KABANATA 04
Everleigh Kaihley's point Of View
"Tawag ka yata noon, oh." Kinalabit ako ni Rafael mula sa likod ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nginuso niya sa akin ang bintana kung saan naroon ang Titan.
"Bwisit talaga na Titan 'to." Mahina kong sabi pero nagulat ako nang tumawa si Rafael. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"May naalala kasi akong babae na Kapre yung tawag sa akin. Tapos ikaw naman Titan." Paliwanag niya. Ngumiti ako at nilingon si Lorenzo sa bintana.
Wala pa yung teacher namin kaya tumayo ako palapit may Lorenzo. "Ganda naman mo naman, Smeagol." Salubong niya sa akin.
"Wag dito." Sinisimulan nanaman niya yung araw ko. Akala ko ay tatahimik siya pero nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko.
"Aray!" Sigaw ko sa kanya. Sinubukan ko siyang sipain dahil sa sakit ng pagkakapitik niya. Pumasok siya sa room at sinundan ko naman siya.
"Oy! Yung mag baby!" Sigaw ni Lean.
Sinipa ko yung likod ng tuhod ni Lorenzo kaya naman nilakihan niya ako ng mata. Gamit ang mahaba niyang kamay ay hinawakan niya ang noo ko para malayo sa kanya.
Sisipain ko sana ulit siya pero hinila niya yung paa ko dahilan para matulala ako. Lagot. Hinapit niya ako palapit sa kanya. Napapikit ako nang isandal niya ako sa white board.
Dahan dahan siyang yumuko para naman mapantayan ako. "Kakaaway mo sa akin mamaya magustuhan mo na lang ako nang hindi mo namamalayan." Nakangiting sabi niya.
Nagtitilian ang mga classmate ko dahil sa nakakahiyang posisyon naming dalawa. "Kahit kailan 'di kita magugustuhan. Mukha kang Titan." Mariin kong sabi sa kanya. "Ang panget mo." Dugtong ko pa.
Natawa siya lalo dahil sa sinabi ko. "KAYONG DALAWA MAGSUSUNTUKAN KAYO O TITIGIL KAYONG DALAWA?" Sabay kaming napalingon kay Mrs. Cruz na nakapanghemaywang sa harapan namin.
Umarko ang kilay niya dahil sa itsura namin ni Lorenzo na agad namang lumayo sa akin. "Sorry, Ma'am. Si Everleigh po kasi-"
"Ma'am, he came here to annoy me." I him cut off. Nagkatinginan kaming dalawa. Kinakabahan ako dahil hindi basta teacher ang nasa harapan namin.
"Mr. Orcajada, nasa kabila ang room mo. Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ni Mrs. Cruz. Hindi na nakapagsalita si Lorenzo nang hawakan siya ni Mrs. Cruz papunta sa pintuan. "Ayaw kong makikitang mag aaway kayo ulit. Wag ninyong ipahiya ang mga apelyedong dinadala ninyo." Paalala niya sa amin.
Nang makalabas sila ay napairap ako. "Dudurugin ko talaga ang mukha ng Lorenzo na yun eh!" Napatadyak ako sa tiles dahil sa inis. Tinignan ko ang mga classmates ko na nakangiti sa akin ngayon.
Inirapan ko sila bago ako maupo sa harapan ni Rafael na ngayon ay nakangiti. Parang tanga.
Pagtapos ng dalawang klase ay nanatili kami sa room. Ilang classmates namin ay naghaharutan. Samantalang ako ito nakatanga.
Nilingon ko si Rafael na nakahawak sa cellphone niya ngayon. He was looking at the picture of a woman. "Sino yan?" I was curious about him.
He smiled sweetly at me before hiding his phone in his pocket. "Crush?" Patanong niya sabi sa akin.
"Your crush seems familiar to me." Pagsisinungaling ko dahilan para manlaki ang mga mata niya.
Inilabas niya ang cellphone niya at ipinakita ito sa akin. Halos maduling ako dahil sobrang lapit niyon sa akin. Inagaw ko sa kanya ang cellphone niya at tinignan kung sino ba yung crush niya.
BINABASA MO ANG
UNTIL I LOVE YOU (Hope of heart series 02)
RomanceHow many times does Everleigh have to accept that she has no right to be angry and jealous because they have no relationship with Lorenzo but only friendship. How many more times will she convince herself not to get hurt every time she sees Lorenzo...