KABANATA 12
Everleigh Kaihley's Point Of View
"Lorenzo, saan ka pupuntang bata ka?!" Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang galit na galit na boses ng kanyang ama. Kasunod nito ang kuya niyang si Wallance at ang ina nila.
Hinablot ng ama niya ang damit niya. "Tito, tama na." Mariin kong sabi. Hinila ko palayo si Lorenzo. Nagsisimula nang umalab ang galit sa dibdib ko.
"Kai, hayaan mo akong disiplinahin yang si Lorenzo!" Sigaw niya sa gitna ng ulan. Nagtatagis ang bagang niya at nag aalab ang galit sa mukha niya.
"Tito, hindi naman po kasi disiplina ang ginagawa mo. Binubugbog niyo na po siya!" Halos pasigaw na sabi ko. Hindi na din halos kami mag karinigan sa lakas ng ulan.
Napailing si Tito Lorence dahil sa sinabi. He does not seem to be convinced by what I said. I think he is ready to kill his son. "Yang p*tanginang yan ayaw makinig sa akin. Gusto kong pagdating ng araw ikasal kayong dalawa, napag usapan na namin ng Papa mo, Kai. Ayaw niyang pumayag dahil kaibigan lang daw ang tingin niya sayo!" Paliwanag niya.
Nanuot ang sakit sa dibdib ko. Parang pinipino ito ng husto. Kaibigan lang ang turing niya sa akin? Nilingon ko si Lorenzo, para siyang nilalamon ng sakit. Mas masakit yung nararamdaman ko ngayon! Yung taong gusto ko hindi ako gusto.
Kahit alam ko naman yung totoo pero bakit nasasaktan ako? Umaasa pa din ako na kahit konte sana naman may pagtingin din siya sa akin. "Kai--" Pinutol ko ang sasabihin ni Lorenzo.
"O-okay lang maman, Tito. You don't have to force him to marry me just because you talked to Papa." Tumulo ang luha ko kahit pa hindi naman nila alam dahil puro tubig ulan lang. "Parehas lang naman po kami nang nararamdaman. Kaibigan lang naman po talaga ang turing ko din sa kanya." Pagsisinungaling ko.
Tinignan ako ni Lorenzo na parang nilalamon siya ng sakit. Para siyang unti unting pinapatay dahil doon. What's wrong? Does he feel the same way I do? O ako lang talaga.
Ganyan ang itsura niya dahil nabugbog siya. Hindi na ako aasa na sa emosyonal na pakiramdam niya nahuhugot ang sakit na iyan.
Dala dala ko ang lesson plan ng adviser namin para dahil iyon sa kanya sa faculty dahil naiwan niya daw iyon kanina sa room. Nakita ko si Hailey na kasama ang mga kaibigan niya. Jejemon queen.
"Kniazeff!" Napalingon ako nang marinig ko ang tawag niya sa akin. Dali dali siyang tumakbo papalapit sa akin. "Alam mo ba kung bakit hindi nakapasok si Lorenzo?" Tanong niya.
Sandali akong natigilan. Naalala ko ang dahilan kung bakit hindi nakapasok si Lorenzo dahil sa nangyari kagabi. Nasasaktan ako sa mga narinig kong hindi dapat. "Hindi." Seryoso kong sabi bago ko siya talikuran.
Rinig kong nag papratice sina Rafael ng sayaw kasama ang iba pang section para sa anniversary ng NEHS. Hindi naman ako sumali doon dahil tamad akong sumayaw sayaw.
Nabaling ang pansin ko kay Zennia habang naglalakad siya papunta sa canteen. Humanda kana. Hindi ko alam kung saang school ka itatapon.
Saturday morning when we went to Talent entertainment. I was wearing a crop top and pants paired with black nike shoes. Malayo palang ay rinig ko na ang nakakarinding boses ni Zennia.
Nang makita niya ako ay itaasan niya ako ng kilay niya. Ngumiti ako na parang pagkatapos ng lahat ng ito makakapasok pa siya dito. "Hindi ko tinatanggap ang mga abnormal dito sa loob ng building nato." Deklara ko.
Napatingin sa amin ang mga tao dito. "Papa mo lang ang may ari pero hindi ikaw." Taas kilay na sabi niya.
"Well, iyon din ang sabi ni Papa. Ayaw ka na daw niyang papasukin dito. Nakausap na din niya si Mr. Grego Galvez na huwag ka nang papasukin sa school on monday. Goodbye, b*tch." Ngisi ko bago siya talikuran. Aapila na sana siya pero hindi niya nagawa iyon nang palabasin na siya ng mga guard.
BINABASA MO ANG
UNTIL I LOVE YOU (Hope of heart series 02)
RomanceHow many times does Everleigh have to accept that she has no right to be angry and jealous because they have no relationship with Lorenzo but only friendship. How many more times will she convince herself not to get hurt every time she sees Lorenzo...