PROLOGUE

15 2 0
                                    

"Lying is not my thing." -Daemon Lux

Si Daemon Lux ay isang sikat na model sa Paris, France. Hindi maitatanggi na siya ay gwapo, malakas ang appeal, matangkad, moreno, matalino, at maraming kababaihan ang nabibighani sa kanya.

Mag-isang naglalakad si Daemon malapit sa Eifel Tower at nakatingin sa kalangitan. Masaya niyang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit ng biglang may narinig siyang sigaw.

Nilapitan niya ito ngunit...

"WAHHHH sabi ko naman kasi mag-iingat ka. Tignan mo tuloy yung nangyari. Aish!" Sabi nung babae na nakasakay sa sasakyan at bumaba.

" Sorry, hindi ko naman sinasadya. Ayos lang kaya siya?" Tanong ng isang lalaki na kasama ng babae.

" Kuya, ayos ka lang? Dalhin na kaya natin sa hospital." Sabi ng isa nilang kasama.

Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan ng ilang segundo at tiningnan ang nabundol nilang lalaki.

Nagmulat ng mata si Daemon hawak hawak ang kanyang ulo. Kita sa kanya ang bakas na nasaktan siya sa nangyari.

"Aray! Aray!" Sabi ni Daemon habang sapo sapo ang ulo.

Tinignan niya ang tatlong magkakaibigan at sinigawan.

"HOY KAYONG TATLO! BAKIT HINDI KAYO NAG-IINGAT? ALAM NIYO BANG PWEDE KO KAYONG KASUHAN NA RECKLESS DRIVING? TIGNAN NIYO NGA YUNG GINAWA NIYO SAKIN? MAY SUGAT NA AKO. MAY PHOTOSHOOT PA NAMAN AKO BUKAS. PAANO NA TO?"

Natahimik ang tatlong magkakaibigan. Pinapakinggan lang nila ang mga sigaw ni Daemon.

"Gasgas lang naman yan, hindi ka naman namatay. Akin na nga, gagamutin ko." Hinablot ng babae yung braso ni Daemon. "Konti lang naman yung gasgas, malayo sa bituka."

"Anong malayo sa bituka? Hindi niyo ba ako kilala? Ako si DAEMON LUX! Isa akong sikat na model." In-emphasize ni Daemon ang pangalan niya.

Umiling ang tatlo bilang sagot.

Bumulong si Vlad kay Britt. "Nababaliw na yata siya."

"Hindi ako baliw. Narinig ko yung sinabi mo -_- "

"Hindi ka namin kilala. Alam mo, naalog yang utak mo. Nagpapatawa ka ba o feelingero ka lang?" Sagot ni Britt kay Daemon.

" I'm Daemon Lux for a reason, tsk."

Fell Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon