Chapter One

3 1 0
                                    

"Basura".

Yan ang salitang naglalarawan sa taong katulad ko sa isang lipunan.

Ako si Yanagi Michio, 22 years old, isang NEET at hikikomori.

Gaya nga ng sinabi ko, ako ay isang NEET. Walang trabaho at matagal ng tumigil at di nakapagtapos ng pagaaral.

Nagsimula itong lahat noong namatay ang aking mga magulang sa isang trahedya. Nawalan ako ng mga taong magpapaalala sa akin kung ano ang gagawin kaya't lumihis ang landas na tinatahak ko sa buhay.

Simula noong namatay ang aking mga magulang ay tumigil narin ako sa paglabas ng bahay. At ang manang iniwan nila sa akin ay ginastos kong lahat upang ipambili lamang ng mga bagay na makapagbibigay kalibangan sa akin tulad ng mga gaming consoles na playstation, nintendo at vr, mga unan na may tatak ng isang anime character, mga sex toys at marami pang iba.

Lahat ng perang iniwan sa akin ay ginastos kong lahat para sa kapakanan ng aking kagustuhan.

"Kailan ba ko mamamatay?"

Yan ay ang bagay na madalas kong itanong sa sarili na sa sobrang dalas nga ay parang naging pang araw araw na kasabihan ko na ito.

Sa simula pa lamang ng mga araw ko sa game world ay may natuklasan na akong laro sa playstation 4 na nararapat gamitan ng vr, "PSVR4 GAMES" yan ang tawag ng iba sa mga uri ng larong ginagamitan ng parehong console.

Ang "PSVR4 GAME" na nadiskubre ko ay may konsepto ng "Fantasy World" at maikakategorya ang larong ito sa isang "MMORPG".

Ang pangalan ng larong ito ay Jubrixia Online. Ang Jubrixia Online ay isang sandbox MMORPG na maihahalintulad tulad mo sa Albion Online. Ang pagkakaiba lamang ng dalawa ay ang console na ginagamit.

Nagsisimula ang laro sa pagsulat ng iyong ninanais na pangalan para sa iyong lilikhaing game character subalit dahil bago pa lamang si Yanagi Michio sa game world, isinulat nya bilang in-game name ang kanyang tunay na pangalan na "Yanagi Michio" para sa kanyang game character.

Pagkatapos n'yang mailagay ito ay pumili naman sya ng race na ninanais n'yang maging sa loob ng laro.

Sa pagpili ng race natagalan si Michio.

Hindi kasi mabilang sa dami ang pagpipiliang mga race dahil pati ang mga monsters at beast ay kasama rin dito.

Dahil baguhan lang si Michio sa larong ito, pinili nya na lang ang 'random race' at iniasa sa na lamang nya swerte ang kapalaran nya.

Sa kabutihang palad o sabihin na lang natin na dahil sa sobrang swerte. Hindi inaasahang napili ni Yanagi ang isang race na maiikonsidera mong isang 'rare race' o 'hidden race' na hindi matatagpuan sa selection kahit saan mo pa ito hanapin maliban na lamang kung 'random' ang selection na pipiliin mo.

Ang race na ito ay 'Necrarch' at nakapaloob ito sa 'Vampire Race'.

Ang Necrarch ay di tulad ng orihinal o kinagisnang bampira. Ang mga Necrarch ay walang kahinaan, hindi sila nasusunog sa sikat ng araw, tinatablan ng pilak at nasasaktan sa holy water. 'Immune' sya kung baga sa wikang ginagamit ng mga gamer.

Ilang oras pa lamang naglalaro si Yanagi ng Jubrixia Online ay talagang nahigop na nito ang kanyang buong atensyon.

Lumipas ang mga araw ay naging adik na sya rito at paglipas ng ilang buwan ay ginagastusan nya narin ito ng malalaking halaga ng pera.

Dahil sa laki ng halagang ginastos ni Yanagi sa larong ito ay di maitatanggi na malaki ang inilundag pataas ng kanyang lakas.

Tinalo nya ang iba't ibang uri ng mga player at di naglaon, sya ay nakatayo na sa ibabaw ng marami bilang isang top global player.

Nagtayo sya ng sariling palasyo, lumikha ng sariling mga NPC at nakipagdigma sa iba't ibang kaharian, clan, guild at samahan. Bilang lang sa iisang kamay ang mga taong nakatalo kay Yanagi.

Talagang napakasaya ng mga araw ni Yanagi sa tuwing sya ay pumapasok sa mundo ng Jubrixia Online.

Ang buong atensyon nya ay naririto at napapabayaan nya na ng sobra ang kanyang sarili.

Isang araw, habang naglalaro si Yanagi ng Jubrixia Online.

Habang sya ay nasa anyong paniki at lumilipad ng malaya sa kalangitan ng Jubrixia ay nakaramdam sya ng matinding pananakit sa puso.

Ang pananakit na ito ay hindi nya sa loob ng laro nararamdaman kundi sa labas nito o sa totoong buhay, pero dahil konektado ang kamalayan mo sa laro at totoong buhay, mula sa malawak na himpapawid ay nalaglag si Yanagi ng pagewanggewang sa lupa.

Namimilipit sa sakit na nararamdaman si Yanagi  sa puntong kinakalmot na nya ang sariling dibdib.

Makalipas lang ang ilang sandaling patuloy na pagdanas ng malaimpyernong sakit ay naglaho na ang pigura ni Yanagi sa loob ng laro, na isa lamang ang ibig sabihin, sya ay nag log out na.

Yun ang iyong iisipin matapos mong makita ang paglalaho ng kanyang pigura sa loob ng laro subalit kapag tiningnan mo ang itsura nya sa totoong buhay.

Makikita mo mula sa bakas ng mga kalmot nya sa kanyang sariling dibdib at sa emosyong nakaguhit sa kanyang mukha, na sya ay nagdusa mula sa isang atake sa puso.

Ang posisyon ni Yanagi kapag sya ay naglalaro ay nakaupo.

Dahil ganito ang kanyang postura. Bukod sa kakulangan nya sa ehersisyo at masamang kalusugan ng katawan. Hindi maipagkakaila na posibleng ang nagresulta sa kanyang heart attack ay blood clog o masamang paraan ng pagkain.

Pitong araw matapos ang pagkamatay ni Yanagi ay natuklasan sya ng kanyang mga kapitbahay matapos nilang mapansin ang masangsang na amoy ng isang nabubulok na bangkay.

My Life in Another World as my Game Character (Isekai)(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon