi na ako masaya sa buhay ko ngayon dahil sa pagkawala ng kakambal ko. I want to die and be with my sister. At ngayon, masaya na akong mamatay dahil nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko. At ikaw, dadalhin mo habang buhay ang bigat ng konsensiya dahil sa nangyaring ito. Ikaw ang maghihirap. Ikaw ang magdurusa. At iyon ang kaparusahang ipapataw ko saiyo. And for the last time ay sasabihin ko saiyo ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Blaire. Mahal na mahal ka niya pero hindi mo siya minahal at niloko mo siya. Ito ang parusa saiyo sa mga ginawa mo sa kakambal ko! Have a nice and wonderful life ahead with you, Hans."

"Huwag!" Malakas na sigaw ko ng itarak ni Claire ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Sumirit ang mapula at malansang amoy ng dugo mula roon at kasabay nito ang tuluyang pagkawala ng buhay ni Claire. Tuluyan akong nawalan ng lakas. Halos madurog ako sa mga paghihirap na aking nasaksihan. Tama si Claire, dadalhin ko ang konsensiya ng mga nangyari at habang buhay akong hindi matatahimik. Ako ang maghihirap. At ako rin ang magdudusa habang buhay. Hindi ko inaasahan na ganito katindi ang ibubunga ng isang dare.

Tanaw ko mula sa malayo si Blaire, luhaan parin at may gustong sabihin. Kung ano man iyon, ay wala ng halaga pa pagkat nangyari na ang mga dapat mangyari.

"For the last time Blaire, I'm sorry. Yes for the last time dahil hindi ko kayang dalhin ang bigat ng konsensiya ko sa mahabang panahon. I'm sorry, Tito, Tita. I'm sorry Natasha. And sa iyo Claire. Nang dahil sa akin nangyari ito. Hindi ko na hahayaang pang may madamay na iba. This would be the last."

Kinuha ko ang kutsilyo sa dibdib ni Claire at tinarak iyon sa aking dibdib.

I am Hans. I killed my ex-girlfriend. My girlfriend and her parents. And my ex-girlfriend's twin sister.

I am Hans. And I am a MURDERER.

~~
THE END…

© lucky_patch 2020

Date Started: October 25, 2020
Date Ended: November 25, 2020

Black NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon