Ito na ang araw na aking kinakatakutan. Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisip ang mangyayari sa araw na ito. Muli akong humiga at pinatong ang kamay sa noo habang nag iisip."ate Ligaya? Andiyan ka ba? Kanina ka pa tinatawag ni inay malapit na raw ang oras para sa pagsusulit"
Natauhan lamang ako sa pag iisip ng tinawag ako ni Sancha. Tinitigan ko ang kanyang mata na puno ng kainosentihan. Ang kanyang mata ay itim na itim parang kalawakan kakulay nito ang kanyang buhok na kulot ngunit mahaba, ang ilong din niya ay napaka tangos hindi mapagkakaila na napakaganda niya ngunit hindi iyon pinapansin ng mga tao sapagkat sa isipan nila ang may berdeng mga mata lamang ang may karapatang maging maganda.
"Paki sabi pupunta na ako mag aayos lamang ako saglit"
Muli niya akong sinulyapan ngunit mabilis din niyang nilipat ang tingin sa kanyang paa na puno ng galos.
"Ayos ka lang ate?"
Muli ko siyang sinulyapan. Umangat ang aking labi ng maisip na nag-aalala siya para saakin
"Oo, bumaba ka na doon at baka maubusan ka ng pagkain"
Napatigil siya mukhang ngayon niya lamang naisip iyon mabilis siyang nagpaalam at tumakbo pababa. Rinig na rinig ang kanyang pagtakbo siguro dahil sa malapit ng masira ang mga kahoy na napakaluma na
Muli kong nilibot ang aking tingin sa kuwarto. Mayroon akong isang higaan na kahoy na malapit na din masira. Makikita mo din pag pasok ang salamin na halos napakalabo na para makita ang sarili at isang kahon na lalagyan ng damit.
Napakasimple ng aking kuwarto ngunit para saakin ay okay na ito, sa tingin ko naman hindi na ako magtatagal dito.
Bago ako bumaba pumunta muna ako sa banyo upang maglinis ng sarili at maging presentable ako kahit papaano sinuot ko ang damit na napakadumi ngunit wala namang amoy tinernuhan ko ito ng jogging pants na medyo butas butas dahil sa kalumaan.
Bumaba ako ng tahimik at lumabas, nakita ang mga tao na naguunahan sa pag kuwa ng pagkain. Binibigay ito ng gobyerno ngunit sa hindi makataong paraan. Binabato nila ito sa mga tao na may ngiti sa kanilang labi na parang mga hari at reyna. Halos alipin kami kung maituring, nakita ko si sancha na halos masugatan na sa pagtalon at pagsalo makakain lamang.
Sinarado ko ang aking kamay para mapigilan ang aking galit nakikita ko sa aking mga mata ang mga mukha ng tao na nahihirapan sa pag salo ng pagkain upang mabuhay. Nakita kong napatingin sa akin ang parang leader makikita iyon sa kanyang kasuotan inangat niya ang kanyang labi at bumaba ang kanyang mga mata sa aking katawan sabay tumawa.
Hindi ko na napigilan at tumakbo ako papunta doon. Mukhang nagulat siya at nataranta ngunit kumalma siya ng makita na tinulungan ko lang si sancha. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit ngumiti lang ako ng may kahulugan.
"Halikana sancha ako na bahala dito tulungan mo na lang ang iyong inay na maghanda"
Nagdalawang isip pa si sancha bago tumakbo ng mabilis papunta sa munting bahay.
Pagkakuwa ko ng sapat na pagkain tinulungan ko muna ang ibang pamilya bago umuwi. Habang naglalakad napaisip ako sa mundong ito. Magagawa ko ba ng maayos ang plano mamaya? Napa buntong hininga na lamang ako at umuwi na.
"Narito na ang pagkain!"
Tumingin bigla ang mag-ina sa akin. Sinalubong ako ng yakap ni tiya susan.
"Dapat hindi ka na nagabala pa ngunit salamat at tinulungan mo si sancha hulog ka talaga ng langit sa amin"
Malapit na siyang umiyak habang sinsabi iyon ang mga mata niya ay katulad ng kay sancha itim na itim, namana din yata ni sancha ang kanyang buhok sa kanyang ina napakulot din nito siya'y matanda na ngunit hindi mapagkakaila ang taglay niyang kagandahan.
"Halina't maupo ka na hahanda ko lang ang pagkain. Sancha maupo ka na sa tabi ng iyong ate at maghugas ka din muna ng iyong mga kamay!"
Medyo malakas ang bosses ni tiya ngunit malambing pakinggan. Mabilis namang sumunod si sancha at nahihiyang tumabi sa akin sa hapag kainan.
Ang aming kakainin ay isang tinapay na napakahaba, hinati ito ni tiya sa tatlo at tinabi ang dalawa, siguro'y para mamayang tanghali at gabi iyon, habang ang natira ay hinati niya muli sa lima at binigyan kami ng tag-iisa.
Kumawa na din siya ng pitsel at nilagyan ng tubig ang aming mga baso.Habang kumakain malakas na nasiko ako ni sancha sa aking mga mata. Mabilis ko itong tinakpan sa sakit ngunit nakita nila ang pagkapula ng aking mga mata.
"Sancha mag ingat ka! Paumanhin ligaya halika't aking gagamutin."
Halos manlaki ang aking mata. Mabilis akong umiling at kumaripas ng takbo papaakyat halos madapa ako sa pagmamadali ngunit wala akong pakialam ang gusto ko lang ay makarating sa kuwarto nakita ko ding hinahabol ako ni tiya at sancha ngunit mabilis kong sinarado ang pinto bago pa sila makapasok.
"Ligaya ayos ka lang ba?papasukin mo kami at nag aalala kami sayo!"
Kinabahan ako ngunit pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili bakit ngayon pa nila malalaman? Kung kelan aalis na ako.
"Ayos lamang ako! Baba na lamang ako mamaya!"
Narinig kong humina na ang mga katok at ang mga hakbang nila paalis. Mabilis kong tinanggal ang contact lense at lumabas ang tunay na kulay ng aking mga mata berde para sa mga maharlika. Ngunit mabilis akong napalingon ng biglang bumukas ang pintuan.
"Ano ka ba namang bata ka kam-"
Natigilan siya. Nahulog ang hawak niyang gamit at lumaki ang kanyang mga mata sumilip din si sancha at nagulat ng masilayan ang aking mga mata.
"M-ma-aharlika ka?!?!??"
BINABASA MO ANG
Green eyes
ActionSa isang mundo na nakasulat na ang iyong kapalaran. Ang iyong mga mata ay ang iyong magiging sandigan at kapalaran. Sa berdeng mata'y iyong masisilayan ang kagandahan ng buhay, mga asul na mata'y makikita ang buhay na napakaganda ngunit minsan laama...