Chapter 2

6 0 0
                                    

"Arggghh, ang tagal naman ni D. Nasaan na kaya yon?" Sabi ni Yuna sa sarili niya habang patingin tingin sa orasan.

Kanina niya pa hinihintay si Daemon.

Alas tres pa lang ng hapon, nagprepare na siya para sa lakad nila ni Daemon.

Nakailang palit na rin siya ng damit niya dahil di siya mapakali sa suot niya.

"D, nasaan ka na ba? Bakit ang tagal mo?" Reklamo niya.

Kinuha ni Yuna ang cellphone niya sa bag niya and she tried to call Daemon again sa pag-aakalang baka sagutin na ito ni Daemon.

She sent almost hundred message to Daemon dahil hindi nga ito sumasagot sa tawag.

Ang next niyang tinawagan ay si Shawn.

"Come on Shawn, answer the call."

Hindi mapakali si Yuna at pabalik balik siya ng lakad.

Luckily, Shawn finally answered the call.

"Hey, Shawn. Good evening! Kasama mo ba si D?" Yuna asked nervously.

Kinakabahan si Yuna kaya kanina pa siya hindi mapakali. Parang may hindi magandang mangyayari kaya siya hindi mapanatag.

"Si Daemon? Hindi e, maagang umalis yon kanina. Hindi nga tumuloy sa shoot e." Sagot ni Shawn.

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ni Yuna sa sagot ni Shawn. Kung hindi kasama ni Shawn si D, nasaan yung taong yon?

"Ah sige salamat." Yuna ended the call and he next call Daemon AGAIN.

Ring lang ng ring yung phone ni Daemon. Hindi rin nagrereply.

Kanina pa gustong pumunta ni Yuna sa bahay ni Daemon, pero hindi niya magawa. Kilala niya kasi si Daemon, once na mangako yon ay ginagawa niya.

Binaba ni Yuna ang cellphone niya at kinuha ang bag niya. She finally made the decision na siya na ang pupunta sa condo ni Daemon.

"I'm sorry Daemon but I have to do this. I need to see you dahil may importante akong sasabihin sayo."

Mabilis na naglakad si Yuna at isinarado ang bahay niya.

Pagkalabas niya ng bahay ay saktong may taxi kaya agad siyang nakasakay. Nagbayad siya sa driver at pumara ng makarating sila sa tapat ng building kung saan nandoon ang condo ni Daemon.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Yuna at tinungo ang condo unit ni Daemon. Hindi siya nahirapan tunguhin ito dahil apat na palapag lamang ang building ng condo.

Nang makarating si Yuna sa tapat ng unit ni Daemon, huminga siya ng malalim bago pindutin ang door bell.

*Ding dong*

Walang lumalabas.

Pinindot ulit ni Yuna ang door bell. *Ding dong*

Napabuga ng malakas na hangin si Yuna. Hindi niya inaasahan na paaasahin siya ni Daemon.

Napasandal sa pader si Yuna at tinignan ang orasan. Alas-otso na, pero bakit wala si Daemon?

"Daemon, where are you?" Tanong ni Yuna sa hangin.

Napapikit si Yuna ng madiin at may tumulong luha galing sa mga mata niya.

"No, Daemon. Bakit ngayon pa? Bakit?" Napaupo si Yuna sa sahig.

Hindi na niya napigilang umiyak. Iyak siya ng iyak.

'Why am I crying? No, hindi dapat. Kailangan ko tatagan ang loob ko.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fell Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon