Three

1 0 0
                                    


Poems about being left by the person they treasure
(tagalog)

Kakuntentuhan

ano'ng nangyari sa 'ting pagmamahalan?
bakit tila iyo nang nalimutan ang ating pinagsamahan?
wala naman akong ginawang hindi mo magugustuhan,
ngunit bakit mo ko iniwan nang luhaan?

ang sarili'y napabayaan,
at para akong nabaon sa kahirapan.
wala akong ipinakita kundi kabutihan,
ngunit ang iyong isinukli ay kamalasan. 

kayraming katanungan,
na saki'y iyong iniwanan.
nalunod sa kalungkutan,
ang isip kong walang kalaban laban.

ang mga ala-alang naiwan sa nakaraan,
sobra mang nahirapan ay pinilit pa ring kalimutan.
ako'y iyo lamang sinaktan,
dahil ika'y walang kakuntentuhan. 

•••

Paubaya

isang daang tula,
para sa dating ala-ala.
kung pa'no nalula,
sa pagmamahal sa 'yo nang malala.

nagsimula sa litrato,
ang ating k'wento.
'di nagtagal at iyong napagtanto,
na ika'y iniibig na ng husto.

ngunit sa hindi inaasahan,
ikaw pala'y may iba nang nagugustuhan.
hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman,
ang iyong kaligayahan ay aking kasawian.

makalimutan ka na sana,
at kung pa'no mo 'ko pinaasa nung una.
tatanggapin na tayo'y hindi itinadhana,
sinta, ika'y ipapaubaya na.

•••

Hindi Totoo

ika'y aking inunawa,
at lahat ng iyong nais ay ginawa.
pusong kaawa-awa,
isip na nagmamakaawa.

sobrang durog,
ang puso kong sa 'yo nahulog.
kamay na nabubog,
at katawan na nabugbog.

gano'n kasakit ang aking pinagdaanan,
at ang sakit na naramdaman ay hindi matatawaran.
gusto ko na lang masagasaan,
at ika'y makalimutan.

kay bilis naglaho,
ng iyong mga pangako.
lahat ng ipinakita mo,
ay hindi totoo.

•••

twitter acc: @/lunametstellas

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now