CHAPTER 1

11 2 0
                                    

"Umaga na naman." Sigaw ni Daemon pagkagising habang humihikab.

Bumangon si Daemon mula sa pagkakahiga at dumiretso sa CR. Matagal siyang tumitig sa salamin.

"Bakit kaya ang gwapo ko? Psh, ang gwapo ko na tapos ang ganda pa ng katawan ko. Perfect!" Sabi  niya habang nagpopose sa harap ng salamin.

"Ano ba Daemon, bakit ang gandang lalaki mo?" Nag-pogi sign siya.

Bukod sa gwapo siya, mahangin din pala siya.

Lumabas si Daemon sa CR at pumunta sa walk in closet niya.

Habang namimili siya ng damit na susuotin, nagring ang cellphone niya.

KRIIIIIING... KRIIIIIINGGGG

Yuna calling...

Agad niyang nilapitan ito at sinagot ang tawag.

Si Yuna ay isang sikat na model na kasama ni Daemon sa agency nila. Yuna is totally a dream girl for everyone. She has a great personality with great body. She has a seductive lips and talagang nakakaakit kapag titignan.

Matagal nang may paghanga sa kanya si Yuna pero mahiyain si Yuna pagdating sa feelings niya.

"Hey! What's up?" Tanong ni Daemon sa kabilang linya

"Busy ka ba?" Tanong ni Yuna kay Daemon

"Not really, pero alam ko may photo shoot ako later." Sagot ni Daemon habang nakapamewang

"So other than that, wala ka nang gagawin?"

"Yeah, why?"

"Pwede ba tayo lumabas mamaya? Dinner lang ganon." Nahihiyang sabi ni Yuna kay Daemon.

"Sure, sunduin na lang siguro kita para hindi ka na lumabas mag-isa."

"Sure D. Thanks."

"Welcome...so I gotta go." Paalam ni Daemon kay Yuna at dali-daling hinagis ang phone sa kama.

Mabilis na nagprepare si Daemon ng sarili at handa na siya para sa photo shoot niya.

Mabilis na pinaandar ni Daemon ang sasakyan niya na halos lumipad ito sa sobrang bilis.

"Aish. Bakit ngayon pa? Arghhh I hate traffic. Fvck." Reklamo ni Daemon sabay hampas sa manibela.

Pinaka-ayaw pa naman ni Daemon sa lahat ay ang traffic dahil mahalaga sa kanya ang bawat oras na nasasayang.

Kinuha niya ang cellphone niya at agad hinanap ang number ni Shawn. Si Shawn ang bestfriend niya slash manager niya.

Tinawagan niya si Shawn at sinabi niyang ma-l'late siya dahil traffic.

Pagkababa niya ng tawag ay may na-receive siyang text message from unknown number.

'071320'

"Ano namang ibig sabihin nito at kanino galing ito?" Bulong niya sa sarili.

Dinelete niya ang message at nagfocus sa daan dahil paunti unti nang nawawala ang traffic.

"Spam message na naman siguro to. Kailangan ko na naman siguro magpalit ng number" sabi niya sa sarili niya.

Habang nagmamaneho siya, hindi mawala sa isip niya ang number na na-receive niya kanina lang.

Umiling siya at pinaandar ng mabilis ang kotse niya.

Fell Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon