Ring*
Ring*
Ring*
Aaaaaahhh ang ingay ano ba yan. Inaantok pa ko. Hysss nag stretch pko bago bumangon at naligo.
After I took a bath, I prepared my uniform and wear. Nagsuklay na din ako ng madalian hyss curly pa naman buhok ko maya maya gugulo nanaman pero si Ace gustong gusto niyang pagtripan buhok ko maganda daw kasi ung pagkakakulot kasi natural na. Sinuot ko na din ang salamin ko pagkatapos maglagay ng kaunting pulbo. that's it! Ang kyut ko hihihi.
"Nak, kumain ka na dito" pagtawag sakin ni yaya.
"Wow yaya! Adobo saka fried rice? At saka hmmmm ang bango po ang sarap" ang sarap ng niluto ni yaya favorite ko to.
"Syempre pinagluto talaga kita niyan. Napapansin ko kasi kaunti lang kinakain mo kaya sige na kumain ka ng marami" nakangiting saad ni yaya. The best talaga si yaya kaya ang turing na talaga namin ni kuya sa kaniya ay pangalawang ina.
"Wow sarap na sarap Zellia Nicolae ah. Tumataba ka na magiging baboy ka na Hahahaha" kainis kung kelan sarap na sarap ako sa pagkain dun pa dumating ang isang to.
"Wag mo nga akong asarin. Di ako tumataba kaya ayos lang kumain ng marami. Umalis ka nga!" Tugon ko sa kaniya. Tss ang aga aga nang bibwes*t
"Pinapasabi pala ng mommy niyo na huwag daw magpapagabi ng uwi lalo ka na daw nak Nicolo." Sabi ni yaya.
"Opo nay, promise umuuwi ako bago----
"Bago ang sinag ng araw yaya. Ganyang oras umuuwi" putol ko s kaniya and he give me glare.
"Basta pag nalaman yan ng mommy niyo lagot tayong tatlo."
Matapos naming kumain, nauna na si kuya ng alis since sa kabilang gate ang pasokan ng college students. Nagpahatid nalang ako kay manong Lito. Habang nasa biyahe kami, biglang pumasok sa isip ko yung nag text sa aking unknown number. Sino kaya yun?
"Nandito na tayo ma'am Nico" sabi ni manong.
"Salamat po. Ingat kayo pauwi" paalam ko sa kniya saka naglakad papasok ng school. Haysss as usual, medyo kakaunti palang ang mga studyanteng maagang dumating.
Bago ako dumiritso ng room, dumaan muna akong library para isauli yung hiniram kong libro at dahil may isang oras pa bago ang bell, tumambay muna ako doon. Naghanap ako ng magandang basahin at natagpuan ko ang isang libro. Ngayon ko lang to nakita ah, saka yung pamagat niya naka sulat latin. Hmmm, ano kaya to?
alica magica
Ibig sabihin magical spells? Hmm mahiram nga at nang mabasa sa bahay mamaya. Kumuha din ako ng science book saka ko pinalista sa librarian ang mga hiniram kong libro.
Pagkarating ko ng room, medyo kalahati na din ang naroon. Habang palakad ako papuntang seat, alam kong sinadya niyang banggain ako hysss.
May dala din siyang milktea at natapon yung laman sa akin.
"Ano? Di ka ba tumitingin sa dinaraanan mo? Kita mo yan? Natapon yung laman ng milktea ko!" Sigaw niya sa akin. Siya na nga tong bumangga eh.
"Di kita binangga, ikaw ang bumangga sa akin. Ang laki nga ng daanan eh" sagot ko.
"Ah sumasagot ka na ngayon sakin? Ang tapang mo ah" saka niya ko tinutulak. "Ito bagay sayo kasi matapang ka diba?" Dagdag niya saka binuhos sa kin ang natirang laman ng milktea niya. Lahat naman nang nakakita ay tumatawa.
"Ang tapang pala eh sumasagot sagot" sabi ng kaibigan niya.
"Hahahahaha"
I clinched my fist but I can't do something. Tumakbo nalang ako palabas hanggang sa di ko namalayan umiiyak na pala ako.
Napahinto ako sa pagtakbo at narating ko ang maliit na kubo sa school flower garden. Tumutulo oa yung tubig ng milktea sa mukha ko tapos sumabay pa luha ko.
Kainis naman, palagi nalang akong umiiyak sa tuwing ganto ang nangyayari. "Kelan ka ba matutong lumaban Nico?" Tanong ko sa sarili ko. Para akong baliw na kumakausap sa sarili.
"Here"
Nakita ko ang isang panyo sa harapan ko. Tiningnan ko ang taong nagbigay. Si Chale pala.
"Huwag na madudumihan lang yan"
"Take this and clean yourself o you want me to clean you" saad nito. Dali dali ko namang tinanggap ang panyo nito at pinunas ko sa mukha ko pati sa kamay kong basa ng milktea.
"Lalabhan ko nalng."
"Sayo na yan. Sa susunod, matuto kang lumaban pag alam mong inaabuso ka na. don't let them hurt you the way they want to." Sabi niya saka tumalikod paalis.
Nakakapanibago si Chale. Saka pano niya nalaman na nandito ako? Tanga Nico? Sempre nakita ka niya protesta ng isip ko. Haysss bago pa ko mabaliw dito, tumayo na ako saka pumuntang locker. Buti nalng pala may iniiwan akong extra uniform in case kung di baka lumiban na ko ng klase.
Tiningnan ko naman ang relo ko. May ilang minuto pa naman kaya pa siguro. Maliligo muna ako. Buti nlng din may bathroom yung school para sa mga Galing activity na gustong maligo pag pawisan.
Pagkatapos kong ayusin sarili ko, bumalik na ako ng room. Dinig ko parin ang tawanan at gossips nila. Di ko nalang pinansin at umupo nalang. Salamat nalang at dumating din agad yung 1st period teacher namin ngayong araw.
Hysss ang malas ng simula ng araw ko.
YOU ARE READING
HE'S NOT A FICTION
General FictionNicolae is a typical girl. She's like no one, an invisible nerd student of West Aldridge International School. She is fond of writing journals, reports, and she is one of the smartest student. Pano kung dahil sa kwentong naisulat nya ay biglang magk...