Chapter 4

8 0 0
                                    

Mansion.

Pag dating ko sa Airport hinanap agad ng mata ko ang aking lolo.

Nang makita ko siya agad akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit.

"Hayyy namiss talaga ako ng pinaka paborito kong apo."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

Lumabas na kami sa Airport at pumunta sa aking sasakyan.

"Wow new car."

"Gwapo diba? Ikaw unang isasakay ko diyan" proud na sabi ko.

"Duda ako."

 Pag tapos naming ilagay lahat ng gamit niya ay dumiretso na kaming mansyon.

"Nakausap mo na ba ang iyong mga magulang?"

"Lolo as if namang gusto nila akong kausapin. They didn't even greeted me on my Birthday or in any occasion."

"Just understand them."

"Mayroon na kasi silang sariling mga anak. Ang isa ay kaedad ko lang. Diba? Ni tanungin ako kung kamusta ba ako o kung buhay pa ba ako ay wala akong narinig mula sa kanila. At t'wing tatawag ako ay ganoon lang nila kung patayin ang tawag ko."

Sambit ko habang pinipigilan ang luhang nag babadya.

Wala akong nakuhang sagot mula kay Lolo. Tanging katahimikan lamang.  Alam kong iniiwasan din niya ang tungkol sa usapin na iyon.

Nang makarating kami sa mansyon. 

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Kung saya ba dahil kasama ko ang aking Lolo.

O lungkot dahil unti unti kong naaalala ang mga magulang ko.

Humarap ako kay Lolo at ngumiti.

"Welcome Home!"

Agad kaming pumasok at sumalubong ang mga kasambahay namin.

"BELLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!" umalingangaw ang sigaw ni Nanay Therese sa buong bahay.

Agad siyang yumakap ng mahigpit.

"Juskoooo dalagang dalaga na ang alaga ko."

"Kamusta Nay. Pasensya na at di ako nakadalaw."

"Ano kaba! Ayos lang dahil alam kong busy ka sa pag aaral."

"Si Ram po Nay?" Si Ram ang kaniyang apo. Tulad ko ay iniwan din siya ng kaniyang magulang sa kaniyang Lola.

"Ay ewan ko ba sa batang iyon. Malamang ay nakikipag laro na naman sa mga batang nasa labas. Osiya nag handa kami ng makakain. Alam naming pagod ang iyong Lolo."

"Sige aakyat lang po ako saglit."

Nang makarating ako sa aking kwarto. Walang nag bago.

Nahagip ko ng mata ko ang litratong na sa bed side table ko. Napangiti ako ng mapait.

Nagring ulit ang aking cellphone.

Unknown Number

"Hello"

"Hmmm"

"Who's this?"

"Nagkita lang tayo kanina. Hindi mo na ako maalala. Girlfriend."






Fall For That StarWhere stories live. Discover now