Buong araw na akong naglalaro ng tablet ko dahil dito sa mga bago kong bili na Visual Novels. Buo na din ang araw ko, masilayan ko lang ang lalaking gusto ko na si Takaki. Masayang-masaya akong nakatitig sa picture nya sa tablet ko na may halong kilig na akala mo’y kinukurot sa singit.
“Ahh.. Takaki-kun. Kailan kaya ako makakatagpo ng gaya mo? Sana isang araw dumating ka na lang sa buhay ko at i-tanan ako.” Napayakap ako sa tablet na hawak ko sa kilig habang pagulong-gulong sa sahig ng kwarto namin ng kapatid ko. Pasigaw-sigaw at patili-tili pa nga.
Nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.
“Misaki! Anong ginagawa mo dyan sa sahig? Hinihimod mo na naman yung mga alikabok dyan eh. Daig mo pa yung mop natin eh.” Pagalit na sigaw ng kapatid kong mas nakatatanda saakin.
Bumangon ako agad at pumunta sa kama ko na medyo nahihiya. Sabay tumingin sa picture ulit ni Takaki na sobrang sexy eyes na para bang inaaya nya akong gumawa ng bata. Namula na lang ako sa kinauupuan ko at napansin kong napa-iling ang ate ko.
Kinabukasan sa school, maaga akong pumasok para mahaba pa ang oras ko para magbasa dito sa visual novel na meron ako. Pagdating ko sa classroom nakita ko ang mga kaklase ko na nag-kukwentuhan at panay ang selfie kahit saan-saan. Umupo na ako sa upuan ko, dahil ako ang bida ng story na ito, dito ako nakaupo malapit sa bintana sa pinakadulong row namin.
Isinabit ko ang bag ko sa gilid ng lamesa ko at sinimulang magbasa sa tablet ko.
Titig na titig ako sa bawat eksena lalo na yung malapit na akong halikan ni Takaki. Halos gusto kong ilapit ang nguso ko papunta sa screen ng tablet ko dahil gustong-gusto ko syang halikan, kahit torrid pa. Nang biglang…
//Tghhh!! Blagg!
Nahulog yung bag kong nakasabit sa gilid ng lamesa ng may dumaan akong isang kaklase. Nagulat ako at nainis at the same time dahil sinira nya yung moment na meron na kami ni Takaki. Binasag nya yung namumuong pag-ibig.
“Ay!” malakas nyang sigaw tapos lumingon sa bag kong nakahandusay sa sahig.
Tahimik lang akong tumingin sa kanya na may halong gulat sa aking mga mata. Napakamot ulo syang ngumiti saakin at lumapit. Yumuko sya dinampot ang bag kong unconsious pa din sa nangyari.
“Gomen ne, Tachibana-san.” Tawag nya saakin gamit ang surname ko.
Isinabit nya muli ang bag ko at naglakad na palayo saakin. Naupo sya sa upuan nya katabi ang ilang mga kaklase namin. Wala ako gaanong kaibigan at aminado akong outcast ako sa classroom namin. Pero ako naman ang pumili na maging ganito, dahil si Takaki lang kumpleto na ang mundo ko. Kaya nyang punan ang lahat ng spaces ng buhay ko.
Pagkatapos ng klase ay agad kong isinuot ang jacket ko dahil unti-unti ng lumalamig ang panahon. Siguro ilang araw na lang din ay mag-isnow na. Lagas na lahat ng kadahunan ng mga Sakura tree eh.
“Akari! Sabay na tayong umuwi. Daan tayo sa 7-11. Bili tayong slurpee.” Sabi ng isa sa mga kaklase kong si Ai-chan.
“Ang lamig-lamig na slurpee pa ang gusto. Bigwasan kita dyan eh.” Sabi naman pabalik ni Makoto-san sa kanya. I prefer calling her on her surname since we’re not even close. “Ayoko. Mauna na kayong umuwi, dadaan lang ako sa gym.” Dugtong nya pa.
Lumabas na din ng classroom ang mga kaibigan ni Makoto-san kaya sinukbit ko na din ang bag ko at hinawakan ang tablet ko. Chapter 6 na ako eh, hindi na ako makapag-hintay makarating ng bus para magbasa. Magbabasa ako habang nag-lalakad. Sinimulan ko na maglakad palabas ng classroom ng tawagin ako ni Makoto-san.
BINABASA MO ANG
Chocolate Kiss 【ONE SHOT】
Roman d'amourThis is my not-so-common yet special love story. Na-inlove ako sa isang taong nagligtas saakin sa tiyak na pagkakaroon ng black eye. I'm Misaki. A visual novel addict. Alamin natin kung paano nahulog ang loob ko sa kanya kahit na sa isang visual nov...