Two

4 0 0
                                    

~ Poems about broken-hearted ~
( tagalog )

Pagmamahal

Sa ilang buwang nagdaan,
'di ko inaasahan na ikaw pa rin pala ang iiyakan.
Akala ko'y tuluyan nang nakalimot,
ang puso kong punong puno ng sakit at takot.

Tila naloko ko ang aking sarili,
akala ko'y tuluyan ka nang nakalimutan pero ako pala'y nagkakamali.
Ang puso kong tanga'y ikaw pa rin ang kinababaliwan,
kahit ilang beses mo nang iniwasan at sinaktan.

Nagtapat ako kahit na alam kong wala akong pag-asa,
nagtapat ako kahit na ako lang ang umaasa.
Nagtapat ako 'di para ibalik ang pagmamahal na binibigay ko,
nagtapat ako dahil gusto kong ipaalam ang pagmamahal sa 'yo.

•••

Pangako

Ano'ng kailangan gawin?
para ako'y pansinin.
Kulang pa ba ang lahat?
o sadyang ako'y hindi sapat?

'Di ko gustong sumuko,
dahil 'yon ang aking pangako.
'Wag tayong maglokohan,
dahil pag-ibig mo lang ang aking kahilingan.

Tila ako na lang ang umaasa sa wala,
mahal, pagod na 'kong lumuha.
Sana'y 'di ka 'tulad ng iba,
na sa una lang may ibubuga.

Sabi ko nga walang sukuan,
pero 'wag mo naman sana akong paglaruan.
Kaya ko naman maghintay,
ngunit 'wag mo lang subukan ang aking tibay.

•••

Talunan

Kasabay nang pag-ihip ng hangin,
ang pagbugso ng aking damdamin.
Wala akong nais na gawin,
kundi ika'y ingatan at mahalin.

'Di maiiwasan ang 'di masaktan,
kaya naman tinanggap ko kahit luhaan.
Ako'y sumugal sa laban,
na alam kong sa huli'y ako rin ang talunan.

•••

twitter acc: @/lunametstellas

PoemsWhere stories live. Discover now