Warning
R18. You've been warned. This fiction contains obscene words and actions that are not suitable for young readers. Read at your own risk.Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.~ ~ ~
Maalinsangan ng gabing iyon. Mainit pati ang hangin na nilalabas ng electric fan. Iyong tipong kahit wala kang ginagawa ay pagpapawisan ka.
"Ang inet!" Iritadong pahayag ni Belinda habang nakaupo na sa harap mismo ng electric fan sa sala. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam niya kahit di pa man nagtatagal matapos nang maligo siya.
"Aba ay matindi talaga ang init ngayon! Summer na kasi." Lumabas mula sa kusina ang Tiyahin niya na nagluluto ng ulam nila ngayong gabi. Maging ito ay tagaktak ang pawis lalo pa at nakaharap ito sa mainit na kalan. Napatingin ito sa kanya at kumunot ang noo.
"Ay! Ano ka ba namang bata ka?! Ano ba iyang suot mo?!" Mataas ang boses na tanong nito.
"Mainit ho kasi, Tiyang! Saka nasa bahay lang naman ako." Paliwanag ni Belinda. Pinunasan niya ng palad ang namumuong butil-butil na pawis sa leeg.
"Kahit na! Hala at magpalit ka!" Utos nito na nanggagalaiti pa rin sa kasuotan ng pamangkin.
"Ayoko, T'yang. Nandito lang naman ako sa bahay e. Hayaan niyo na po." Naglalambing na pakiusap niya. Ayaw na rin niya kasing kumilos at alam niyang papawisan lang siya.
"Hay naku! Bahala ka na ngang bata ka! Hala at kumain na muna tayo." Tumalikod na ang Tiya niya at pumasok muli sa kusina.
Sinundan niya ito at tumulong sa paghahain. Habang kumakain sila ay iritado pa rin ang pakiramdam ni Belinda. Di sapat sa init na nararamdaman niya ang dalawang bentilador sa komedor. Natapos silang kumain at siya na ang naghugas ng kinainan.
"Bel, ikaw na bahala magsara ng pinto at ako ay matutulog na. Gagabihin daw ang Tiyo mo at naaya ni pareng Karding mag-inom." Bilin ng Tiyahin niya bago ito pumasok sa kwarto.
"Sige ho, Tiyang." Tango niya saka naupong muli sa sala. Nagpupunas siya ng basang bimpo sa katawan pantanggal ng pawis at lagkit.
Nanood muna siya ng pelikula sa T.V. habang nagpapababa ng kinain. Nasa kalagitnaan na ng palabas nang makarinig siya ng katok sa pinto.
Agad na pinagbuksan niya ang tao sa pag-aakalang ang Tiyo niya na iyon.
"Hi?" Bati ng lalaking umaakay sa Tiyuhin niya. Di niya ito kilala pero parang pamilyar ang mukha.
"Pakipasok na lang si Tiyo." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang lalaki habang akay-akay nito ang lasing na lasing na Tiyuhin niya.
Marahan na nilapag nito ang Tiyuhin niya sa mahabang sofa. Agad na inasikaso niya ang halos wala ng malay na lalaki sa kalasingan. Di niya tuloy napansin ang humagod na titig ng lalaki sa katawan niya. Partikular na sa dibdib niyang bakat na bakat sa manipis na puting sandong suot.
Pinunasan niya ang Tiyuhin saka pinalitan ng preskong kasuotan. Nawala sa isip ang lalaking nakatayo lang sa gilid habang pinagmamasdan siya.
Naalala niya lang ito nang matapos na siya sa ginagawa. Inaya niya ito sa kusina para maalok man lang ng inumin.
"Pasensya ka na pala. Saka salamat na rin sa paghatid kay Tiyo." Nakangiting sabi niya sa lalaki.
"Ayos lang. Napadami lang talaga ang inom namin nila Tito Karding sa bahay." Sabi naman ng lalaki.