🌹Chapter 25🌹

129 8 1
                                    

🌹Chapter 25🌹
🕯Instant Regrets🕯

•Crimson Von Soleil’s POV•

Another week passed…

“Crim ano nga basa dito?” Tanong ni Valdmir na nakaupo sa tabi ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

“Pisho-pisho.. Ano nga ulit??” Problemadong tanong nya muli na kagat-kagat pa ang ballpen at seryosong nakatingin sa kanyang papel.

“Pseudopseudohypoparathyroidism, PPHP.” Sagot ko at focus muli sa sinasagutan ko.

I blow my bangs away from my face dahil hindi nako matapos tapos sa test paper ko dahil kanina pa talaga sya tanong ng tanong.

"Oyy ano nga ulit dito?" kalabit na naman ni Augustine kaya nawala na naman focus ko sa papel ko.

"Ano nga ulit yung pinagkaiba ng pseudopseudohypoparathyroidism and pseudohypoparathyroidism?" he asked sabay tingin sa test paper ko.

"Ahhhh… letter A." sabay bilog sa letter A kaya agad kong tinakpan papel ko.

"Ano ba?! Ba't ka ba nangongopya?!"

"Ms.Crimson? What’s going on there?" Agad akong napalingon sa unahan at nakita yung professor ko na salubong ang kilay na nag aantay ng sagot.

I was about to tell him what’s going on nang mag unat si Augustine na kinalingon namin sa kanya pati ng iba.

"Sir, najejebs daw si Crimson kanina pa kaya hindi mapakali." sabi nya sa professor na hindi ko inaasahan habang yung mga kaklase namin ay hindi na maipinta mga mukha at focus nalang sa mga papel nila habang naiiling.

"Yuck, kadiri ka beastly." sabay pisil sa ilong ni Treyu.

Agad kong tinapakan paa niya na tahimik nyang kinainda pagka alis.

"N-no sir, I'm not!" I denied at mahinang tawa naman ni Augustine pati ni Sebastian kaya sinamaan ko sila ng tingin.

I heard the professor sighed kaya napalingon ako muli roon.

"Just go to the restroom if you need to, don't disturb your classmates Ms.Crimson." the professor said at focus na muli sa laptop nya para gumawa ng PowerPoint kaya hindi nako nakapag dahilan.

"Oyy nerdy mag sagot kana." Sabi ni Mir na sinamaan ko ng tingin sabay focus nalang muli sa questioner ko para matapos na.

"Ahhhhh….. So tired!!!" sabay unat ni Treyu at walang paki lang yung prof.

I rolled my eyes mentally, talk about favoritism here.

“Paano ka napagod e nakiki kopya ka lang naman?” Tanong ni Sebastian rito dahil nakopya lang to sa kanya na lagi naman talaga nitong ginagawa kasama si Augustine pero naiba ngayon dahil ako na napagtritripan nitong kopyahan pag may quiz or exam.

“Iba naman kasing pagod yung sinasabi ko dre."

"Anong pagod na naman ba yan?" Sabat naman ni Augustine na napaka kapal ng mukhang kopyahan pa rin yung papel ko matapos kong takpan.

"Kapogian, nakakapagod ng magkaroon ng ganitong kapogian na kung pwede ko lang ibahagi gina--."

"Manahimik ka nga, napaka ingay mo." Inis na sita ko habang nasagot at dungaw naman nito sa papel ko.

Vampire Crimson's CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon