Chapter 1

10 1 0
                                    

New

"Girl! Nasan ka na ba?" Sigaw ng kaibigan ko sa telepono.

"Uhm. Nasa bahay?"

"Ha! Ano ka ba naman! 7:30 ang pasok natin! Ano ka ba Bella! Graduating na tayo. Kala ko ba mag titino ka na!"

"Oo nga. Bakit tinanghali lang naman ako ng gising. Hindi na agad matino yun?"

"Uhh! I hate you!" Ramdam ko ang inis sa boses niya.

"I hate you more. See you later!"

Sabi ko saka ibinaba ang tawag. Agad ko namang kinuha ang susi at nag drive papuntang school.

Pag baba ko ng parking lot naagaw ko agad ang atensyon ng mga estudyante.

Yes look at your queen.

Tumingin ako sa aking relo. 8:30 hmmm.

Ano late? Walang late late. Naglakad ako sa napaka habang hallway na animong nasa runaway. Duh sayang outfit noh!

Nang makarating sa room. Nakita ko na agad ang nag uusok na ilong ng aking kaibigan.

Dumiretso ako sa upuan na nasa tabi niya at ngumiti ng pag katamis tamis sa kaniya.

"Hi what's your name?" Pang aasar ko pa.

"You know what Arabella isusumbong kita sa grandpa mo."

Inirapan ko nalang siya. Sigurado naman akong hindi niya ako isusumbong.

"Wala pa namang prof. Ang oa mo talaga."

"Aba! 7:00 ang usapan natin! Ang aga aga ko dito! I hate you so much." Pag rereklamo pa niya.

"Hahahaha alam mo naman ang oras ko. Saka napuyat ako kagabi iniwan mo ko sa bar!"

"Ah so kasalanan ko? Ikaw ang bigla biglang nawawala!"

"Yes kasalanan mo. Hindi mo manlang ako tinawagan!"

"Ms. Walts and Ms. Carvallo! Dito nalang kaya kayo mag away sa harap. Para naman makita at mapanood naming mabuti." Sabi ng Prof naming babae.

Saan galing yun? Hindi manlang namin napansin.

"Sorry Miss." Mabait naman na sambit ng aking kaibigan. Plastic!

"Okay! So for today since this is our first day. Ayokong ayoko ang laging late sa aking klase. Naiintindihan mo ba Ms. Walts?"

Bakit ako? Ako lang ba late dito lagi?

Nakatingin lang siya sa akin na animong nag aantay ng sagot. Ugh kairita!

"Yes Mi--"

Napahinto ako ng bigla biglang may pumasok na hindi pamilyar na mukha at dirediretsong umupo sa katabi ng aking upuan.

Napatingin ako sa aming prof na halatang gulat din.

"So Mr. Valencia? Anong oras na!?" Tanong ng masungit naming prof.

Tumingin lang sa kaniya ito ng seryoso at

"Why? Wala ka bang orasan?"

Wow. Just wow!

Gwapo nga pangit naman ugali. Pero sige gwapo naman at mukhang mabango.

"Aba't!" Yun lang ang nasabi ng aming prof na halatang nagpipigil.

Bakit sino ba tong lalaki na to?

Nag orientation lang ang aming prof.

Pero hindi ako makapag focus dahil sa aking katabing lalaki. Tao ba ito? Bakit mukhang hindi tao. Mukha hindi totoong tao. Perpektong perpekto.

Lord you are so unfair. Sobrang pinag pala po siya. Lord okay lang po kung hindi ako ganyan ka perpekto. Dahil alam ko naman pong sobrang ganda ko. Basta po yung asawa ko ay ganiyan. Para naman lalong maganda at gwapo ang aking mga anak.

Nakaramdam ako ng kurot sa tagiliran ko.

"Hoy babae kadiri ka ha. Yung laway mo tumutulo."

"What? Excuse me?"

"Oh bakit dadaan ka?"

Nakakainis talaga itong plastic na ito. Buti nalang nakakapag tiis pa ko dito.

Fall For That StarWhere stories live. Discover now