CHAPTER 3

1 2 0
                                    

Chap 3
LIEZEL'S POV

Nakarating na kami sa room. Andito sa second floor ng building 3.

Shempre magkatabi kami. Nandito kami sa bandang dulo, yung sa huli. Dito daw kami para makagawa sya ng move sakin, hahaha. Baliw lang eh. Kami lang dalawa dito sa huli. Kaya kung mag bulong bulongan kami walang makakarinig, except kung malakas haha.

Wait! May bulong ba na malakas, aber!

Pumasok na ang professor namin. Pumunta sa gitna at nagpakilala.

"So, good morning class. I'm prof. Jeonard Perez. But you can call me Mr. Perez. Sa bawat pagpapakilala nyo it must have, your complete name, name of your parent's, and what is your message about our section. So, magmumula dito." tinuro nya yung sa unahan.

"Yess! Panghuli pa tayo." bulong ng katabi ko na may halong tawa. Tumawa na lang din ako ng mahina.

Matapos ang pagpapakilala nila, si Jhonmier na yung susunod, tapos ako.

Tumayo na sya at nag salita.

"Hi! I'm Jhonmier Cruz. Came from Mr. and Mrs. Jonnaly and Jonas Cruz. I hope magkakasundo tayo and being a unique section." nakangiting pagpapakilala nya.

Well, I forgot to introduce my best friend. Hahaha yes, hes only my best friend. Tinatawag nya akong 'babe' kasi gusto nya lang, haha. But sya lang tumatawag ng 'babe'. He already have girlfriend, and she's Ashley. I don't know about their situation, I only know na palagi silang nag-aaway. By the way, si Jhonmier lang yung sandalan ko

A/N:
(For those reader na nakahula, congrats sa inyo, haha.)

(≧▽≦)

JHONMIER'S POV

So, it's Liezel's turn.

"Hi everyone! I'm Liezel Wilston. My mom is Liem Wilston, and by the way my father is gone because of a car accident, 10 year's from now. I'm so proud with his name, Lorenz Wilston. I'm only 8 year's old that time. And just like what's everyone want, I hope na magkakasundo tayo. Thank u." biglang bumaba yung boses nya at halatang pinipigilan ang luha, may pa ngiti ngiti pa sya kahit mababasa naman sa mga mata nya ang sakit. Umupo na sya.

Tumingin ako sa kanya. At hinagod ang likod nya.

"Shh, everything will be okay."

~~~

GEIEL'S POV

Nandito na ako sa room ko. By the way I'm in section A. Nakita ko din na section B si Liezel. Lingid sa kaalaman ni Liezel na nag transfer ako sa skwelahan nya. She just thought na hinatid ko lang sya. Malapit lang yung room namin. Well, isang room lang yung nakapagitan.

Bale sa second floor ng building 3 is ganto yung arrangement ng room.

Sect C || Sect B || Sect D || Sect A

Nakaupo ako dito sa may bandang huli. Ako lang mag-isang nakaupo dito, until some stranger sat beside me.

"Hi." sabi ng babae. Tumingin lang ako sa kanya at pilit na ngumiti.

Nagpapakilala na yung mga kaklase ko. And according to our prof. Full name is enough, it's your choice if pupunan mo pa.

Ako na ang susunod na magpapakilala.

"Hi! I'm Geiel Ocampus. First born son nila Mr. George and Mrs. Gwyn Ocampus." pilit na ngiti kong sabi. Sumunod na tumayo yung katabi ko.

"Hello! I'm Ashley Vazquez. Sana magkasundo tayo!" live na live na sabi nya.

Nang matapos na ang klase at lunch time na. Tumayo na ako at lalabas na sana nung tumabi sya, according sa pagpapakilala nya kanina, she's Ashley.

"Saan ang punta mo?" agad na tanong nya.

"Somewhere." tipid na sagot ko. Hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya, pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.

"Can I join you?" tumingin na ako sa kanya sa paraang naiirita.

"Plsss?" bumuntong hininga nalang ako then tumango. Ngayun ko lang napansin, cute pala sya, cute yung dimples nya, sa magkabilang pisngi pa. At chubby cheeks din. At cute din yung height, hahaha.

Papunta ako sa room nila. Sana makapag-usap na kami. I really want her to came back. Not as Liezel but as my best. I badly miss her.

Sisilip na sana ako sa may bintana nung bigla syang lumabas with that gerk again. Sya yung biglang yumakap kay Liezel kanina. F*ck!

"Babe, saan tayo?" malambing na tanong nya kay Liezel. Nagulat ako. F*ck! What?! BABE?! Argh! Hindi nila kami napansin dahil bahagyang nakatalikod sila sa amin.

"Sa cafeteria na lang." simpleng sagot ni Liezel.

Nung makaalis na sila. Bigla din akong naglakad but sa kabilang direksyon.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa ilalim ng malaking puno. Dito sya sa may likuran na parte ng school, which is walang halos studyante. Ako lang mag-isa dito, not until I remember na may kasama pala ako. Para syang aso, sunod ng sunod.

Umupo ako sa may malaking ugat at tumabi din sya. Sumandal ako sa puno.

"Hayyyysstt." malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Geiel..." hindi ko sya pinansin at naka tungo lang ako.

"I'm sorry. Dapat sana pinabayaan na kita kasi you need na mapag-isa but nakokonsensya ako. Kasi alam kong kailangan mo nang sandalan." nakikinig pa rin ako.

"Nakita ko kanina sa mga mata mo.. Do you still love her?" deritsong tanong nya na nakapagpatigil sakin.

"Ows, I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan na hindi ka tanungin." mahina nyang boses.

"It's okay." simpleng sagot ko.

"You know, I know you already based sa mga kinukwento sakin ni Jhonmier." natigilan ako. Magkakakilala sila? Jhonmier yung pangalan nung tarantadong yumakap at tumawag ng 'babe' kay Liezel? WTF!

"Magkakakilala kayo?" bigla kung iniba yung ekspresyon ko, mula sa nagulat hanggang sa blankong mukha.

"Yeah." tipid na sagot nya. Galing sa nakangiting mukha, nagbago din bigla yung ekspresyon nya. Agad akong tumingin sa mga mata nyang na sa malayo ang tingin, nababasa ko ang lungkot. Hindi na lang ako nagtanong kung magkaano sila. Hindi ko gustong buksan ang tungkol sa kanya, and also I'M NOT INTERESTED WITH THAT GERK, tsk!

~~~

Uwian na.

Dumiretso ako sa room nila.

Susunduin ko sya kasi wala syang masakyan.

Nasa pintuan pa lang ako. Mga salitang habang buhay kung kinasusuklaman ang una kung narinig.

"Babe!" what a f*ck?!  May pa sigaw sigaw pang nalalaman. Ba't ba ako naiinis for the first place?

"Uuna na ako ah!" narinig kung biglang sabi ni Liezel kay gerk! Jhonmier? Tsk! Mas bagay sa kanya kung gerk!

Naglakad na sya papuntang pinto. Medyo hindi ako nakikita dito kasi nasa mismong pinto ako, unless kapag lumabas ka kitang kita talaga ako.

Nang humakbang na sya palabas ng pinto, bigla syang natigilan na nakatingin sakin.

~~~

#ToBeContinued

By: ASHLEYAMOGIS ♥️

🌺PLAGIARISM IS A CRIME🌺

A WRONGFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon