Ikaw na nga

1 0 0
                                    

I.
°Sa tingin ko'y ikaw na
°Sa akin'y nilaan ng tadhana
° Pasakit ko'y tila binabawi na
°Ni amang sa atin'y lumikha
°Para ako'y tuluyan ng lumigaya

I I
°Dulot mo sa akin'y ligaya
°Sa oras mong hindi pumapalya
°Sadyang pag ibig ay napatunayan na
°Napabatid  sa matamis na harana
°Kanta ng pagsinta sadyang nakahahalina

I I I

°Sa iyong yakap nananabik na
°Sa tuwing tayo'y magkikita na
°Ngiti kong maligaya sumisilay na
°Sa tinig mong tila musika
°Puso ko'y kumakalabog, nagwawala

IV

°Para sa akin'y ikaw na talaga
°Ang siyang may-ari nitong korona
°Sa buhay kong iyong pahaharian na
°Sapagkat tinuring mo akong reyna
°Simula nung ako'y iyong sininta

V

°Sa unos may panghahawakan na
°Higpitan ang kapit sa isa' t-isa
°May kalayaan pa ring natamasa
°Ano mang oras handang magparaya
°Ang tunay na pag ibig na dalubhasa

Silent ThoughtsWhere stories live. Discover now