Chapter 1

25 3 0
                                    

Hinihingal akong pumasok sa classroom namin at tumigil sa pagtakbo. Ramdam ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko, tila nakikipagkarera sa kabayo.

Hindi mawala sa isipan ko ang nangyaring aksidenteng pagkabuhos ko sa lalakeng iyon. Punyeta naman! Bakit pa kasi siya dumaan? Hindi niya ba iyon nakita?!

Binatukan ko naman ang sarili ko. Tanga! Eh ikaw nga hindi mo rin naman nakita na may papadaan. Hayop naman kasi ni Share, eh. Babatuhin ko iyon kapag bumalik.

Naglakad ako patungo sa upuan ko at umupo. Tulala akong tumitig sa pisara, maya-maya ay tinakpan ko ang mukha ko at nagpangalumbaba. Hindi ko mapigilang lumuha dahil sa kinakain ako ng aking konsensya.

Patuloy lang akong humikbi hanggang sa maramdaman kong may humagod sa aking likod. Napaangat ako ng tingin at nakitang si Saph iyon.

Nagulat siya nang makita ang umiiyak kong mukha.

"Sallie, bakit ka umiiyak?" tinanong niya ako ng may nag-aalalang mukha. Kahit naman KJ si Saph ay bestfriend ko pa rin siya.

"Eh... Saph. Kanina k-kasi... Kinuha ni Share iyong diary ko at hinabol ko siya. Umabot kami sa cafeteria pero hindi ko parin siya naaabutan. Kaya a-ayun... iyong tumbler kong dala ay binalak kong ibuhos sa kaniya. K-kaso... a-ano kasi eh..." Naalala ko ulit ang ginawa kong kaeng-engan kaya tinakpan ko ulit ang mukha ko gamit ang kamay ngunit tinanggal ito ni Saph.

"Tapos?" bakas sa tono ng boses niya na 'di na siya makapaghintay. Balak niya ba talagang marinig at malaman ang katangahan nung lalaki iyon? No! Erase that. Balak niya bang malaman ang katangahan ko? Huhu.

Pinagpatuloy ko naman ang sinasabi ko.

"A-ano eh... eh... teka lang ha... u-uhm..." bulol-bulol kong ani. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at ramdam ko na rito ang pagpapawis.

"Uhm... Aksidente ko kasing n-natapon sa... sa dumaang lalake iyong t-tubig!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinakpan ko ulit ang mukha ko.

Kung iniisip niyo na maliit na bagay lang ito, well sa akin hindi. Mahalaga para sa akin ang kaunting maling bagay na nagagawa ko dahil mabilis akong makonsensiya at maiyak. Walang aangal.

Katahimikan naman ang bumalot sa paligid ko. Kaya bumaling ako kay Saphirah na blangko ang mukha ngunit bigla nalang itong humagalpak sa tawa at tinampal ng bahagya ang braso ko. Napanguso naman ako.

"Pfft HAHAHAHAHA" tawa niya pa. Ang lakas ng boses niya, kairita.

"Bakit ka tumatawa diyan?" Binigyan ko naman siya ng matatalim na tingin ngunit hindi niya lamang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtawa. Hindi naman nagtagal ay tumigil na ito sa pagtawa na alam ko namang pinipigilan lang nito dahil nakaplastar sa labi niya ang laki ng kanyang ngisi.

"Ano ka ba, Sallie. Akala ko ano na namang kagaguhan ginawa mo but it turns out, katangahan lang pala," at nagpatuloy na naman siya sa pagtawa.

Baliw!

"Wala ka talagang kwenta, Saphirah! Bestfriend ba talaga kita? Punyemas naman oh. Doon ka na nga." pagtataboy ko sa kaniya.

"Joke lang, bes. 'Wag mo nalang pansinin iyon. Sure ako, hindi ka naman ipapatawag sa Principal. Kaya don't worry. Labyuuu," saad nito at hinalikan ako sa pisngi.

Bigla namang kumalabog ang pintuan ng classroom at iniluwa noon si Share na nanlalaki ang mga mata. Napalingon naman sa kaniya si Saphirah.

"Huy, Share. Ano na namang ginawa mo kay Sallie. Ikaw ha, umiyak na naman 'to."

Nagbago ang ekspresyon ni Share, ang kaninang nanlalaking mata ay bumalik na sa normal at sumilay ang isang ngisi sa kaniyang mga labi. 

"Aba ay maiiyak talaga siya. Kung alam mo lang kung sino nadamay sa kagagahan ni Sallie," aniya. Tinignan ko naman siya ng masama.

Wild Heartbeats (Heptania Series #1) (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon