Kurapsyon

3 0 0
                                    


-May pagbabago nga ba sa sistema
kung laging mas makapangyarihan ang nasa politika
Politikang walang pakialam sa kanyang nasasakupan bagkus pansariling kagustuhan kasakimang tinataglay kailan malulutasan payaman lang ng payaman ginagamit pera ng bayan
Kurapsyon! nangungurakot sa taong bayan.

-Kurapsyon, kahit sinong mag may-ari ng korona 
umupo doon sa palasyo ng malacanang
hari harian kala mo'y may pakinabang sa panahon ng kagipitan naiitago lahat ng ari arian ari-ariang kinuha sa kaban ng bayan
buwis na pinaghirapan ng bawat mamamayan. 

kaya heto't nagugutom kahirapan lalong umusbong sa sambayanan Sambayanang pilipino bulag sa katotohanan ng mga bait-baitang opisyal sa mga pangakong laging napapako tila ba'y walang kadalaan at madidismaya na lang at aasa sa susunod na uupo sa kahariang ginto. 

-wala ng aasahan
gumising tayo sa katotohanan
sinasakop na tayo ng kamangmangan
kurapsyon ay lalong nananahanan sa isip ng mga politikong puno ng kasakiman na lalong pinag alab ng uto utong mamamayan
na palihim nilang tinatawanan.

Silent ThoughtsWhere stories live. Discover now