Kabanata 1

20 2 1
                                    

Isang panibagong araw na naman pinagmamasdan ko ngayon ang pagtaas ng araw. Wala akong maayos na tirahan kaya dito ako natutulog at nagpapahinga sa puno sa tuktok ng bundok ng asyriel.

Mabuti nga at hindi ako nahuhulog kahit papaano. sinuot ko na lamang ang contact lense bago ako bumaba sa puno ngunit nagulat ako ng may kumalabit sa aking braso kaya sinipa ko agad ito sa mukha nanlaki ang aking mata ng mabilis niyang hinawakan ang aking paa at tinigil ito sa ere.

"Ako lang toh ligaya hahaha"

Ng matauhan ako mabilis kong inalis ang paa ko sa kamay nya at pinagpagan ang aking damit

"Bakit ka nandito ulap? Mangugulo ka na naman?"

Sinabi ko iyon habang pinagmamasdan siya sa tingin ko parehas lamang kami ng tanda. kulot din pala ang kanyang buhok na kulay lupa.Hindi din maipagkakaila ang kakisigan niya kahit na napakadungis niya ang kanyang mata ay itim sumisigaw na siya ay isang mababang uri o alipin.

"Nandito lamang ako at dinalhan kang pagkain. napaaga ang gising mo ngayon ah?"

Lumayo ang aking tingin sakanya ng makarinig ako ng kaluskos sa gilid nakakapagtaka na may tao dito.

Ang alam nila ang bundok na ito ay mapahamak at banal marami kasing mga mababangis na hayop dito ngunit hindi nila pinapatay dahil sa kanilang isipan lahat ng nakatira dito sa bundok ay pag-aari ng pinakaunang hari.

"Oh? Bakit bigla ka yatang natah-"

Napatahimik siya ng nilagay ko ang kamay ko para takpan ang bibig niya. Lumaki ang mata niya at mabilis inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"An-"

Napatigil siya sa pag sasalita ng nilakihan ko siya ng mata sumama na lamang ang kanyang tingin sakin habang pinapahidan ang kanyang labi ngunit napatigil din siya ng marinig ang kaluskos.

Mabilis ngunit maingat kaming tumakbo sa pinangalingan ng tunog kabado kami dahil pwedeng isa itong mabangis na hayop kahit sanay na kaming labanan ang mag ito hindi pa din namin maiwasan na kabahan.

kaya habang tumatakbo hinanda ko na ang kutsilo na laging nakatago sa bulsa ng bag ko nilabas na din ni ulap ang kanyang maliit na kutsilo.

Nang makarating kami sa paa ng bundok pinakiramdaman namin ang paligid

"Sa tingin mo ano yun?"

Nagtatakang tanong ni ulap habang nakahanda pa din siya sa maaring mangyari.

"Ewan pero kung ano man iyon hindi na tayo ligtas sa bundok. Tara na sa bayan puntahan natin si tatang rito"

Mabilis  kong itinago ang aking armas at maglalakad na sana papunta sa bayan ngunit natigilan ako ng marinig kong hindi sumusunod sa akin si ulap.

Nilingon ko siya at nakitang may tinititigan sa bundok kaya mabilis ko siyang binatukan para matauhan

"Aray! Grabe naman ligaya mahal na mahal mo talaga ako"

Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis ng naglakad papunta sa bayan.

"Bilis! Ang lakas na naman ng hangin dito baka matangay ka"

Sinamaan niya ako ng tingin at sinakal sa leeg gamit ang kanyang siko habang naglalakad tumawa na lamang ako habang kinakaladkad niya ako.

Hinihiling ko na sana lagi na lamang ganito kasama si ulap at masaya...

————————————————————

Sorry maikli lang luv u all anemies<3

Green eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon