Nagising akong may isang bagay na nakadagan sa'kin. Aray, ano to? Ang bigat. Halos hindi na'ko makahinga, pati tiyan ko ay naiipit na ng husto.
"Aray!"
Dali-daling tumayo ang kung sino mang dumagan sa'kin. Iminulat ko naman ang mga mata ko. Ang tanginang si Saphirah pala ang salarin.
"Sorry Lie hehe," hingi niya ng patawad habang inaayos ang nagusot niyang dress.
"Tangina mo! Saan lakad?" kunot-noong tanong ko. Trip nito? Tatambay lang dito tapos nakadress, ibang klase, tss.
"Sa'n pa ba, diba napag usapan na natin 'to?" Nilakihan niya pa'ko ng mata.
"Ha? Saan ba lakad natin?" Napatingin ako sa wall clock, alas-otso palang, eh. Isang oras lang tulog ko huhu, punyetang Saphira 'to istorbo.
"Saan pa, edi sa bar," nasisiyahan niyang ani.
Napakunot ang noo ko. "Ha, 'kala ko ba bukas pa. At pake ko naman, hindi ako sasama, noh."
Tumayo ako galing sa pagkakahiga, inayos ang higaan, humiga ulit, at pumikit.
"Huy, Sallie! Magba-bar nga tayo," aniya at walang tigil na niyugyog ako. Hinawakan niya ang dalawang paa ko at pilit na hinila paalis sa kama. Ang kulit rin ng tanginang 'to, sinabi ng ayoko eh!
"Ayoko nga! at hindi pa ako nakapagpaalam kina Mommy," kumapit naman ako sa headboard at pilit ding hinihila ang sarili pabalik sa kama.
Alam kong kahit siya o sila pa ang magpaalam para sa'kin ay hindi pa rin ako papayagan nina Mommy't Daddy, sa strict ba naman nun, tss. Tingnan nalang natin Saphirah at uuwi ka ng luhaan. Joke, ang OA nun.
"Don't worry, pinagpaalam kana namin, " kampanteng saad ni Saph, don't tell me pinayagan ako nina Mommy.
"At pinayagan ka," biglang sabat naman ng kung sinong nilalang. Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng boses at napagtantong galing kay Share yun.
"Luh, kanina ka pa ba diyan?" ngiwi ko.
Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin. Ba't di ko siya napansin?
"Bakit ako pinayagan? " mangiyak-ngiyak kong reklamo. Nagkatinginan sila at sabay na nagkibit-balikat at ngumisi pa. Mga hinayupak talaga, oh.
"Magbihis ka na," ani ni Share sabay tayo at nagtatakbong pumunta sa closet ko. Excited jpeg.
"Ano ba'ng susuotin ko?"
Tumayo rin si Saph at sabay nilang walang paalam na binuksan ang aking closet. Mga walang hiya.
Sumunod ako sa kanila at pinanuod na halungkatin nila ang aking cabinet. Kung makaakto ang dalawang 'to akala mo sila ang may-ari ng bahay at ako lang ang bisita.
"Skirt," ani ni Share sabay taas nung skirt.
"And black tank top, " dugtong naman ni Saph at pinakita rin yung black tank top.
Ew, yan yung susuotin ko? Yaks! 'Ni hindi nga ako nagde-dress tapos papagsuotin ako ng ganyan? Mio Dio! Ba't parang gusto ko ng mamatay?
"Ayoko," simple kong tutol.
"Hindi pwedeng ayaw mo," nakangisi parin si Share at tinulak ako patungong banyo.
Nagpumiglas ako ngunit tinulungan pa siya ng pesteng si Saph, ano pa nga ba ang laban ko sa dalawa?
Labag sa loob na sinuot ko ang mga damit na binigay nila.
"Ano ba naman to huhu," nakangiwi pa ako habang nakaharap sa salamin at inaayos ang tank top, pagkatapos ay isinuot ko na ro'n ang aking step-in. Mag e-step-in lang ako bwahahaha. Ewan ko kung bagay 'to sa suot ko pero okay na rin kesa naman sa mag-heels ako, edi mas mapapaaga ang pagkakadapa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/247872320-288-k384741.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Heartbeats (Heptania Series #1) (ONGOING)
RomanceI'm Sallie Bautista, a girl who dreams to be a nurse in the future, living in a peaceful world. But because of my stupidity, I accidentally bumped into a stranger, a stranger that will mess with my peaceful world and turn into a chaotic one. Whom I...