I am so happy. Nagtuloy-tuloy yung magandang samahan namin ni Dean pagkatapos ng gabing yun. Ipinaramdam nya sakin ang tunay na pagmamahal. Yung tapat at masarap na pakiramdam ng nagmamahal in return.
Naging napakasaya naming dalawa, sobrang sweet ni Dean. Araw-araw pa din akong nakakatanggap ng mga flowers. Parang araw-araw nya akong nililigawan. Pero hanggang ngayon, hindi nya pa rin sinasabi sakin kung bakit walang ang pang Day 95. Pero okay lang, isang araw lang naman yun. Mas marami naman ang kasunod at mga susunod pa.
Nandito sa Pinas ngayon si Mommy, after 3 long months na hindi kami magkasama, umuwi na din sya. Kahit alam kong umuwi sya nang dahil sa sinumpong nanaman ako ng sakit ko. Hindi ko alam kung bakit ang O.A ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit hika lang naman ang sakit ko pero para syang natataranta sa sobrang pag-aalala. Unija Hija kasi siguro ako. Kahit sino naman sigurong magulang.
Nandito ako ngayon sa ospital. Naging mahaba ang tulog ko, siguro mga 7 days na din yung pahinga ko. Pero, okay lang yun, hinihintay ko ngayon si Dean. I'm sure namiss nya ako. Baka ayaw nya lang gambalain yung pagpapahinga ko kaya hindi sya dumadalaw dito.
"Hi hija, kumusta na ang pakiramdam mo? " Biglang pumasok si Mommy sa kwarto.
"I'm okay Mom. Si Dean po? Anong oras po sya pupunta dito?" tanong ko naman sa kanya.
"Ah, anak. May kailangan tayong pag-usapan. Pero, sana magpagaling ka muna ng husto okay?"
"Tungkol saan Mom?" Ano kaya yun? Nakakapagtaka naman. Wala kaming secrets ni Mommy sa isa't isa.
"Bez!" biglang sumulpot si Tarah out of nowhere. Nagulat na lang kami.
"Bez, okay ka lang ba? Alam kong masakit pero alam ko kaya mo yan. Nandito lang ako lagi para sayo okay?"
Nagulat kami ni Mommy sa sinabi nya. Pero biglang parang nalungkot yung mukha ni Mommy. Ako naman, sobrang nagtataka.
"Anak, I hope you understand, gusto ko sanang ipaliwanag sayo ang lahat pero mas maganda na siguro kung babasahin mo na lang ito." inabot nya sa akin ang isang papel.
"Bielle" ang nakalagay sa labas. Binuksan ko ito at binasa.
"Bielle,
I'm sorry I have to do this. Ginusto kong malaman no ang lahat ngayon. Siguro sa mga oras na binabasa mo ito ay nakarecover ka na sa operation mo.
Bata pa lang tayo nang malaman namin na may sakit ka sa puso. Matagal na nang huli kang sinumpong at ang sabi ng doktor, kailangan mong maoperahan kung hindi, yun ay pwede mong ikamatay. Sa kalaunan, nalaman ko ding may sakit akong malala. Matagal kong ininda ang sakit Bielle, pero nagpakatatag ako. Sinimulan kong bigyan ka ng bulaklak bago ko malaman na may sakit na ako. Day 95, hindi kita nabigyan ng bulaklak dahil sinumpong ako ng sakit ko at nalaman ko na hindi na ako magtatagal. Ginusto ko na bigyan ka ng magandang Valentine's Day experience dahil gusto ko na ako ang maging unang date mo. Pero hindi ako nakarating dahil kinailangan kong pumunta aa ospital at magpagamot. Gusto kong tumagal ang buhay ko para makasama ka pa, dahil mahal na mahal kita. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na yun nang inamin ko yung nararamdaman ko sayo. Kaaabay ng pag amin kong yun ang pagtanggap sa katotohanan na hindi tayo mabubuhay ng matagal. Marami na akong pagkakamaling nagawa sa buhay pero isa ka sa mga naging dahilan para iayos ko ang lahat. Wala na akong pamilya maliban sa inyo ni Tita. Alam kong masakit para sa iyo ang lahat ng ito.
Bielle, pinili kong kitilin ang buhay ko para maibigay sayo ang puso ko dahil mahal na mahal kita. Hindi ko na hinintay ang ilang natitirang araw ko dahil mas pinili kong isalba ka. Maraming salamat sa pagmamahal mo Bielle, mahal na mahal kita. Maraming salamat sa magagandang ala-ala na babaunin ko sa kabilang buhay.
Wag kang tumigil magmahal Bielle, wag kang tumigil maging masaya. Wag kang magiging malungkot. Gusto kong makita kang maligaya. Lagi mong iisipin na nandito lang ako palagi para bantayan ka. Iloveyou.
Dean.
Tumulo lang ang luha ko matapos ko itong mabasa. Mahal na mahal ko si Dean, mahal na mahal.
*********
Epilogue will be next! May continuation yung story ni Bielle. :) Thanks!
BINABASA MO ANG
the PROPHECY (Short Story-COMPLETED)
RandomI will never regret that I did this for you. I will never forget the memories we once shared. -Dean the PROPHECY By: PadWorm All Rights Reserved 2015 All the contents of this story are products of the author's vast imagination. Theme: General Fict...