Third person's POV
Paggising ni Monique agad siyang nakaramdam ng paghihilo at pagbabaliktan ng kanyang sikmura kaya dali-dali siyang tumakbo patungo ng cr at sumuka sa inidoro.
Diring-diri siya sa sariling suka, umiling-iling ito bago flinush ang suka naghilamos na siya at hinang-hina na naglakad patungo sa kama at umupo sa gilid nun
Bumuga siya ng hangin at hinawakan ang tyan
"Ok baby maging mabait ka naman kay mommy ha? nahihirapan ako sa umaga ih please be a good girl dahil naghahanap na si mommy ng work"
pinindot niya ang telecom na nasa side table nito
"Manang Paakyat naman po ng tubig" sambit niya"Yes po ma'am"
Naisipan ni Monique na humiga muna sa kama para hintayin ang tubig na idadala ng katulong, habang sa kusina naman ay narinig ng nanay ni Monique Kasama ang kanyang mga kuya
Umiling-iling si Mrs. Bartolome habang nagtitimpla ng sariling kape
"Morning sickness" sambit nitoKumabit balikat ang si Melvin habang nagbabasa ng diaryo, si Marcus naman ay may katawag sa phone tila importante at seryoso ang usapan nila
"Hay, dapat ay may kasama palagi ang Kapatid niyo mahihirapan siya especially pag trimester ng kanyang pagbubuntis"
"Wala Tayo maasahan kay Jerome" sambit ni Marcus bago makaupo at katatapos lang ang tawag, sinimulan na niyang kumain
"Palagi nalang missing in action iyon, Ewan ko ba kay Monique bakit niya natitiis ang lalaking iyon eh simula nung buntis si Monique ay hindi Niya Ito inalalayan o kaya samahan Siya sa check ups, anong klaseng ama!" uminting ang panga ni Melvin
"Shh... keep it down maririnig tayo ni Monique" suway ng kanilang ina "Hayy... she has her reason wala na ako pake sa lalaking iyon ang inaalala ko lang ngayon ay ang kalagayan ng Kapatid niyo"
"Bakit hindi nalang sila magkabalikan ni Yzzreal?" wika ni Marcus na may pagkain sa bunganga
Nanikit naman ang mga mata ng kanilang ina"hmm? ano ka ba Marcus kung ano iniisip mo"
"Kahapon nga ih si Yzzreal ang sumama kay Monique sa check up"
"Talaga?'' naging interesado si Melvin at ibinaba ang diaryo
"Marcus! don't talk when you're eating!" ani ng kanilang ina "At Isa pa nahihibang ka na ba? He's a Bachelor, may hinahandle na kompanya, mabait Siya at seryoso sa buhay marami pa siyang mararating, gugustuhin niya bang bumalik kay Monique ngayong buntis siya... at pagkatapos ng nangyare noon"
Natahimik ang dalawang magkapatid, tumigil sa pagkain si Marcus at nagpalitan sila ng tingin ni Melvin
"Hayy hayaan na natin si Yzzreal may mahahanap pa siyang iba, may kanya-kanya na silang buhay ni Monique ngayon ay pagtyagahan natin si Jerome mukhang siya ang gusto ng bunso natin... Hayaan nating magmove on sila it's been 2 years hindi na dalaga ang Kapatid niyo siya ang pagtuonan natin ng pansin wag niyo na ireto"
"Kausapin niyo nalang si Jerome kailangan siya ni Monique magiging ama na siya wag siyang pafe-feeling binata kahit iyon nalang ang gawin niyo para sa Kapatid niyo wag niyo ipilit si Yzzreal"
"Uy Ma, hindi Namin pinipilit ha! sinasabi ko lang dahil mukhang maalaga siya sa anak ni Monique" depensa ni Marcus
"Kahit na! hayaan na natin ang dalawa... Marami pa siyang hahantungan"
BINABASA MO ANG
What Star fits the Sky
RomanceAngeline Monique Bartolome's past will always hunt her kahit dalawang taon na ang nakakalipas. Mga kasalanan at pagmamanupila sa buhay ni Yzzreal Guevara ay hindi na matatakasan ni Monique. Pilit nalang nilimot iyon ni Monique kahit pa nakaramdam si...